Since then hindi ko na kailanman nakita na naka online si Jayhay, naguguilty na ako. Tuloy parin ang hell class ko kay Hee Joon. Medyo dumudunong na ako mag piano, ay hindi, gumagaling na kamo. Ngayong araw na ito na ang results ng ranking namin at satingin ko, once again i nailed it!
Mga 8:00 na ata nun nung marami nang nagsisialigid sa bulletin board matapos na ipost ang results.maraming nagtalunan sa tuwa at nalungkot.
“Ang galing nya talaga!” sigaw ng isa.
Hay... ang sarap talaga mapakinggan ang mga pagpuri sayo ng mga kapwa mo kaklase at schoolmates. Siguradong instant nanaman ako, nakisingit na ako sa linya ng mga nkikitingin at pagdating sa harap agad agad kong tinignan ang pang top spot, rank one na pwesto ko.
1. KIM, Hee Joon
What? Wait. Bat hindi ko pangalan ang nakalagay dyan? Nasaan ako?
(imagine na nag biblink ito)
2. AOI, Hana
Bakit pangalawa ako? This is so not happening!!!!!
“Well well well, this is the first time na nadethrone ko si miss Aoi ah. Its such an honor” pumapalakpak siya at hinawakan ang kamay ko at hinalikan ito. Gross.
“I knew you’ll do it. Your’e so blessed Hee-kun. Navivisualized ko na talaga na mangyayari to. Congratulations” ^_^ ß fake smile and fake cute accent.
“there is always a next time ms Aoi” feeling ko sa tinginan namin na malupet, parang may koryente effect na ata.
“I know.” Nginitian ko siya at umalis. Pag alis ko narinig ko na ang mga tilian ng mga teenage girls na umaaligid sa kanya.
Hindi ko siya iniimik sa piano lessons namin at patuloy lang sa pagpaplay ng “na na na” ng paulit ulit sa piano. Tahimik din naman siya paminsan minsan , iyan ang talagang na observe ko sa 3 linggong pagtuturo nya sakin. Umuulan noon at nakatulala nanaman siya sa bintana, pinapanuod nya ang pagbulusok ng ulan na tumatama sa glass. Lagi nalang siyang ganoon tuwing may iniisip ng malalim, minsan nakakatakot narin dahil kaya nyang hindi gumalaw ng straight 2 hours na nakatitig sa bintana. May sira ata to sa ulo e. Pero hindi ko padin maiwasang maisip ang 3 salitang binanggit niya nung mahimbing siyang natutulog.
“Help me.. hana”
Kailangan nya ang tulong ko? Siya ang mortal kong kaaway sa school na ito at hindi ako tumutulong sa iba. Tinutulungan ko lamang ay ang sarili ko. Kung kailangan nya ang tulong ko, bakit ba nya kailangan agawan ako ng pwesto? Natural, Gawain ng sira ulo yun e. Pag tuwing tinititigan ko siya ng mabuti parang may nakikita akong mga mabibilis na visions na padaan daan sa isip ko. Hindi ko na namalayan na tumutulo na pala ang luha ko habang tinitiitgan ko siya. Bakit ako lumuluha? Did i have a soft spot for him?
Sa panaginip ko, ang pangalan ko ay Lee seong Jae. Hindi ako si hana, ako si Lee seong jae. Marami raw akong mga kaibigan na pinapahalagahan sa buhay at hindi na maalis doon ay ang minamahal ko na si Kim Hee Joon.
Hinawakan ko ang kamay niya,
Nagkahiwalay kami,
Sinisigaw nya ang pangalan ko.
Gusto ko lumapit.
Tanging itim na usok nalang ang nakita ko.
Nagising ako na pawis na pawis. Im drench in perspiration. Gusto kong bumangon pero pagod na pagod na ako. Feeling ko totoo ang lahat ng mga pangyayari. Bakit kasama si Hee Joon sa panaginip ko at sino si Lee seong Jae?

BINABASA MO ANG
Blue Flower
RomansaAoi Hana is considered as the most popular girl in school because of her intelligence and cuteness. Her life changed when a rich and popular Korean Heir entered their school and tries to dethrone her. Can she hide her real identity? Is she strong en...