Patrizha
***
Malakas na ulan ang sumalubog kay Taehyung nang makalabas siya sa kanilang pinag tatrabahuhan. Pag pinag sama niyong dalawa ang sweldong nakukuha niyo ay sapat na ito para sa pang araw araw na gastusin niyo.
Nakalimutan ni Taehyung ang payong niya sa bahay kaya sumugod ito sa ulan para mag abang ng jeep pauwi.
Pag sakay niya ng jeep ay tinext ka nito.
📩 Jagi
Jagi, pauwi na ko. Sobrang lakas ng ulan.📨 Jagi
Mag iingat ka ha. Hindi mo nanaman dala ang payong mo📩 Jagi
Okay lang ako Patrizha, pag timpla mo na lamang ako ng kape pag uwi ko.Matapos ka niyang reply-an ay nag bayad na sita sa driver ng jeep na sa may kanto lamang siya ng simbahan baba. Ilang minuto lang ay bumaba na siya sa may gilid ng simbahan para tumawid sa kabilang kanto kung saan kayo nakatira nang makarinig siya ng isang malalakas na iyak ng bata.
Hinanap niya kung saan nang gagaling ang mga iyak na yun. Nakakita siya ng isang kahon sa ilalim ng puno at may laman itong sanggol.
"Jusko, sino ang mag iiwan ng sanggol dito" sabi ng iyong asawa at binuhat ang sanggol na lamig na lamig na dahil sa lakas ng ulan. Nakita niya na may papel sa loob ng kahon at may nakasulat dito.
Buhat buhat niya ang sanggol hanggang siya'y makarating sa bahay niyo.
"Patrizha" tawag niya at dali-dali ka namang bumaba para pag buksan siya ng pintuan nang makarinig ka ng mga iyak.
"Jusmiyo, kaninong anak yan? At tingnan mo basang basa ka" nag aalala mong sabi at binigyan siya ng tuwalya.
"Anak natin to Patrizha" nanlaki naman ang mga mata mo.
"Bigay satin to ng Diyos. Nakita ko siya sa ilalim ng puno doon sa may simbahan. Narinig ko siyang umiiyak kaya kinuha ko siya at dinala rito" naluluha ka ng makita mo yung bata at kinuha ito kay Taehyung, maya-maya lang ay tumahimik ang bata nang mahawakan mo siya. Nagkangitian kayong dalawang mag asawa.
"Salamat sa Diyos at dininig niya ang mga hiling natin. Hindi man kita mabigyan ng anak, ito naman ang dumating sa atin" naluluba mong sabi habang pinag mamasdan ang bata. Inakbayan ka ni Taehyung at nilapit sakanya habang pinag mamasdan din ang bata.
"Diyos na ang gumawa ng paraan, Patrizha"
"Anong ipapangalan natin sa kanya?" Maligaya mong tanong at tiningnan siya ng nakangiti.
"Taeya" natawa ka naman sa pinangalan niya
"Bakit yun naman naisip mo?"
"It means God's present" napangiti ka sa sinabi niya at pinagmasdan ang batang mahimbang nang natutulog.
"Welcome, Kim Taeya"
***
Requested by: ShinShin203xbts ❤
Im going to publish the other requests kasi sabog pa ko, kakatapos lang ng prelims namin so ayun THANK YOU SA MGA NAGREQUEST 💕 LABLAB KO KAYO 😚
BINABASA MO ANG
BTS Scenarios
FanficHighest rank: rank #48 in fanfiction ; #35 in scenarios ; #25 in btsscenarios ANG SENARYONG ITO AY KATHANG ISIP LAMANG. PANIGURADONG MAY MAKUKWELANG TEMA, LENGGUWAHE, WALANG KAHARASAN, SEXUAL, HORROR AT DROGA NA ANGKOP SA MGA BATANG MAMBABASA. BABA...