"Disabled Physically Not Mentally"

2.3K 11 4
                                    

Ang isang taong may kapansanan ay isang mamamayan na may pisikal na kapinsalaan o kasiraan sa anumang bahagi ng kaniyang katawan. Ito ang nagiging sanhi ng pagiging kaiba niya sa ibang mga tao.

May mga likas na kapansanan at mga kapansanang dahil din sa mga karanasang katulad ng mga sakuna. Halimbawa na nito ang mga pagkabulag o pagkawala ng isang paa o kamay.

Walang perpektong tao sa mundong ibabaw ika nga, walang may gusto nito at lalong hindi mo alam kung anong balakid ang naghihitay sa iyong hinaharap dahil hindi mo naman hawak ang takbo ng iyong buhay.

Araw-araw tayong binigyan ng mga pagsubok. Iba't-ibang anyo, nasa atin na kung paano natin tanggapin at harapin ang katotohanan. May mga problemang mabibigat at may mga problema namang kaya pang solusyunan at bigyang lunas.

Walang madali sa pagiging "Disabled" lahat ng hirap, pagod, sakripisyo ay iyong pinapasan. Tila ba'y sakim sayo ang langit at sa lahat ng tao sa mundo ikaw pa talaga ang binigyan ng ganitong klaseng pagsubok.

Nakakapanglumo, nakakapang hinayang, nakakawala ng gana, may pagkakatong ikinakahiya mo ang iyong sarili dahil sa sitwasyon, at para kang isang kandilang naka sindi at unti-unting natutunaw.

Bagkus ang pagkakaroon ng kapansanan ay hindi hadlang upang hindi mo na ipagpatuloy o gawin ang mga pangarap mo sa buhay. Hindi ito ang katapusan ng iyong mundo, ito ay bagong panimula lamang, bagong hamon at bagong yugto ng iyong buhay.

Hindi ka dapat magluksa, hindi mo dapat kaawanan ang iyong sarili, tumayo ka sa sarili mong mga paa, harapin mo ito ng buo ang loob mo, yakapin at ipagpauloy mo kung ano man ang iyong nasimulan.

"Physically Disabled" ka lang, mas katakot takot kung ikaw ay "Mentally Disabled" dahil ito ay sakit ng isang tao na sa tingin ko ay wala ng lunas, dahil ang mga taong ito sila ang mapanghusga sa kapwa, mapanglait, at wala ng ginawa kundi ang apak apakan ang iyong sarili dahil sa iyong taglay na kapansanan.

Sila ang mga taong imbes na tulungan at intindihin ka, sila pa lalo ang magdidiin sayo dahil sa tingin nila porket may kapansanan ka ay wala ka ng silbi sa mundo. Ipakita mo sa kanila na hindi hadlang ang iyong kapansanan, ipamukha mo sa kanilang kaya mo paring makipag sabayan sa iba't-ibang larangan.

Oo, kailangan mo ng tulong pero hindi sila ang dapat mong lapitan. Hindi sila ang taong may puso at may pang-unawa. Dahil hindi nila naiintindihan kung anong hirap ang iyong pinagdaanan.

Pilitin mong bumangon at itayo ang iyong sarili. H'wag kang mag kulong sa sarili mong bartolina, lalong h'wag mong isipin ang mga taong katulad nila. Hindi lang sila ang mga taong nakapaligid sayo. Mahal ka Diyos, ng mga kaibigan mo at ng iyong pamilya.

Habang may buhay, may pag-asa. Pagkatapos ng ulan, sisikat din ang araw. Kung saan sisikat ang araw, doon ka magsisimula.

Essay - SanaysayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon