"Who's to be blame?"

3.8K 12 0
                                    

Sino nga ba ang dapat na sisihin?

Minsan sa buhay natin, may mga bagay tayong nagawa na hindi magada sa mukha ng karamihan. Pero para sa sarili natin ay ginawa naman natin ang tama. May mga bagay din tayong agad na napag desisyunang gawin ngunit hindi natin naiisip na may malaking balakid ang naghihintay.

Noong tayo ay mga bata pa hanggang sa mayroon na tayong sariling pagiisip at pagpapasya, hindi nag kulang ng payo ang ating mga magulang o ng mga nakakatanda. Lage nila tayo pinapangaralan kung alin ang tama at mali, kung ano ang tamang gawin at hindi tamang gawin, at kung paano harapin ang mga pagsubok na sa tingin natin ay wala ng solusyon.

Ika nga nila hindi kumpleto ang buhay mo kung walang problema. Pero dapat kaya mong solusyunan ang problemang hinaharap mo. Maraming klase ng problema, iba't-iba ang epekto at resulta. Kaya bago ka gumawa ng hindi maganda sana'y isipin mo muna ng maraming beses bago mo ito gawin sa iyong sarili. Dahil laging nasa huli na ang pagsisisi.

Kung gagawa ka man ng problema, h'wag ka sanang mandamay ng iba. Kung may pinaglalaban ka, may pinaglalaban din ang iba. Hindi lang ikaw ang tao sa paligid mo, maraming tao ang nakapalibot sayo. Hindi ka nag-iisa, lalong hindi mo pasan ang krus kaya h'wag kang mag ilusyong ikaw lang ang nagdurusa sa iyong nagawa.

Ang nagawa mong kasalanan ay pagdudusahan ng iilan. Sana naisip mo muna sa sarili mo na hindi lang ikaw ang nag-iisang nilalang sa kinabibilangan mo. Dahil kahit pa mag danak ang luha sa dalawa mong mga mata at nasaksak man ng maraming beses ang puso mo, hindi ka man pinapatulog ng iyong konsensya, lahat ng yan ay wala ng magagawa. Nadungisan mo na ng bugo ang katawan ng iba. At nanganganib na ang buhay ng iilan dahil sa iyong kagagawan.

Nasa ibang planeta ka ng mundo, hindi ikaw ang nasusunod sa mga gusto mo, sana'y naisip mo ang ibang tao bago ka gumawa ng gulo. Masyado kang kampante at masyado kang makasarili. Masaya ka nga ngunit ito'y panandalian lamang. Ang kaligayahan mo ay pinagdudusahan ng iilan.

Hindi lang ikaw ang nangangailangan, hindi lang ikaw ang may pamilya, lalong hindi lang ikaw ang pumapasan ng problema sa araw-araw. Dahil sayo, maraming pangarap ang nabigo. Maraming pagkakataon ang nasayang at nagluluksa ngayon ang karamihan.

Sana'y hindi na mangyari muli, wakasan na ang pagiging makasarili. Iisa lang naman ang ating minimithi, ang magkaroon ng matatamis na mga ngiti sa ating labi.

Essay - SanaysayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon