Kabanata 9

85 4 0
                                    

His Painful Past

Tahimik kong pinagmasdan si Veronica at Gino. Sila na pala. Malapit ng matapos ang summer at konting hintay nalang para sa papasukan kong university at babalik ako sa Manila. Veronica is happy with Gino right now. Ako kaya kailan? Tss. Why do I even think of it? I was once happy but yet left broken.

I stared at them for the last time. Tuwang tuwa ang mga mata ni Veronica habang pinagmamasdan si Gino. It was her reason ang kamuhian ako dahil ni minsan hindi siya pinansin ni Gino kasi sakin nakatuon ang atensyon nito. I know my sister love him I tried to ditch Gino pero talagang matigas pa sa bato ang ulo nito. The last time nung huling away namin ni Veronica bago ako pumuntang Manila ay plano na namin yun ni Gino. Ang paselosin siya.

"Malapit ka ng aalis." My dad said. Papasok ako ulit sa trabaho at bukas pa ang balik ng matandang Montague.

"Pwede naman tayong sabay na bumalik ng Manila dad. You don't have to stay here."

I saw him move at napatingin ako sa kanya. Ang laki ng pinagbago ni Daddy. Nangitim na siya unlike nung andun kami sa Manila. But still he has the look of a business tycoon. Matikas parin si Daddy pero malaki talaga ang pinagbago niya simula nung mapunta kami dito sa Alcoy.

"Alam mong hindi pa ako aalis ng Alcoy hanggat hindi ko naaayos ang dapat kong ayusin Amanda."

Hindi siya nakatingin sakin bagkus ay nakatingin lang siya sa kawalan. What does he mean? Wala naman kaming gulo na naiwan don sa Manila para ayusin niya.

"It's too early para malaman mo ang lahat Amanda. You still have to grow."
He said looking at me intently.

"May tinatago ka ba Dad?" I just ask out of nowhere.

"Male-late kana. Baka magalit sayo ang boss mo."

Agad akong napatingin sa orasan ko at anak ng baka. Maga-alas otso na. Dali Dali akong pumasok sa loob at kinuha ko yung bag ko. Hinalikan ko si Daddy sa pisngi at agad na tumakbo narinig ko pang sumigaw si Gino at Veronica ng ingat.

Hingal na hingal akong nakarating sa Montague Farm dahil sa bagal ng takbo ng tricycle. Okay lang naman na ma-late dahil wala pa naman ang matandang Montague.

"Bakit ngayon ka lang Amanda Ampler?!"

Napatakip ako sa tenga ko dahil sa malakas na sigaw ng matandang Montague. Teka--matanda--so ibig sabihin--

"Bakit ngayon ka lang Amanda?." This time kalmado na siya pero bakas sa boses niya ang galit. Mahahalata mo rin sa nakakunot niyang noo.

"Kasi--"

"I asked her dad to check the workers sa anihan."

Napalingon ako kay Shaun na kalmadong naglakad papunta sa direksiyon namin. Nakita ko pa kung paano niya ako kinindatan mabuti na lang at hindi nakatingin ang matanda.

"Go to my office Amanda. At ikaw Shaun, ikaw muna ang magbantay doon sa anihan." Diretsong sabi ng Matanda.

"Nandoon si Diego Dad---"

"Ano bang sinabi ko Shaun?" halos napatigil ako sa paghinga sa lamig na ibinigay ni Mr Montague Kay Shaun.

"Fine."

Walang nagawa si Shaun kundi ang tumalikod sa amin. I feel him. Anak ng baka naman kasi. Bakit ba ang sungit ng matandang tu ngayon? Parang nakalanghap ng napaka-itim na usok doon sa Manila.

Sa bawat madaanan namin na trabahante ay napayuko sa tuwing makikita nila si Mr. Montague. Lokong Shaun kasi sa loob ng dalawang linggo masyado niyang pinagbakasyon yung trabahador. Yung masyadong mahabang break time ang binibigay niya Kaya halos wala kaming magawa sa isang araw.

Chasing A Montague (Montague Series #1) UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon