Kabanata 42

48 3 0
                                    

Yule

Is it really true that you feel the complete love when it is Christmas? Well I don't think that works. We can feel love anytime we want as long as we don't hold a grudge for people. Mas masarap parin kasing magmahal at mahalin pabalik. It is one beautiful thing in this world.

Maraming nangyari at halos hindi ko makaila na masaya ako sa naganap. Who wouldn't if you see those persons important in your life who share the same smiles and laughters. Akala ko hindi kami darating sa ganito. Their smile is the most beautiful thing for my eyes. Nakakagaan ng loob at nakakawala ng pangamba.

Abala ang lahat para sa nalalapit na noche buena. Maingay ang bahay dahil sa Christmas song pero hindi yan ang sapat na dahilan kung bakit maingay. The Manipulative Maniac and my Cold Sister are doing their undying quarrel. What's with these two? Bakit hindi nalang sila magbalikan? Naalala ko bigla si Gino. Hanggang ngayon ay wala akong alam kung paano siya biglang nabura sa istorya ng kapatid ko at kung pano sila natapos.

"Masyado yatang malalim ang iniisip mo."

Napalingon ako sa nagsalita. Katabi ko ngayon ang panot na matanda. Damn. Maybe I would respect him from now on. After all he is Enrico Montague. The father of my man and the victim of the cruel business world.

"I am just happy Sir. I never saw this coming." Masaya kong wika.

"Stop calling me 'Sir' Amanda. Hindi na kita trabhante at magiging anak na rin kita."

Hindi ko maiwasang hindi mamula sa  sinabi niya. Is this for real? Did he really accept me for his son?

"Gusto ko lang humingi ng tawad sayo. Sa mga nasabi ko noon."

Huminga ako ng malalim. Okay na sa akin yun. Aaminin kong nasaktan ako sa sinabi niya. Sino ba naman ang hindi? He just don't want you dahil wala kang pera at kapangyarihan. That was the lamest excuse  a hindrance rather for those person who just want to love someone.

"It's fine Si--Tito Enrico. Wala na ho sa akin yun."

"You just make me miss Mildred more." Lumungkot ang boses nito. Si Mom. He did really miss her.

"May--" nahihirapan akong bigkasin ang tanong ko. Damn. Tama bang itanong ko ito sa kanya?

"Magsalita ka iha. Baka kaya kong sagutin yan." Mahinahong wika nito. Mas nahirapan ako lalo. Paano ko ba sasabihin.

Wala naman sigurong masama at palagay koy ngayon ang tamang pagkakataon para matanong ito. If someone killed my mom imposibleng si Si--Tito Enrico iyon. He was just there in the video. Kailangan ko lang ng paliwanag niya. Alam kong may mali parin sa mga nangyayari.

"Did someone killed my mom?"

Natahimik siya bigla at ang tanging nagawa ko ay hintayin ang sagot niya.

"Oo."

Parang piniga ang puso ko sa narinig. Naninikip ang dibdib ko at halos hindi na ako makahinga.

"She was happy. She was slowly coping up for what happened. Pero nagimbal ang mundo ko ng maabutan siyang hindi na humihinga..."

Damang dama ko ang pighati sa boses niya. Nanginginig ang boses nito at anumang oras ay maaring mabasag ang boses niya. Fuck.

"Hawak niya--Hawak niya ang dibdib niya Amanda. Nahihirapan siyang huminga--and hindi ko maintindihan ay bakit? Bakit siya pinatay?"

Tumakas ang luha sa mata niya. Para akong unti unting dinurog. Ang sakit ng dibdib ko dahil sa narinig. Paano pinatay si mom? Ganon ba kagago ang mga pulis at wala silang ginawa? Sinabi lang nila na cardiac arrest?

Chasing A Montague (Montague Series #1) UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon