"Nasaan ang Liwanag?"

2K 11 1
                                    

Palubog na ang sikat ng araw kaya't halos lahat ng mga tao ay nagsiuwian na sa kani-kanilang mga bahay at naghahanda na ng hapunan. Ang iba nama'y papaalis pa lamang sa kanilang mga bahay at magsisimula pa lang mag trabaho. Ganito ang karaniwang buhay ng bawat tao sa mundong ibabaw.

Abala ang bawat isa sa kani-kanilang mga gawain. Ang bawat pitik ng orasan ay mahalaga, walang oras dapat ang nasasayang, ayon pa nga sa kasabihan "Time is Gold". Kaya dapat pahalagahan mo ang bawat segundong nakalaan sayo. Simula ngayon dapat mulat ang dalawa mong mga mata at isipan para hindi ka mapagiwanan.

Alalahanin mong hindi sapat ang isang ilaw lamang ng lampara ang naka sindi sa loob ng inyong tahanan. Sikapin mong madagdagan man lang ito ng lumiwanag naman ang buong kabahayan. At hindi mo rin makikita ang mga butuin sa madilim na kalangitan.

Kaya kung ikaw ay may pangarap, lahat ay kaya mong gawin, walang dahilan upang hindi mo ito makamtan. Walang madaling pagsubok sa buhay kaya dapat kaya mo itong labanan at lagpasan. Kung ikaw ay mahina, wala kang pagkakataong iangat ang antas ng iyong buhay. Mananatili kang naka gapang sa lupa tulad ng ibang mga nilalang.

Dahil hinding hindi mo makikita ang liwanag kung wala ka namang ginagawa para sa ikakabuti at ikakaunlad ng iyong buhay. H'wag mong igapos ang iyong sarili sa mga bagay na wala namang patutunguhan. Buksan ang bintana at patuluyin mo ang sikaw ng araw.

Kahit gaano pa man ka hirap ang iyong problema, h'wag kang bumitaw sa iyong mga pangarap. Lawakan mo pa lalo ang iyong isipan. Bawat ulan ay may nag-aabang na liwanag sa kalangitan. Isa lamang itong pagsubok na dapat mong malagpasan.

Hindi lahat ng tao sa mundo ay nasisilayan ang liwanag. Marami sa atin ang nanatili pa ring nakakulong sa madilim na nakaraan. Ang problema ay kakambal na ng bawat isa sa atin, tao man o hayop ay nakakaramdam. Sarili mo lamang ang tanging makakasagot sa iyong pinagdadaanan.

Tandaan ang bawat butil ay nagiging binhi, ang bawat binhi ay nagiging palay, ang bawat palay ay nagiging ginto, ang bawat ginto ay nagbibigay ng liwanag sa ating buhay.

Essay - SanaysayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon