Few months earlier...
NAPATIGIL si Macy sa pagma-mop ng sahig nang narinig niyang tumunog ang kanyang cellphone mula sa kanyang kuwarto. Nasa salas siya ng bungalow na pag-aari ng kanyang Kuya at ng fiancee nito na kasalukuyang nasa Taiwan at nagta-trabaho sa electronic company doon. Siya ang nakatira sa kabibiling bahay ng mga ito habang nagta-trabaho siya bilang junior account executive sa isang investment company sa Makati.
Si Zara ang tumatawag, kaibigan niyang nasa probinsiya. Nagyayaya ito ng outing kasama ang batch nila ng school journal staff noong high school. Hindi niya matatawag na ka-close talaga ngunit naging mga kaibigan na niya rin halos lahat ng mga iyon, maliban sa isa.
"Magbi-beach daw tayo sa Escape! Bongga, devah?" yaya pa ni Zara.
Hindi sila madalas magkita-kita ng grupo, swerte na kung may get-together sila nang dalawang beses sa isang taon; madalang pa kung makumpleto sila. Si Zara ang palagi niyang nakakasama sa lakaran pag nasa probinsiya siya dahil magkabarangay sila nito.
"Uuwi ba si Kael?" naitanong ni Macy.
"Uuuy! Si Kael talaga ang unang hinanap!" tukso naman ng kaibigan.
Hindi lingid sa kaalaman ng kanyang barkada na naging crush niya noon ang editor-in-chief ng Echo. Kung bakit inilagay niya ang initials nito sa slambook na pina-sign sa kanya bago ang kanilang graduation.
"Para nagtatanong lang!" pigil ang pagtawang sabi ni Macy.
Nasa Singapore ngayon si Kael, nagta-trabaho bilang IT security consultant sa isang malaking kompanya doon. Ang huling balita niya'y single pa ito, and very much available.
"Sa December pa raw siya uuwi. Pero magpapadala siya ng pera na dagdag budget sa outing natin. Kaya sama ka na! Kahit isang linggo tayo sa Escape, kering-keri!"
Come to think of it, matagal na rin pala siyang hindi nakakapagbakasyon. Siya na siguro ang pinaka-boring na taong kilala niya. Literal na taong-bahay. Hindi siya mahilig mag-night out o gumala sa labas. Gusto niyang nagkukulong lamang siya sa bahay pagkatapos ng trabaho. Or maybe she already got a dose of fun when she was younger. Mahilig siyang gumala noong nag-aaral pa siya, siguro ay nakasawaan na niyang gawin iyon.
"Sasama rin ba si Apolonio?" nakasimangot niyang naitanong.
"Siyempre sasama si Neo. Kelan ba 'yun naging absent sa mga eyeball natin? Saka sagot niya ang upa sa cottages, 'no?"
Napaikot ang eyeballs ni Macy. "Ech."
Natawa naman si Zara. "Hanggang ngayon hindi ka pa rin nasasanay sa mga pang-aasar niya."
"Paano naman kasi, ako yata ang paborito niyang asarin."
"Pikon ka kasi kaya napagti-trip-an ka niya lagi."
"Nakakapikon naman kasi siya!" bulalas niya at agad na nag-flashback sa utak niya ang mga ginawa ng lalaking iyon sa kanya mula pa noong high school...
Sports writer si Neo at associate editor naman si Macy sa Echo. Minsang nasa meeting ang staff ng school journal ay bigla siyang nakaamoy nang hindi kaaya-aya. Aba, sukat ba namang biglang nagtakip ng ilong si Neo sabay turo sa kanya at sabing, "Masama yata ang tiyan mo, Macy? Hayun ang CR, o. Ilabas mo na 'yan, huwag ka nang mahiya."
Yes! That brute accused her of farting! At hanggang ngayon ay naniniwala siyang ito ang talagang umutot nang mga sandaling iyon at siya ang itinuro nitong salarin para pagtawanan ng mga kasama nila sa meeting. Halos maiyak-iyak siya noon sa kahihiyan at sa galit niya kay Neo ay hinampas niya ito ng backpack niya sa dibdib pagkatapos ng meeting.
BINABASA MO ANG
GET NAKED (Hubaderos Book 1: Neo) PREVIEW ONLY
RomancePREVIEW ONLY COMPLETE AND UNCUT STORY is available in my Facebook Group. Search TheMandieLee and message us to join.