Celyn
***
"To the computer room. Now" announce ng Computer Teacher niyo sainyo. Nililigpit mo ang mga gamit mo ng may mabigat na nakapatong sa balikat mo.
"Tara na" sabi ng kaibigan mo at nginitian ka pa. Kinuha naman niya ang librong dala mo at sabay na kayong umakyat sa computer room.
"Sila na ba?"
"Ang gwapo talaga ni Taehyung"
"Beees! Yung crush mo!"
Ilan yan sa naririnig namin ni Taehyung habang nag lalakad kami sa hallway ng mga lower level.
"Narinig mo yun Celyn? Yiiiee~ bagay tayo" siniko mo naman ang tagiliran niya at tumawa siya.
Nakarating na kayo sa computer room, naupo naman siya dun sa mga grupo ng lalaki at ikaw naman sa grupo ng mga babae, ngitian ka muna niya bago naupo kaya bineletan mo siya at narinig mo nanaman ang mahina niyang tawa.
May pinagawa lang na powerpoint yung teacher namin about ourselves and such. May natitira pang oras kaya naisipan mong mag online muna. Binuksan mo ang Twitter at Facebook account mo para makakuha ng update about my favorite group.
"Turn off all you pc now" sabi ng teacher niyo at ni-log out ko na ang twitter account mo. Nakita mong nag hihintay na si Taehyung sakin.
"Hala ayaw mag log out" pinipilit mong ma-log out ang facebook account mo, you're struggling now.
"Ano ba yun?" Nagulat ka na nasa likuran mo na pala siya at tinitingnan ang ginagawa mo. Ilang beses mo ng pinipindot yung log out pero ayaw talaga.
"Ayaw mag log out ng Facebook ko eh" sabi mo sakanya at tiningnan mo siya. Kinuha naman niya ang mouse, your heart skips a beat when his hand touches your hand. Your right hand's still on the computer mouse.
Nakatingin ka lang sa monitor at di alam ang gagawin. Patuloy lang siya sa pagkalikot sa pc mo para ma-log out ang facebook account mo. Mas nagulat ka nang ilagay niya ang kaliwang kamay niya sa keyboard, so ito ka ngayon nakakulong sa mga bisig niya.
Hindi ko alam kung kikiligin ba ko o ano pero sht! Taehyung, magkaibigan tayo.
"Oh ayan na" at kumalas na siya.
"Delete mo yung history" utos niya sayo at ginawa mo naman yun pero di mo alam kung paano idelete.
"Teka paano?"
"Tss, akin na nga" natatawa niyang sabi at kinuha niya ulit mouse sa kamay mo pero this time, tinanggal mo na ang kamay mo at tumingin sa ibang direksyon saka tumayo. Narinig mo pa siyang tumawa.
"Tara na tapos na" sabi niya at inakbayan ka nanaman.
Bakit ganito yung nararamdaman ko? Bakit ako kinikilig? Bakit may kuryente? Bakit ganito? May gusto ba ko sa kaibigan ko? Hindi pwede yun.
Nakarating na kayo sa classroom at pinagtitinginan kayo ng mga kaklse niyo.
"Yiiiee lab lab sila" tukso ng isa niyong kaklse, natawa ka lang at kakalas na sa pagkakaakbay ni Taehyung pero di ka niya pinakawalan.
"Anong lablab? Hahaha!" Sabi niya saka ka hinila palapit sakanya at kinurot ang kanang pisngi mo.
"A-aray Tae" singhal mo at nag tilian naman ang mga kaklase niyo.
"Anong lablab kayo jan hahaha! Walang talo talo pag tropa diba, Celyn?" Sabi niya at nginitan ka. Ngumiti ka lang at tumango. May kung anong kirot sa dibdib mo. Kumalas ka naman sa pag kakaakbay ni Tae at naupo sa upuan mo ng nakangiti. Ayaw mong makita nila na apektado ka.
Oo masakit pero anong gagawin ko? Siya na ang nag sabing walang talo talo sa mag tropa.
***
Requested by: TaehyungKim757 ❤
Kamsahabnida dongsaeng-ah~
Masakit ba? HAHAHA!
BINABASA MO ANG
BTS Scenarios
FanficHighest rank: rank #48 in fanfiction ; #35 in scenarios ; #25 in btsscenarios ANG SENARYONG ITO AY KATHANG ISIP LAMANG. PANIGURADONG MAY MAKUKWELANG TEMA, LENGGUWAHE, WALANG KAHARASAN, SEXUAL, HORROR AT DROGA NA ANGKOP SA MGA BATANG MAMBABASA. BABA...