Kabanata 35

61 2 0
                                        

Strangers

How long does it take to overcome pain? A heartbreak pain? How long does it take to forget him when you don't want to? How long will you endure the pain seeing him with someone else? Seeing him with the woman he love aside from you?

Ilang araw na ba ang lumipas? Isa? Dalawa? Tatlo? Di ko na mabilang. Di ko na mabilang kung ilang ulit kung pinasok sa utak at puso ko na tapos na. Wala na. Bumitaw na kami sa isa't isa. But everytime I see him napapaisip ako, bakit di kami lumaban ng tuluyan? Bakit pareho kaming bumitaw sa pangakong gusto naming matupad?

"Anyways, magtitipon daw lahat ng college student sa gym." Saad ni Venice na naghahalo ng creamer sa kape niya.

"What is it this time?" Patuloy parin si Sharah sa paglalagay ng cheek tint.

"Ewan. May announcement ata sa papalapit na Christmas ball." Sabay higop sa kape niya.

"Compulsory ba?" Tamad kong tanong.

"Yep. Yun ang sabi ni Mr. Kipling." Kibit balikat na saad ni Venice. Walanghiya talaga yung baklang yun.

"Nakabalik na pala kayo Amanda?" Napaangat ang tingin ko kay Sharah sa tanong niya.

"Huh? Anong sinasabi mo?"

"In your house. The Ampler's Mansion." Wika nito.

Umiwas lang ako ng tingin at tumanaw sa glass wall nitong canteen. Ilang araw na simula ng makabalik kami sa bahay. We should be happy dahil nakabalik kami pero hindi. Our house is filled with loneliness. Napakatahimik.

"Paano niyo nakuha yun?" Nagsalita na si Nesha na kanina lang ay may suot na earphones.

"Hindi ko rin alam." Huminga ako ng malalim para alisin ang bigat ng nararamdaman ko ngayon. Ito na naman. Nalulungkot ako kahit di ko alam ang dahilan.

"Eyyyy bakit di ko alam yan?! Kayo kayo nalang ang magkakaibigan ngayon ganon?"

Sabay kaming tatlo na ngumiwi dahil sa inasal ng Archibald na ito. Halata mong naiinis ito dahil namumula na naman ang ilong niya.

"Stop that Venice. Para kang bata." Bulong ni Nesha pero rinig parin naman namin.

"Ewan ko sa inyo!Pero Amanda, punta ako doon ha? Hihihi makikipagchikahan ako kay Tito Rafael" tuwang tuwa niyang sabi.

"Soon. I'll invite you." Kahit di naman ako sigurado doon.

Wala silang alam kung paano namin nakuha ulit yung bahay. Kung paano namin nabili ulit yun gayong halos isang kahig isang tuka kami sa Alcoy. Hindi nila alam ang ginagawa ko. I just broke my promise to him to know his secrets and in exchange of that is my old life back. Walang nakakaalam. Tanging ako lang.

Mainit. Siksikan. Maingay. Yan ang bumungad sa amin dito sa gym. Napakalaki nga ng lugar halos di na kami makahinga sa sobrang dami ng estudyante rito. Ano ba kasing kailangan sabihin at hindi nalang nila i-announce room by room? Nakakairita lang. Masyadong pa-espesyal mga staff dito sa Treston.

"Doon tayo oh!" Venice pointed a spot kaya mas nakipagsiksikan pa kami.

"Gosh. Their sweat are so gross! Napakabaho." Nakatakip na saad ni Sharah. Ano pa bang aasahan namin sa kanya? Siya lang naman ang pinakamaarte sa aming apat.

Nakarating kami sa round table na may apat na upuan at si Sharah ay agad nag retouch pagkaupo.

"Ang arte. " rinig kong bulong ni Nesha.

Nanatili akong walang imik. I just don't feel being here. My heart is heavy habang papunta kami rito. Ayoko nga sanang pumunta but this three crazy girls grabbed me. And now I am stuck in this damn place.

Chasing A Montague (Montague Series #1) UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon