Scenario 141: Imagine with Park Jimin

860 18 1
                                    

Julianne

***

Kakatapos lang ng klase niyo sa Business Finance. Isa kang Accountancy student sa isang pampribadong paaralan.

Katahimikan ang bumabalot sa buong silid aralan nang biglang may tumawag sayo.

"Julianne" iniangat mo naman ang iyong ulo upang tingnan ang kung sino mang tumawag sayo. Namangha ka sa ganda ng mukha niya. Ang gaganda ng mga mata niya, ang tangos ng ilong, malalambot na pisngi at mapupulang labi.

"Bakit?" Tanong mo sakanya, naupo naman siya sa bakanteng upuan na nasa harapan mo.

"Ah ano kasi" napagtanto mong ang kyut niya habang nag kakamot ng ulo dahil sa hiya.

"Mag papaturo sana ako sa'yo eh. Yung sa accounting natin, di ko kasi mabalance yung sa akin" sabi niya at ipinakita sayo ang trial balance sheet niya at hindi nga ito pantay.

"Ganito lang yan" tinuruan mo siya hanggang sa maging balance na ang pera sa trial balance sheet niya.

Inaamin mo na ang gwapo niya at hindi mo namamalayan na minsan ay napapatitig ka na sa kanyang mukha habang sinasagutan niya at sinusubukang pag pantayin ang balance sheet niya.

Ilang oras ang nakalipas at natapos na rin ang klase mo. Nag liligpit ka na ng gamit mo nang biglang umulan ng sobrang lakas.

"Ah jinjja?" Sabi mo na di makapaniwala dahil wala kang dalang payong.

Halos ikaw na nga lang din ang tao sa silid aralan niyo. Natakot ka pa nga na bumaba sa building niyo dahil medyo madilim.

Naabutan mong mataas ang tubig sa labas ng building niyo.

"Eotteokke?" Napahawak ka pa sa sentido mo at tiningnan mo rin ang mga sapatos mo. Alam mong mababasa ang mga sapatos mo kaya hinubad mo ito at ipinasok sa bag.

"Hana... Dul... Se--- YAAAAAH!" napasigaw ka ng may bumuhat sayo at tinakluban ka ng jacket. Naramdaman mo ring nag lalakad siya. Naamoy mo ang pamilyar na amoy na yun at dahan dahan mong tinanggal ang jacket na nakapatong sayo.

"Susubukan mo talagang lumubos sa bahay" at ibinaba ka na niya.

Hindi mo alam ang mararamdaman mo at di mo alam ang sasabihin mo. Pinag titinginan na kayo ng mga tao sa canteen.

"Sa-salamat Jimin" nahihiya mong sabi at saka iniabot ang jacket sakanya. Napatingin ka sa baba at nakita mong basang basa ang slocks niya.

"Hala basang basa k---"

"Hahaha! Okay lang Julianne basta para sayo" mapapamura ka na lang ng potahamnida sa sinabi niya.

Ilang minuto kayong nag titigan at maya-maya lang ay nag tawanan na lamang kayong dalawa dahil mukha na kayong basang sisiw

***

Requested by: JulsSantos3 ❤

Kamsahabnida~ saranghae dongsaeng-ah~

BTS ScenariosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon