Chapter eighteen "one roof"

62 2 0
                                    

Buti naman at hindi siya namatay dahil sa pag sipa ko sa kanya kanina.

“Hindi ka na talaga naawa sakin?” umuubo pa siya.kapal ng mukha.

“Maawa?! Ha. Grabe, mukha mong yan nakakaawa?”

“Teka, matanong ko lang, san ka mag nenewyear at Christmas??” so change topic siya.

“Bat mo naman natanong?”

“Wala lang naman..”

“Uuwi kami sa Japan for Christmas at magpapaiwan si papa sa japan for new year, dito lang ako mag nenew year eh.”

“Ah ganun ba...”

Tumayo na ako sa upuan at kinuha sa kabilang room yung iba ko pang mga damit. Pagbalik ko nagtatanggal na ng Top si Hee Joon.

“UYYY!!!! SA CR KA NALANG MAGTANGGAL PLS!!” sigaw ko.

“Baket, masama? E lalaki naman ako ah, tsaka lalaki ka diba?”

So tinutukso nanaman nya ako? Tinakpan ko nalang ang mata ko. Naramdaman kong umalis siya tas may biglang tumayo sa likuran ko at hinawakan ang kamay ko na nagtatakip sa mata ko. Pilit nyang tinatanggal ang kamay ko na naka blindfold.Nararamdaman ko ang body heat nya. Ewww.

“Buksan mo na kasi, wala namang masama e.” Sabi nya

“psh. Hayaan mo na ako, baka kung ano pang gawin mo.wala akong balak tumingin!”

“bakit? Wala lang namang top ah, masama ba yun. Ibig sabihin pag nagsama na tayo ng matagal dito, tuwing maliligo ako magtatakip ka?”

ANOOO????WALA AKONG BALAK NA MAGTAGAL DITO SA KWARTO MO!!!

humarap ako at susuntukin na siya ng biglang pinigilan ako ng kamay nya. Bigla akong nag bump sa katawan niya. Uyy ano ba to????

“bitawan mo ako.” Sabi ko. Galit na talaga ako.

“ayaw.” Hinigpitan pa niya ang yakap.

“sabi nang bitawan mo ako.”

“Ayaw ko nga diba.”

Naramdaman ko nalang ang katawan ko ay sobrang nagiinit, daig pa ang apoy at bigla nalang siyang napalayo sakin. Nag black out na ang paningin ko.

“BITAWAN MO AKO!!!!” tumalsik nanaman siya sa bubong.

Naka dalawang tapal na ang bubong nya.

Buti nalang at nagawa pa nya makaligo pagkatapos ng pangyayari at nagbihis na siya.

Weew. Ganun ba talaga ang attire nya pag natutulog?? Naka T-shirt at shorts. Ayos ah.

“Doon ka na sa kama ah.” Sabi nya.

“Ha? Nakakahiya na sayo.”

“Anong nakakahiya, sige na doon ka na matulog, sa lapag nalang ako.”

“Sure ka?”

“oo.”

Humiga na ako sa may bed nya, pang dalawang tao ang bed nya. Kaya pala malaki ang space ng kwarto nya e.

“Bakit pang dalawang tao ang bed mo?” hindi naman sa nanghihimasok no..

“Kasi, one day... baka malay mo.. magkatabi na tayo dyan.”

Binato ko siya ng unan.

“ano nanaman ginawa ko?”

“WALA.”

Tumawa siya.

“uy, gusto mo ba palit nalang tayo, nakakahiya na talaga sayo e.”

“wag na..kahit na nalalamigan ako, ok lang.”

Kesa naman mamatay siya dahil sa pulmunya, wala akong magagawa. Sige, gagawin ko na.

“G-gusto mo ba tumabi nalang dito?” weew.

“ha? Ano nakain mo? May sakit ka ba?!” parang ako lang ah.

“wala akong sakit, naawa lang ako sayo.”

“Wow, may awa ka pala kahit paaano no”

“sige, manginis ka. Wag na nga lang!”

“Uy joke lang.” Tas umakyat na siya at tumabi saakin.

Ano na gagawin ko?

Counted na ba to nag pagkakasala?

“Anong gusto mong gawin natin?” tanong nya.

Ay humirit pa!!!!!

“BAKIT???!!!!”

“Tinatanong kita ah.”

“Wala.”

“Baka iniisip mo ang iniisip ko ah..”

“WAG KA—“ pinutol nya ang salita ko.

“Alam ko naman na gusto mo din e...”

HAAA???!!!

“Gusto mo talagang maglaro tayo ng UNO!!!! Yess. May kalaro narin ako.”

AH. Uno... kala ko iba na e. Kung iba na yon, patay na talaga to sakin.

Oo naglaro kami ng uno, HE SUCK IN UNO, 10 na ang wins ko 1 palang sa kanya. Kaya pala sinukuan siya ni Mason e. Pagkatapos namin maglaro nakahilata nalang kami sa kama.

“Ano pang gusto mong gawin natin?”

Wala akong sinabi, nakapikit.

“ehh..alam na..bilis magtalukbong na tayo ng kumot para..”

Hindi ko siya pinansin. Tinalukbungan nya kami ng kumot.

HOY!! Ano nanaman to?!!

“ ...makapag tsismisan tayo.” Sabi nya. Sabay tawa.

AY NAKO, GANITO PALA KA KULIT SI HEE JOON PAG MAY KA SLEEP OVER SIYA NOH.

Blue FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon