Kahit saan mang sulok ng Pilipinas ay may kanya-kanyang wika na ginagamit ang bawat mamamayang Pilipino. Iba't-ibang wikang ginagamit sa pakikipag kumunikasyon, pakikipag ugnayan at pagpapahayag. Ang iba'y mahirap bigkasin, mahirap intindihin ngunit iisa lamang ang layunin, ang ipaabot sa bawat isa ang sinisigaw ng damdamin.Ang wika ay hindi lamang sa pamamaraan ng pananalita na ginagamit sa araw-araw. Kalipunan ito ng simbolo, tunog at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais na sabihin ng kaisipan. Ito ang tulay na magsisilbing daan upang makamit ng bawat isa ang tunay na kahalagahan ng ating wika. Ang wika ay dapat palawakin at bigyang halaga ang bawat bagong silang na salita, ito ma'y sa pamamagitan ng pag bigkas, tunog, simbolo o sa gawa.
Patuloy na mananaliksik dahil ang wika ay hindi namamatay, bagkus hangga't may gumagamit ng wika mananatili itong buhay sa bawat puso't isipan ng mga Pilipino. Gamitin ang wika sa tamang paraan at gawing inspirasyon ang bawat wikang nalalaman sapagkat ito ang hagdan tungo sa mas malawak na kaisipan.
Ang wika din ang magsisilbing sandata sa araw-araw na pakikibaka upang magkaroon lamang ng maayos na kumunikasyon at pagkakaintindihan ang bawat panig ng sa gayon ay maipaabot ng malinaw ang nais na ipahiwatig. Hindi man madaling aralin ang wika, maraming balakid man ang pumapagitna ngunit hindi ito hadlang upang wika'y ipagtabuyan.
Pahalagahan ang wikang kinagisnan, ipagbunyi ang bawat salitang nalalaman at bigyang buhay ang bawat wikang nananalaytay sa ugat ng iyong puso't isipan. At h'wag magsasawang manaliksik sapagkat ang ating wika ay dapat aralin, ating mahalin at panatilihin.
BINABASA MO ANG
Essay - Sanaysay
Short StoryMga sanaysay mula sa aking imahenasyon, sa tunay na karanasan at sa totoong buhay. ☺️