UTW17

33 1 0
                                    

Sammy Pov

Naalimpungatan ako dahil sa simoy ng hangin.

"Naalala mo pa din ba siya Sammy?" -tanong sakin ni kuya Sunder habang nakahiga kami sa my damuhan sa my garden sa bahay namin nila papa.

Matapos ng pag kikita namin kanina nila papa ay dito na din ako natulog hindi na ako nag abala mag paalam samin dahil wala naman silang pake. Ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin gabi na din kasi ng napag pasyahan namin tumambay dito gaya ng ginagawa namin noon.

Tapos biglang dadating si mama para papasukin kami dahil baka magkasakit kaming dalawa ni kuya.

"Oo hinding hindi ko siya makakalimutan sa puso ko " -sago ko sakanya ng totoo.

"Kung ganon... Pano pag nakita mo ang dahilan ng pag kamatay ni Sky? " -tanong nito sakin pero ng nilingon ko siya ay seryosong nakatingin ito sa langit.

Pansin ko ang kaibahan sa boses niya, puno ito ng galit, maski ang mata niya ay nag iba naging pula na ito.

"My nangyari ba kuya?" -natanong ko dito pero pumukit at umiling siya sa tinanong ko.

Hindi ako umimik at nakatitig lang sakanya, hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin. Alam niya na pag tahimik pa din ako ay hinihintay ko ang sagot niya at hindi ako naniniwala sa sinabi niyang wala lang ito. Matagal na kami nag kakasama kaya hindi ito makakapag sinungaling sakin.

"P-pinatay niya si, si- si Lyn" -halos pumiyok na ito dahil mukang iiyak na siya sa pag bangit palang.

Mababakas sa muka ko ang gulat, gulat sa sinabi niya . Halos ayaw pumasok sa utak ko ang mga sinabi niya kahit maiksi lang ito ay hindi ma absorb ng isip ko natatangin salita na iyon.

Para bang napakahaba ng sinabi niya bago pa pumasok sa isip ko.

Napabangon ako sa hinihigaan ko at natulo bigla ang luhang hindi ko alam na nag si bagsakan na sila ng biglaan. Napatingin ako sakanya na tahimik na umiiyak habang hawak ang isang kwintas sa leeg niya na ni regalo niya kay ate Lyn ang babaeng gustong pakasalan ni kuya. Ang babaeng nag dadala ng anak ni kuya.

"Na-nasan si MICO?! Asan si MICO KUYA!? Last year nakausap ko si ate Lyn! Nasabi niya sakin buntis siya! At Mico ang pangalan ng bata, asan siya?!" -galit kong sabi dito, pero wala akong narinig na kahit anong sagot sakanya at tanging hikbi niya lang ang maririnig mo dito.

"N-nasa hospital si Mico m-medyo nagkasakit kasi kaya hindi mo nakita ngayon 2- 2 yrs old na siya at si- si Lyn pinatay niya sa harapan namin ng anak ko, wala ak-kong nagawa Sam. Wala!" -iyak nitong sabi sakin hindi ko alam pero bigla nanag naiyukom ko ang kamao ko.

GALIT!

GALIT ANG NARARAMDAMAN KO SA MGA ORAS NA ITO!

Patindi ng patindi ang galit na namumuo sa puso ko, galit sakanya! Ilang buhay pa ba ang kukunin niya sakin.

Bigla akong napahawak sa ulo ko, hindi ko na marinig ang nasapaligid tanging tibok ng puso ko at nag iinit din ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko nandidilim ang paningin ko sa galit.

"Sammy!" -bigla kong narinig ang boses niya kaya nilingon ko siyang naluha at napahawak sa ulo ko.

"K-kuya!! BAKIT?! BAKIT NIYA PINATAY!?" -pasigaw kong sabi dito kahit bakas ang pag aalala at luha sa kanyang mga mata.

"D-Dahil ayaw ni Lyn na gawin ang gusto niya.." -biglang kumabog ang puso ko ramdam ko nag iiba ang nasa paligid ko.

Sa lakas ng tibok ng puso ko ay rinig na rinig ko ito na parang buong mundo kayang marinig ito, biglang bumigat pakiramdam ko at pansin ko na medyo nahihirapan din si Kuya Sunder maski si papa na nag
mamadaling lumapit samin pero nahihirapan siya.

Under This WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon