Sa araw-araw nating pakikipaglaban upang mabuhay, maraming mga pagsubok ang ating nakakasalubong sa lansangan. Minsan tayo ay pinalad at minsan nama'y umuwi tayo ng luhaan. Walang perpektong nilalang sa mundong ibabaw ika nga, kaya dapat alam mo sa iyong sarili kung hanggang saan aabot ang iyong mga ngiti sa kasiyahan at mga luha sa kalungkutan.
Walang madali sa lahat ng aspeto ng ating buhay, lahat ng mga bagay ay ating pinaghirapan, dugo at pawis ang ating pinuhunan. Lahat ng tao ay may kanya-kanyang pangarap, kanya-kanyang deskarte at kanya-kanyang plano kung paano makatakas sa madilim na kulungan. Hindi hadlang ang pagiging mahirap sa taong malawak ang kaisipan at sa mga taong may responsibilidad sa kanyang mga ginagawa.
Kung ikaw ay tunay na nagsikap, hindi malayong masungkit mo balang araw ang iyong mga pinapangarap. H'wag kang sumuko sa bakbakan, kung kaya mo pang makipag laban lumaban ka at ipakita mo sa iyong sarili na kaya mong makipagsabayan sa kahit anomang larangan. H'wag kang matakot na harapin ang kasalukuyan, yakapin mo kung ano man ang iyong madatman at h'wag mo basta-bastang pakawalan.
Kung kayang gawin ng iba, bakit hindi mo magawa? Tandaan, kung hindi mo subukan, kung hindi ka tataya sa sugalan, hindi mo malalaman ang tunay na dahilan sa mundong iyong ginagalawan. Hindi mo makamit ang tunay na tagumpay kung nakaupo ka lang at nakatungangang naghihintay. Ang bawat segundo at minuto katumbas ay ginto, h'wag mong sayangin ang mga oras at panahon sa mga bagay na wala namang patutunguhan.
Maraming klase ng bagay o ng iyong mga ginawa ang masasabi mong napagtagumpayan mo sa mga panahong naigapang mo lahat ng walang pagaalinlangan. Mapalad ka kung ito'y iyong natatamasa ngunit pakitandaan hindi lahat ng tagumpay ay naaayon sa takbo ng iyong buhay. Kaya't h'wag kang magkakamaling lumingon sa iyong pinanggalingan. At h'wag kang magpakalunod sa karangyaan.
Panatilihing nakaapak pa rin sa lupa ang dalawa mong mga paa. H'wag kang mapagmataas sa kawpa, sa halip ay tulungan mo silang makalipad ng malaya. Maging instrumento at insipasryon ka sa nakakarami, higit lalo h'wag kang makalimot magpasalamat sa itaas. Ang biyaya ay hindi dapat pinagkait sa kapwa, ang biyaya ay dapat pagsaluhan ng bawat isa.
At dapat lagi kang handa at pagtibayin mo pa lalo ang iyong sarili sa kung ano pang unos ang darating sa iyong buhay. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nasa rurok ka ng iyong tagumpay, bawat araw, linggo, buwan at taon ay may dumadating na bagyo sa iyong buhay.
Dahil hindi mo naman talaga hawak kung ano ang sinasabi ng iyong kapalaran kaya't dapat alam mong balansehin ang sukat ng langit at ang lupang iyong inaapakan.
BINABASA MO ANG
Essay - Sanaysay
Короткий рассказMga sanaysay mula sa aking imahenasyon, sa tunay na karanasan at sa totoong buhay. ☺️