"Bulong ng Kahapon, Sigaw ng Bukas"

1.6K 9 0
                                    

Marami sa ating Kasaysayan ay nag mistulang malamig na bangkay at hindi na napapakinabangan. Maraming kasaysayan ang sadyang kinalimutan na ng sambayanang Pilipino. Hindi lahat ng kasaysayan ay may katotohanan, hindi lahat ng mga katotohanan ay napabilang sa ating kasaysayan.

Ang bansang Pilipinas ay napalibutan ng maraming likas na yaman, dahil sa yaman tayo ay pinagkakaguluhan ng mga dayuhan. Sinakop tayo ng mga banyaga sa matagal na panahon, nagdanak ang dugo, naghihirap ang ating lipunan ngunit ang ating magigiting na mga bayani ay nakikipaglaban upang labanan at palayasin ang mga dayuhang pilit tayong angkinin.

Lumipas ang maraming taon, tila nakalimutan na natin ang tunay na kasaysayan. Naging abala tayo sa bagong mundo na ating ginagalawan sa kasalukuyan. Hindi lahat ng mga Pilipino, lalo na ang mga bagong henerasyon ngayon ay nakakaalam sa tunay na karanasan ng ating mga ninonong nakikipaglaban para sa ating kalayaan. Libo-libong Pilipino ang nagbuwis ng buhay, ang naka kulong sa madilim na karahasan at hindi man lang nabigyan ng hustisya ang kanilang pagkamatay.

Kahit magpa hanggang ngayon ay wala pa ring tunay na liwanag sa ating lipunan kung tayo ay patuloy na magbubulag-bulagan. Maraming nagbago, maraming magbabago at maraming pang mangyayaring nakaabang. Sana ay maliwanagan tayo na mahalagang alalahanin at h'wag kalimutan ang ating kasaysayan. Lalo na ang mga sakripisyong inalay ng ating mga bayani para sa ating bayan.

Magkaisa tayo, dahil ito ang magbibigay liwanag upang ipagpatuloy natin ang mga magagandang adhikaing nasimulan ng ating mga bayani. Imulat natin ang ating mga mata upang ating masilayan ang totoong liwanag.

Walang tunay na kalaayan kung nakagapos parin tayo sa kamay ng mga dayuhan. Marapat lamang na ating isapuso ang kanilang kabayanihan, dahil walang liwanag ngayon kung wala ang kasaysayan noon.

Essay - SanaysayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon