UTW18

15 0 0
                                    

Other Pov

Nakadating na sa my France sila Ayce at nasa libing sila, ayaw sanang sumama ni Sammy dito pero sabi kasi nila Ayce makakaalis lang ito pag tapos at pag alam na nito ang lugar na tutuluyan kaya kahit labag sa kalooban nito ang pag punta ay wala siyang nagawa.

"Oh Kuya Ion! Tito Sai" -bati ng mag kakaibigan dito pero nagulat nag dalawa ng makita si Sammy.

Umiwas lang ng tingin si Sammy pero agad din siyang kinausap ni Sai.

"A-anong ginagawa mo dito? X-" -gulat na napatingin sila kay Sammy dahil hindi nila akalain mag kakilala ang dalawa.

Lagi kasing sinasabi ni Sammy na hindi nila kilala ito o ano pa man. Si Ayce naman ay nakumpirma ang kutob na nag sisinungaling nga ito nung nasa office sila at nung nag tanong ito tungkol kay Sai.

"Sir Fortel assistant po nila ako, 'The photographer' sa mga nangyayari for school purpose " -pag putol nito sa sasabihin pa sana ni Sai, dahil alam nanaman ni Sammy kung ano sasabihin nito.

Baka sumbatan o saktan pa siya sa pananalita nito kaya mas minabuti nalang niya na putulin ang pag tatanong nito sakanya.

"What?!" -gulat na sabi ni Sai, kasabay nila Ion.

"Uhm? Tito? *Alinlangang tawag nito* Totoo po sinabi niya kasama po kasi yun sa school policy at siya po kasi napili" -singit ni Sabrina ng hindi sila ma O.P sa usapan at my mga taong pasulyap sulyap sakanila na nadaan patungo sa libing.

Hindi agad nakapag salita ang dalawa ng dumating si Carmen kasama si Zack na siyang ikinatitig ni Sammy. Agad na kinausap ng lahat si Carmen at hindi na napansin si Sammy, masaya ang lahat maski si Alexa pero si Zack ay nakatitig lamang dito kay Sammy na nakatitig kay Carmen hindi niya alam na nakatitig din si Carmen dito.

Biglang kumirot ang ulo ni Carmen kaya napataranta ang nasapaligid maski si Zack ay ganun din na naging dahilan ng kalungkutan ni Sammy.

"I-i- Ikaw-" -hirap na hirap na sabi ni Carmen at tinuro itong si Sammy.

Ang ibang tao ay napapalingon na pero patuloy pa din ang pag lagpas sa mga ito. Nagtatakang tiningnan nila si Sammy na nakatulala sa kanila.

"Anong ginawa mo Sammy?" -tanong ni Cain dito dahil sa kanyang pag tataka at na bulalas niya ang dapat sa isip niya lang.

Mag sasalita sana si Ion at Sai ng nahihirapan lumapit si Carmen habang inaalalayan ni Ayce at Ice ito kasama si Zack papalapit kay Sammy.

Hinawakan ni Carmen ang pisngi nito at biglang napansin ni Sammy ang larawan sa mga mata nito na tanging siya lang ang nakakakita.

"D-Daddy please, nag mamakaawa po ako gusto kong makita sila K-kuya at p-papa" -umiiyak na sabi ng isang batang babae.

"ANO!!!? Tinawag mo pang papa at kuya mo iyon sa harapan ni DAD?! " galit na sigaw ng isang lalake na katabi ng matandang lalake na mukang ama nila.

My tattlong batang lalake at isang matandang lalake ang nasaharapan ng batang lumuluhod at nag mamakaawang umiiyak sa harap nila pero puno ng galit ang mga mata nito sa bata.

"Naririnig mo ba sinasabi mo!? " -sigaw ng isang batang lalake pero patuloy pa din sa pag iyak ang batang babae at pag mamakaawa.

"Hindi! Tumahan at umalis kana !" -sabi ng isa pang bata dito.

"Pero-" -sabi nito ngunit pinutol siya ng ama niya sa isang sigaw at galit na boses.

"Hindi! HINDI! UMALIS KANA AT HINDI KANA MAG PAPAKITA SA MGA TAONG IYON!!!!! KAHIT KAILAN!" -sigaw ng ama nito na punong puno ng galit sa mga mata.

Under This WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon