Lingid sa ating kaalaman marami ng mga pangyayari ang nagaganap sa ating bansa sa kasalukuyan na kailangang bigyang pansin lalo na ang kahirapan na laganap sa buong bayan. Isa pang malalang problema ang druga kabilang dito ang mga kabataan.
Masisisi ba natin kung sila'y nalulong at napabayaan ng kanilang pamilya? Ang magulang ang dapat na gumabay sa kanilang mga anak ngunit subalit paano nito matutustusan ang pangangailan ng kanilang mga anak kung hindi naman sapat ang kanilang kinikita sa pang araw-araw na pangangailangan upang buhayin ang kanilang pamilya.
Hindi lang druga ang problema ng kabataan sa panahon ngayon, mga child workers na laganap at nakakalat sa ating paligid na naghahanap ng pagkakitaan. Sa murang edad sadsad na sila sa pagod at hirap dala ng kanilang trabaho. Isa pang lumalang problema ngayon ay ang prostitusyon kung saan dito naghahanap ng pag asenso ang karamihang kabataan lalo na ang mga kababaihan. Sila'y naghahangad lamang ng pag asenso sa ganoong pamamaraan.
Ngunit sa lahat ng mga kabikabilang problema sa ating pamayanan ang edukasyon ang pangunahing problema sa ating lipunan. Ika nga ng ating mga magulang ang edukasyon lamang ang tanging kayamanan na maibibigay sa kanilang mga anak. Ngunit paaano ito magiging kayaman sa maraming naghihirap nating mga kababayan na hindi nakapag-aral man lang?
Hindi ba't ito ang sanhi kung bakit karamihan sa ating kabataan ang hindi nakapag-aral dahil sa nagmamahalang matrikula sa ating paaralan. Wala kang mapapsukan na magandang trabaho kung wala kang hinahawakang diploma. Kung may trabaho man hindi sapat ang sahod para sa pang araw-araw na pangangailangan. Ganito ba ang gusto mo kaibigan?
Kung hindi lang sana ganito ka dungis ang sistema ng ating gobyerno hindi sana nating kailangan maghirap pa tulad ng nararanasan natin sa panahon ngayon. Malas nga lang tayo dahil sila'y mapagsamantala at makasarili. Hindi nila inisip ang kapakanan ng taong bayan na lalong naghihirap dahil sa kanilang kagagawan.
Sila'y nagpakayaman gamit ang pera ng kaban bayan habang tayo'y halos walang laman ang tiyan. Tama ba ang ginagawa nila? Pabayaan nalang ba nating magpatuloy ang kanilang pagnanakaw habang tayo'y baon na baon sa utang? Kailan pa tayo kikilos at makikiisa para sa ating bayan? Mag bingibingihan nalang ba tayo at magbulagbulagan ngayong alam naman natin kung ano ang tunay na dahilan kung bakit laganap parin ang kahirapan sa ating bayan?
Ikaw ano ang maitutulong mo bilang Kabataang Pilipino? Ika nga ang kabataan ang pag-asa ng bayan, ngunit paano magiging lider ang isang Kabataan kung sila mismo hindi kikilos sa kung ano man ang mga nangyayaring problema sa ating bayan. Bigyan sana natin ng pansin ang mga kaganapan na lalong nagpapahirap sa ating buhay. Bilang Kabataang Pilipino malaki ang ating maitutulong sa ating bayan para sugpuin ang mga buwayang nagpapataba at wala ng ginawa kundi ang magpalaki ng tiyan.
Tayong mga Kabataan ang daan para sa kaunlaran ng ating bayan. Tayo ang tatapos sa mga nasimulan ng ating mga bayaning nakikipaglaban para sa kapakanan ng buong bansa. H'wag sana nating ibalewala at kalimutan ang kanilang paghihirap para makamtam natin ang tagumpay at tunay na kapayapaan.
BINABASA MO ANG
Essay - Sanaysay
Короткий рассказMga sanaysay mula sa aking imahenasyon, sa tunay na karanasan at sa totoong buhay. ☺️