ILANG minuto nang nakakaalis ng club ang apat sa kanila at pinag-iisipan na rin ni Macy na sumunod sa mga ito. May kinse minutos pa siyang pinalipas bago siya nagpaalam sa mga kasama. Nagpilit naman si Neo na ihatid siya sa cottage, ginawa pang panakot si George na baka sundan daw siya sa labas.
Tahimik na naglalakad ang dalawa sa sementadong pathway patungo sa mga beach cottages ng resort. Pinili na lamang ni Macy na huwag magsalita dahil baka mauwi na naman sila sa pag-aasaran ng lalaki. Isa pa, kahit paano ay na-appreciate niya naman ang paghahatid nito sa kanya.
Nang may isang paparating na golf cart ang nasa likuran nila ay hinawakan siya ni Neo sa braso at hinila sa gilid ng daan. Nakalampas na ang sasakyan ngunit nanatili naman silang nakatayo roon, hindi rin bumibitaw sa kanya ang binata.
"N-neo," sabi dito ni Macy ngunit parang wala naman siyang lakas na bawiin ang braso. Tumingin siya dito at natuklasan niyang nakatingin rin ito sa kanya, may kakaiba sa mukha nito.
"You feel it, too, don't you?" tanong sa kanya ni Neo na parang may kumislap sa mga mata nito.
"I-i don't know what you're talking about," tanggi niya ngunit ang totoo ay nahuhuluan niya ang ibig nitong sabihin. Natataranta lamang siya at nahihiya sa loob-loob kaya ayaw niyang umamin kahit sa kanyang sarili.
Hanggang sa gumalaw ang kamay nitong nakahawak sa kanyang braso, humaplos iyon pataas sa kanyang siko. She felt her knees buckled.
Neo was trying to make a point.
"Still not convinced?"
Ibinuka ni Macy ang bibig pero hindi niya alam ang sasabihin, sumilay naman ang maliit na ngiti mula sa bibig ng binata bago nito inilapit ang mukha sa kanya.
He was going to kiss her!
HINDI umiwas si Macy sa paparating na halik ni Neo? In fact, parang hinihintay pa niyang mangyari iyon. She wanted to be kissed, was that it? Siguro, siguro curious nga lang siya talaga kung ano ang pakiramdam ng hinahalikan dahil hinayaan niyang dumapo ang bibig ni Neo sa mga labi niya. Awtomatiko pa siyang napapikit at kusa ring gumalaw ang mga labi niya't tinugon ang paghalik ng binata.
Mixed emotions. Iyon ang pinakatamang description sa nararamdaman niya ngayon. Parang hinahalukay ang sikmura niya, parang nagtatayuan lahat ng balahibo niya sa katawan. Parang may mainit siyang nararamdaman, may masarap...
"What... what's happening? What is this?" natatarantang nasabi ni Macy nang ilayo ni Neo ang bibig.
"It's called chemistry," sagot naman nito saka siya hinila sa katapat nilang espasyo mula sa magkatabing beach cottages. Natatamnam iyon ng mga matataas na klase ng halaman; may mga puno ng ashoka at palmera.
"Sabi mo, hindi mo ako type," may himig katarayang nasabi ni Macy sa lalaki nang isandal siya nito sa isang puno roon.
"It doesn't matter, we don't have to like each other, Macy," sabi ni Neo saka muling sinakop ang kanyang mga labi.
Naging mas mainit, mas mapangahas na ngayon ang uri ng paghalik nito sa kanya. Tinitikman nito ang lahat ng parte ng kanyang bibig gamit hindi lamang ang mga labi kundi pati na mga ngipin at dila. He was nibbling, sucking her lips. And that wild kiss was already setting her on fire. Oo na, umaamin na siya, may pagnanasa nga sila ni Neo sa isa't-isa.
Macy's whole world was spinning out of control. Gusto niya ang pagkakalapat ng kamay ni Neo sa isang umbok ng kanyang dibdib. She liked so much that she even pushed her chest towards him. He let out a throaty growl, and somehow, that guttural sound made her more aroused.
BINABASA MO ANG
GET NAKED (Hubaderos Book 1: Neo) PREVIEW ONLY
RomancePREVIEW ONLY COMPLETE AND UNCUT STORY is available in my Facebook Group. Search TheMandieLee and message us to join.