Ayon sa Wikipedia ang Samahan ng mga Bansa sa Timong-Silangang Asya ay isang kapisanang pangheopolitika, pang-ekonomiya, at pangkultura ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya. Ang Asean ay itinatag noong 8 Agosto 1967 at binuo ng Indonesya, Malaysia, Pilipinas, Singapore, at Thailand. Ang mga layunin ng samahang ito ay pagtaguyod ng paglago ng ekonomiya, kaunlarang panlipunan, pagsulong ng mga kultura sa mga kasapi, at pagpapalaganap ng kapayapaang pangrehiyon.
Maganda sana ang layunin ng samahan kung ito ay naipatupad sa tama at natatamasa ng hindi lamang ng mga Pilipino kundi ng lahat ng mga sakop nitong bansa. Ngunit bakit hanggang ngayon ay patuloy pa rin tayong nalugmok sa kahirapan? At tila ba'y walang katapusang paghihirap ang ating nararanasan. Lahat tayo ay nangangarap ng pag asenso sa buhay, lahat tayo ay sawa na sa kahirapan, at lahat tayo ay gustong mamuhay ng payapa.
Kung talagang umangat ang ekonomiya ng bansang Pilipinas bakit marami paring Pilipino ang nagnanais na magtrabaho at magpaalipin sa ibang bansa? Hindi lamang sa iisang bansa kundi saang sulok man ng mundo ay may nakatirang Pilipino na magtatrabaho para sa kanilang mga mahal sa buhay. Maraming mga Pilipino ang hanggang ngayon ay wala paring matinong hanapbuhay sa sariling bansa. Mapalad ka kung ikaw ay kumikita ng sapat o di kaya sobra sobra pa. Ngunit paano naman ang mga maralitang Pilipino na mas marami kaysa sa mga mayayaman?
Kilala ang mga Pilipino bilang masisipag sa trabaho at madiskarte sa buhay, ngunit subalit kahit anong sipag at tiyaga ang iyong gagawin kahit magtrabaho ka pa ng 24/7 kung hindi parin sapat ang iyong kinikita sa araw-araw upang buhayin ang iyong pamilya sa kakarampot lang na kinikita ay napabilang ka parin sa mga biktima ng kahirapan. Pasan-pasan mo parin ang krus ni Juan.
Maraming proyekto, maraming plano at may malaking pondo. Ang tanong napunta ba ito sa tamang patutunguhan? Hindi kaya mas lalo lang tayo nalubog sa utang? May mga nagawa nga na mga proyekto ngunit bulok naman at ang iba ay hindi napapakinabangan at patuloy parin ang pangungurakot sa kaban ng bayan. Tulad na lamang ng mga pabahay, gamot medikal, pondo sa edukasyon at pinansyal na tulong sa mga mahihirap. May mga trabaho nga ngunit kontraktwal lang din naman ang karamihan. Paano mo bubuhayin ang iyong pamilya sa ganitong paraan?
Ang iba naman sa atin ay tuwang-tuwa sa ganitong propaganda ng ating gobyerno, hindi man lang nila inalam kung ano ang kapalit ng lahat ng ito. Matapang na hinarangan ng mamamayang Pilipino ang panghihimasok ng bansang Amerika sa Pilipinas dahil ang totoo naman talaga ay hindi sila nakakatulong sa maraming paraan bagkus lalo lang tayo nila pinapahirapan.
Tulad na lamang ng pag angkat ng Amerika at iba pang mga bansa ng ating mga "Raw Materials" sa murang halaga lang, sa kanila gagawin ang produksyon nito pagkatapos magawa ay ibenta sa atin ng doble ang presyo. Sa ganitong kalakalan pa lang ay halatang babagsak lalo ang ekonomiya ng ating bansa.
Kung may maganda mang programa ang ating gobyerno para sa ikauunlad ng ating ekonomiya, hindi mawala sa ating palaisipang may masama din itong epekto sa ating mga mamamayan lalo na kung hindi naman natin ito napapakinabangan.
Ika nga, hindi pa man tayo isinilang ng ating mga magulang ay nagbabayad na tayo ng utang, utang na lalong nagpapalubog sa kahirapan. Mapalad tayo dahil kahit papaano ay nakakain tayo ng tatlong beses sa isang araw, ngunit paano naman ang mga nagugutom nating kababayan na kahit minsan ay hindi nila naranasang mamuhay na naayon sa kanilang mga pangarap at pangangailangan?
BINABASA MO ANG
Essay - Sanaysay
Short StoryMga sanaysay mula sa aking imahenasyon, sa tunay na karanasan at sa totoong buhay. ☺️