UTW19

22 0 0
                                    

Other Pov (Author)

Gigil na gigil nitong hawak ang kwelyo ng lalake at pumupula na ang mga mata nito sa galit.

"EXPLAIN.YOUR.SELF!!" -madiin nitong sabi pero ngumisi lang yung lalake kaya nakaramdam ito ng isang malakas na sapak na siyang naging dahilan sa pag lipad ng lalake.

"PAPA!" -lalapit na sana yung kasama ng lalake pero pinigilan siya ng dalawang mag kapatid na sina Ion at Aive.

"Kung ayaw mong mamatay ng maaga tumahimik ka nalang " -mapag bantang sabi ni Ion na pumula ang mga matang nilingon ito habang nakataas ang isang kamay na pang harang.

"Hindi ka kasali sa usapan nila pero tayo mag uusap tayo! Mukang my alam ka bilang anak ka naman " -sabi ni Aive na nakataas naman din ang isang kamay dahil pinang harang niya din gaya ni Ion, bale napag gigitnaan nila yung lalake.

Pumula na din ang mga mata nito pero ang lalake ay nakayukom ang kamao.

"Naputol ba dila mo Sunder ?" -sabi ni Ion ng hindi ito sumasagot at nanatiling nakayukom ang mga kamao.

Galit niyang nilingon ito at pumula ang mga mata nito kaya nag handa yung dalawa at isang ngisi ang binigay ni Aive dito.

"Mukang nakakalimutan mo na isang pure ang kakalabanin mo hindi eepekto samin yang kapangyarihan mo lalo na walang kwenta ito para makipag laban sa sarili mo" -naka ngising sabi ni Aive.

Sa kabilang banda napaluhod at dumudugo na labi ni Andrei ang ama ni Sunder. Sila ang taong dumating na nag mamadali.

"Anak ko si Sam! ANAK KO SIYA AT WALA AKONG IPAPALIWANAG SAYO!" -galit na sabi ni Andrei kay Sai na tumayo at pilit nilalabanan pero hindi niya magawang makatama kay Sai kahit daplis lamang.

Nag patuloy ang pag tatalo kaya hindi nila napansin ang pag baba nila Carmen kasama ang barkada para sana mag usap usap sa nangyari pero hindi nila inaasahan ito ang maabutan nila ay pag tatalo lamang.

"Dad? Kuya Ion? Anong nangyayari? Kuya Aive?" -sigaw ni Enon ng pababa na sa hagdan habang si Carmen ay tumakbo para pigilan si Sai sa ginagawang pag bugbog kay Andrei.

"Teka yan yung kapatid ni Sammy hindi ba?" -sabi ni Vlau ng makilala yung lalakeng katapat nila Ion.

Nawala ang pag pula ng mga mata nila at nilingon ang mga bagong dating.


"Anong ginagawa mo dito Sunder?" -takang tanong ni Ayce dito kaya agad siyang nilapitan nito at hinanap si Sammy kaya sinabi nitong nasa silid lamang ito at nawalan ng malay dahil sa nangyari kanina.

"A-anong nangyari? Pano niyo napahinto si Sammy? " -kinakabahang sabi nito kaya nag taka sila Ice dahil mahahalata mo sa boses nito.

"Wag na wag mong balaking pumunta sa silid niya!" -galit na sabi ni Sai dito at sinamaan ng tingin si Andrei na lumapit sa anak habang pinupunasan ang dugo sa mga labi niya.

"Anak ko si Sammy kaya my karapatan kami!" -bawi naman ni Andrei ng sigaw dito.

"G-ginawa ko yung ginawa mo dati, napansin ko kasi pinainom mo siya ng dugo nun" -ilang na sabi nito at hindi makatingin kay Sunder kaya napaisip din si Ayce sa ginawa niya hindi din niya alam bakit yun ang pumasok sa isip niya na gawin iyon.

"Dugo?" -tanong ni Enon sa pagitan ng usapan ng dalawa.

"Ah! Nakita ko pinainom niya si Sammy ng pumula mata niya last time" -nasabi nalang ni Ayce sa mga ito na walang clue sa mga nangyayari dahil na din naiisip pa din niya ang mga halik nila ni Sammy ng mga oras na iyon.

Under This WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon