"MAGHANAP ka nga ng ka-date mo rito para may nahihila kang kumain sa labas," sabi ni Macy matapos niyang paunlakan ang imbitasyon ni Neo na mag-dinner sila pagkatapos siyang sunduin nito sa pinagtatrabahuan.
Aayaw sana siya pero naisip niyang magandang gawing 'prop' si Neo na maghihintay sa kanya sa lobby ng building na kinaroroonan ng kanilang opisina. At hindi naman siya nabigo. Nakita nina Abbie at Ralph na sumalubong sa kanya si Neo. Kahit paano ay nabawasan na rin ang sama ng loob at kahihiyang tinamasa niya noong gala night. Hindi na rin siya mag-i-effort na mag-explain sa mga kaopisina kung sino si Neo sa buhay niya dahil nakasumite na siya ng two-week notice.
"Babalik na ako ng Sinagtala bukas, wala nang oras makipag-date," sabi naman ni Neo. Sa isang Korean restaurant siya dinala nito.
"Wala ka pa bang na-date na talents ninyo?" curious niyang naitanong.
Umiling ito. "It's against the company's rules."
"Ay, sayang naman. Andaming magaganda't sexy na taga-ATI."
"Pero puwede akong makipag-date ng nasa office since hindi naman ako nagtatrabaho talaga doon."
"So may idi-date ka sa kanila?"
"Bakit ang tsismosa mo lagi, Macy?"
"Nagtatanong lang!" Ewan ba niya, pero sa lahat ng tao ay hindi niya makuhang mahiya kay Neo. Pakiramdam niya ang kaya niyang sabihin dito kahit na ano, hindi rin siya nahihiyang kumain na malalaki ang pagsubo sa harapan nito kahit minsan na siya nitong inasar dahil doon.
"Oo, meron akong gustong i-date," pag-amin naman nito. "Kaso, hindi ko pa maasikaso ngayon dahil nasa probinsiya naman ako."
"Magbakasyon ka kasi rito nang matagal."
"Saka na pag naayos na ang trabaho sa farm, mababawasan ang responsibilidad ko doon pag pumasok na 'yung kaibigan ko sa college bilang farm manager. Saka, basta huwag ka umurong sa napag-usapan natin."
"Hindi na talaga dahil nakapasa na ako ng resignation ko, 'no? Wala na ako trabaho a week from now."
"Hindi mo mami-miss si Ralph?" pang-iintriga naman ni Neo.
Nagkibit-balikat lamang si Macy bilang sagot saka sumubo ng khao khluk kapi.
Bumanat naman ang binata. "'Yaan mo na. Baka bading pala 'yun kaya na-friendzoned ka."
Naibuga niya tuloy ang pagkain mula sa bibig. Tumatawang pinunasan naman ni Neo ng table napkin ang paligid ng mga labi niya.
"Hindi siya bading!" asik niya na nakaumang ang tinidor sa may mukha nito.
"Binibiro lang kita, high blood ka na naman sa akin," natatawang sabi naman nito na nakataas ang dalawang kamay.
Pagkatapos nilang kumain ay ihinatid siya ng binata sa tinutuluyan. Nagmagandang-loob naman siyang alukin ito ng kape. Hindi napigilan ni Macy ang sabay na mapangiwi at mapangiti nang papasukin niya ito sa loob.
"O, bakit?" nagtatakang sita ni Neo, napansin sigurong nagpipigil na siyang matawa.
"Hindi ko akalain na papayag ka," pag-amin naman niya habang kabuntot niya ito papuntang kusina.
"You mean, you weren't really serious to offer me coffee?" gulilat na tanong nito.
Noon na tumawa si Macy. "Siyempre nagiging grateful lang ako dahil sa pagsundo mo sa akin sa trabaho at paglibre mo ng dinner. Nakalimutan ko, makapal pala ang mukha mo, hindi uso ang tumanggi."
BINABASA MO ANG
GET NAKED (Hubaderos Book 1: Neo) PREVIEW ONLY
RomancePREVIEW ONLY COMPLETE AND UNCUT STORY is available in my Facebook Group. Search TheMandieLee and message us to join.