Yoongi's POV
"Yoongi, oy! Hahaha bat ganyan itsura mo? Cheer up ano ka ba. Anniversary natin remembeeeeer" sabi niya habang nakayakap sa braso ko. Nginitian ko lang siya.
"Ahh y/n, hatid na kita" sabi ko sakanya at hinawakan ang kamay niya habang sabay kaming nag lalakad. Huminga ako ng malalim at hinalikan ang gilid ng ulo niya. Natawa naman siya sa ginawa ko kaya niyakap niya ako.
"Y/n"
"Hmm?"
"Sabi nila pag nag wish ka raw sa harap ng punon to mag kakatotoo"
"Seryoso ka ba?"
"Bat di natin itry diba?" tumango lang siya.
"Pipikit ka lang tas mag w-wish ka after mo mag wish bibilang ka ng one to seven okay?" tumango ulit siya.
"Pikit na tayo" pumikit na siya at sa pag pikit niya ay tumulo ang luha ko.
Saranghaeyo Y/n
Your POV
"Y/n, kumain ka na kasi"
"Wala akong gana"
"Y/n anak"
"Ayoko nga! Wala akong gana! Kakain lang ako pag dumating na si Yoongi" hindi ko na napigilang umiyak at ganun din si mommy.
"Bakit ba kasi ako naniwala sa punong yan! AHHHH!" binato ko yung unan ko sa harapan ko sa sobrang inis at sakit na nararamdaman ko. Bakit sa araw pa na yun?! Bakit?!
Pagkadilat ko nung araw na yun ay wala na si Yoongi sa harapan ko. Pilit ko siyang hinanap sa buong lugar na yun pero wala talaga. Siguro iniwan niya nga talaga ako doon mag isa.
Ilang araw, linggo, buwan at taon ang nakalipas, sinusubukan ko pa ring tawagan si Yoongi, nag riring pero hindi niya sinasagot. Sinubukan ko rin siyang puntahan sa apartment niya pero lumipat na raw siya. Hindi ko na alam yung gagawin ko kaya pumunta ako sa simbahan para ipag dasal siya. Kakatapos lang ata ng misa dahil nag sisilabasan ang mga tao. Nakita ko rin doon ang paring kausap ang ilang sakristan. Nagulat ako nang may sumulpot na bata sa likuran ko.
"Father!" sigaw niya kaya napatingin yung pari at nagulat ako sa nakita ko.
"Oh salamat hahaha! Sampaguita nanaman galing kay Nena" sabi niya at kinuha ang sampaguita sa kamay ng bata. Lumapit ako ng kaunti sakanila upang masigurado ko kung siya talaga iyon.
"Ingat kayo ha" paalala niya sa mga sakristang paalis na.
"Yoongi" nagulat siya ng makita ako.
"Y-y/n?"
"Kaya mo ba ako iniwan?" tanong ko sakanya. Nandito kami sa garden ng simbahan, wala masyadong tao kaya okay lang na mag usap kaming dalawa.
"Sorry y/n"
"Hahaha! Okay lang"
"O-okay lang?"
"Mas okay sa akin na iwan mo ko para mag lingko sa Diyos, hindi dahil sa babae" natatawa kong sabi.
"Balak ko talagang sabihin sayo noon pero nata---" hinawakan ko ang kamay niya.
"Okay na yun, Yoongi. Di ako nag tanim ng sama ng loob sayo. Gusto ko lang naman talagang malaman kung anong dahilan" tumayo na ko at ganun din siya. Nginitian ko siya at iniabot ang kamay ko.
"So Father Yoongi, see you soon?" inabot niya ang kamay ko at ngumiti din siya. Ang gaan sa pakiramdam ng ganito. Pero may parte pa rin sa akin na di ko matanggap yung biglaang pang yayari.
BINABASA MO ANG
BTS Scenarios
FanficHighest rank: rank #48 in fanfiction ; #35 in scenarios ; #25 in btsscenarios ANG SENARYONG ITO AY KATHANG ISIP LAMANG. PANIGURADONG MAY MAKUKWELANG TEMA, LENGGUWAHE, WALANG KAHARASAN, SEXUAL, HORROR AT DROGA NA ANGKOP SA MGA BATANG MAMBABASA. BABA...