Hindi ako nakatulog dahil sa aksidente nung isang gabi,baka naman nananaginip parin ako nun? Mga 7:30 ng may kumatok sa pintuan ko. Si Hee Joon.
“Ohayo,” kinawayan nya ako.
“Oha” kinawayan ko siya.
“tara na?”
Tumango nalang ako at sabay kaming pumasok ng school. Hindi ko alam kung matitignan ko ba siya ng straight ngayon o makakausap. Girlfriend na ba talaga ko ng taong kasama ko ngayong tumatawid sa daan? Hindi nya ako kinakausap pero nararamdaman ko na nakangiti siya.
Huminto siya bigla
“Aray” ano nanaman nagawa ko?
“ha?”
“ang sakit kamo pag tumatama yung kamay mo sa hamay ko.”
“ah,oh.. ganun ba..” nilalayo ko kamay ko.
“there is only one solution if we don’t want our hands bumping to each other”
Tumingin sya sakin.
“We just have to go by holding hands”
Bigla nalang nyang inisnatch yung kamay ko at naglakad.nginitian nya ako tapos diretso na ang tingin nya. Pagpasok naming sa school agad kong binitawan ang kamay nya.
“oh bakit?”
“Heesh. Diba nga madaming mag spread na rumors sa campus???” hininaan ko ung boses ko.
“o ano naman? E sabi naman nila bagay naman tayo.”
“aish.”
“o mag hunusdili ka. Ito naman, ayaw mo nun ang Korean Prince at ang Kawaii Goddess nag dadate?”
“nako, manahimik ka. Kung hindi lang tayo nasa school malamang lumipad ka na.”
Nagform siya ng ex damit ng kamay nya sabay sabi ng...
“Wag naman.”
“Sige na, pumasok na tayo.”
Dumating na si Ms Mendez sa classroom at may dalang mga papers.
“Class, may meeting ang school board at ang president natin mamayang mga 9:00 ha.”
Hay, ang hirap naman maging president >.< madaming mga meeting meeting bakit si Hee Joon walang pinapagawa samantalang vice president siya, naalala ko tuloy nung class elections samin.
*flashback*
“oh! Sino mag volunteer para maging president?”
Crickets.
“Wala? Osige, HEE JOON. Be our president.”
“No way.” Sabi nya.
Nagtaas ako ng kamay.
“I want to nominate---“
“Oh, Hana be our president.” Ha??? Ako. E mag nonominate lang naman ako ah .>.<
Tinaas ni Hee Joon ang kamay nya at sinabi.
“If she’ll be the president then i nominate myself as the vice president.” Tas nag tilian sila.
WHAAAAAAAAAA??????
*end of flashback*
So yun ang nangyari before, kaya naging P and PV kami ng class. Habang nagdidiscuss si Ms mendez, inaantok ako. Wala pa kasi akong tulog since nung nangyari samin ni Hee Joon sa Apartment. Gusto ko matulog. T^T
Break time at kinausap ako ni Hee Joon.
“ito yung sched mo mamaya, repeat after me. Meeting at 2---“
“teka, bat may repeat after me pa?!” inaantok yung tao oh!
“Sundin mo nalang.. ok as i was saying...,
“Meeting at two,School activity passing at two thirty, evaluation at three”
Inulit ko, napakainutil
“Meeting at three.”
“mali”hinarap nya ako “meeting at two”
“ ah.Meeting at two, school activity passing at two thirty ,evaluation at three...” sabi ko.
“At movie at four” sabi nya.
“At movie at four” wait what? Movie at four? Bigla nalang siyang umalis at iniwan akong nakaupo. Movie at four?
Natapos ko narin ang lahat ng mga Gawain sa room nang bigla siyang pumasok at dala dala ang gamit nya.
“Tara na?” Inabot nya ang kamay ko.
“Ha?”
“wag mong sabihing hindi mo na gets?”
“Gets na gets.” Ngumiti ako at kinuha na ang bag ko sa may lamesa, nakatingin silang lahat ng sabay kaming lumabas ng room.
“Ok lang ba talaga sayo ang ganito?” tanong ko sa kanya.
“na ano?” tumingin siya sakin habang naglalakad kami
“Na.. nagcocoment sila tungkol satin.” Tinuro ko ang mga nagbubulungan na babae sa corridors.
“Ah yun ba. E wala naman akong pakealam kung ano man ang pinagsasabi nila. Masaya nga ako e”
“ha? Bakit naman?” huminto kami at tinitigan ko siya.
“kasi ikaw ang pinili ko, at hindi sila.”
Ngumiti nalang siya at nagpatuloy kami sa paglalakad. Satingin nyo ba seryoso talaga tong tao na to? Sumakay kaming bus papuntang Munoz at nagjeep papuntang Trinoma. Lagi kaming pinagtitinginan ng mga tao, so ngayon lang ba sila nakakita ng comic duo?? Isang gwapo na koreano at isang Maliit at cute na Japanese? Tuwing may mga babae na tumitingin sa kanya agad agad nyang hinahawakan ang kamay ko. Pumasok na kami sa sinehan.
Eh?
MYSASSYGIRL
“gusto mo ba panuorin yan?” tinanong nya ako
Tumango nalang ako, pero mas prefer ko ang mga action movies. May soft spot naman ako kahit papaano sa mga drama ang romantic films pero mas gusto ko talaga yung may bugbugan.pumasok na kami sa loob ng sinehan at 3 lang ata ang nanunuod, tatlong couples kasama na kaming dalawa. Pag upo naming agad agad nyang nirest ang kamay nya sa arm rest na naka install sa upuan.
Napanuod ko na itong film na ito but never fail to excite me parin. Ang ganda ng story at walang kupas ang plotline nila. Sobrang tahimik ata nung isa, sabi na nga bat bakla siya e, baka umiiyak na ito ah. Paglingon ko sa may tabi ko, nakita ko na nakatitig siya sakin. Tinitigan ko lang siya. Ngumunguso pa,
“ha?” pabulong kong sinabi.
Ngumunguso nanaman pababa.
“Ano?” pabulong kong sinabi, takte d ko magets e. Bigla nalang akong natawa nung nagets ko na. HAHAHAH. Gusto pala nya i rest ko din yung kamay ko sa armrest. Tumatango sya sakin at feeling ko iniisip nito ‘ano, lagay mo na?’ binelatan ko siya. :P
Mga kalahati na ng palabas ng nirest ko ang kamay ko sa armchair, siguro naman at Masaya na tong tao na to at pinagsisigaw sa isip nya na ‘yes!!’ lumingon ako sa direksyon nya at nakita ko ng natutulog na pala!
Kahit na ito ang pinakaworse na first date namin, i considered it the sweetest :>
Hinding hindi ko malilimutan ang araw na ito.

BINABASA MO ANG
Blue Flower
RomanceAoi Hana is considered as the most popular girl in school because of her intelligence and cuteness. Her life changed when a rich and popular Korean Heir entered their school and tries to dethrone her. Can she hide her real identity? Is she strong en...