Define: Love

4.2K 20 12
                                    


"Love is the condition in which the happiness of another person is essential to your own". Robert A. Heinlein

Para sa akin ang LOVE is something you would sacrifice and continuing in fighting for what you believe in. You wonder if this might be true. In other side "Oo", like sa family mo diba? But in a relationship as girl and boyfriend maybe "Yes" maybe "No". Sabi nila LOVE is so powerful, in my belief; I agree powerful talaga ang Pag-ibig kahit sa anong oras, lugar, tao, walang pinipili.

Minsan ang Pag-ibig ay nagiging masama kung ito'y inaabuso sa iba't ibang pamamaraan. Marami tayong nababalitaan na nag buwis ng buhay dahil they were being frustrated, galing sa break-up na hindi kayang tanggapin. Other side naman handang pumatay ng tao para lang sa kanilang mahal sa buhay.

Sa palagay mo ano ba talaga ang tunay ng kahulugan ng Pag-ibig?

Ang Pag-ibig ang syang nagbigay buhay sa bawat nilalang. Ito ang isang paraan kung bakit patuloy pa rin ang takbo ng gating buhay. Tulad ng Pag-ibig na binibigay sa atin ng ating mahal na Panginoong Hesus, a everlasting LOVE. Kaya ito'y dapat nating pahalagahan sapagkat ito'y bigay sa ating ng Maykapal. Mahalin mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng di pag-abuso sa iyong kalusugan. Mahalin mo ang iyong Pamilya sapagkat sila ang nagbibigay ligaya sa iyong buhay. Mahalin mo ang iyong mga kaibigan sapagkat sila ang iyong sandalan sa t'wing puso mo'y nasasaktan.

Paano mo mahalin ang isang taong habambuhay mo nang makasama? Simpleng pagmamahal lang naman ang kailangan, hindi na ang mga material na bagay para lang sa isang pagmamahal. Mahalin mo kung sino at ano pa man sya. Ang Pag-ibig ay walang katumbas na kung ano mang yaman. Ang Pag-ibig ay Pag-ibig. Kailangan man natin ang mga material na bagay ngunit sa Pag-ibig hindi dapat ito ang basihan.

Minsan ang mga ganitong bagay pa ang sumisira sa isang relasyon. Pag magmahal ka eka nga h'wag kang hihingi ng kung ano mang kapalit kundi ang mahalin ka rin tulad ng pagmamahal mo sa kanya. Mahalaga ang bagay na ito sa isang relasyon, dapat mag mahalan talaga kayo ng totoo at sa habambuhay.

Loving someone that doesn't love you is like reaching for a star. You know you'll never reach it, but you just got to keep trying.

If you LOVE someone make sure that someone else LOVES you back in return, kasi masakit isipin na ikaw lang ang nag effort ng pagmamahal sa kabila ng lahat di ka pala mahal ng minamahal mo. When you LOVE do something para ma appreciate ang pagmamahal na ipinapakita mo sa kanya.

Habang hindi pa huli ang lahat ipadama mo na mahal na mahal mo talaga sya baka pagsisihan mo sa bandang huli. Kung mahal mo talaga ang isang tao gagawin mo ang mga bagay na sa tingin mo maligaya ka at sa ikakaligaya rin ng minamahal mo. Kahit na minsan risky din magmahal you must take the risk kasi pag di mo yon gagawin di mo malalaman kung ano ang tunay na nararamdaman ng bawat isa sa inyo.

When we love something it is of value to us, and when something is of value to us we spend time with it, time enjoying it and time taking care of it.

Mahalin nyo ang bawat isa sa inyo dahil ang Pag-ibg minsan lang yan darating sa buhay ng isang tao. Kung masasaktan man tayo ay dahil nagmamahal lang tayo.

H'wag nating isiping masakit magmahal. Minsan bigo man tayo sa Pag-ibig hindi yan hadlang upang hindi na tayo iibig pang muli. Masarap magmahal lalo na kung ika'y minamahal din ng mahal mo. Walang masama kung magmahal, lage lang natin tatandaan na kung tayo'y magmahal handa tayong masaktan.

Essay - SanaysayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon