Minsa'y malamig, maalon, at payapa. Ito ang kadalasang klima ng tubig sa dagat. Kaya maging handa sa kung anomang klima ang iyong madatnan sa oras ng karerahan. Hindi madali ang lumangoy sa gitna ng karagatan lalo na kung hindi maganda ang kondisyon ng dagat. Kailangan mong maging alerto, madiskarte at mapag matyag upang ang pagsubok ay iyong malalagpasan. H'wag kang magpakalunod sa takot, h'wag panghinaan ng loob at lalong h'wag sumuko sa labanan. Lumangoy ka hangga't kaya mo, paniguradong matatapos mo din yan. At di mo na mamalayang katawan mo'y dinala na ng tubig sa dalampasigan.
Kasabay ng pagsikat ng bukang liwayway, panibagong hamon ang nag hihintay. Ang dalawang gulong ay naka handa na upang lakbayin ang kahabaan ng kalsada. Mga padyak mo'y kasing bilis ng ipu-ipo. Mga paa'y wag sanang manghina at sumuko. Ito'y mapanganib din kaya't kailangan apat ang iyong mga mata. Malakas na hangin ang dumampi sa iyong mukha at buong katawan. Kaya hawak ng manobela'y iyong higpitan, baka ika'y pa giling-giling at katawa'y masusugatan. Tuloy-tuloy lang sa pag padyak, kahit isipa'y gusto ng umiyak. Wag masyadong isipin baka ika'y liparin ng hangin. Matatapos mo din yan konting tiyaga nga lang.
Bago pa sumapit ang dapithapon, dapat mga paa mo'y nagsimula ng tumabko. Ito na ang huling disiplinang iyong gagawin kaya dapat katawan mo'y wag biglain. Langhap! Hinga! Langhap! Hinga! Sundan ang sayaw ng iyong mga paa. Kahit mga binti at paa mo'y masakit na, ngunit bawal mag pahinga. Sa di kalayuan tanaw mo na ang malaking arko, hudyat na ika'y malapit na. Kasabay ng sigaw ng mga tao, napapabilis ang iyong takbo. Piliting h'wag huminto dahil sayang ang bawat segundo. Sumigaw ka kung kinakailangan, h'wag dibdibin baka ika'y mahihirapan. Dapat ngiti mo'y wagas pagdating sa finish line.
Langoy, Padyak at Takbo! Sinong magaakalang nagawa mo ang tatlong laro sa loob lamang ng ilang oras? Hindi ito simpleng laro lamang, dahil hindi biro ang ganitong libangan. Ito'y isang katuparang matagal mo ng pinaghahandaan. Halos buong buhay mo ay nakalaan sa paghahanda at pagsasanay. Kaya't isa kang alamat at dapat na saludohan. Malaking karangalan ang iyong pinamalas, hindi lang sa iyong sarili kundi sa buong Pilipinas!
BINABASA MO ANG
Essay - Sanaysay
Short StoryMga sanaysay mula sa aking imahenasyon, sa tunay na karanasan at sa totoong buhay. ☺️