Part 12

198K 4.2K 140
                                    



"YOU should wear outfits like that often, Macy," seryosong sabi ng binata kay Macy bago ini-start ang kotse.

"Bakit ba gustong-gusto ninyong mga lalaki na may nakikita kayong magagandang parte ng katawan ng mga babae?" naitanong niya naman.

"We are biologically designed that way. Lahat naman ng tao, mapa-lalaki o babae ay natural na attracted sa magagandang bagay."

"I'm specifically pertaining to human attraction. Hindi ba puwedeng ma-attract na lang ang isang lalaki sa ganda ng ugali ng babae?"

"Puwede naman 'yun, pag bulag siguro ang lalaki. Kasi aminin na natin, hindi naman agad nakikita ang ganda ng ugali. Itsura ang unang nakikita natin, at wala namang masama kung doon mag-uumpisa ang attraction kasi hindi naman nangangahulugan na hanggang doon na lamang iyon. Puwedeng lumalim pa iyon sa pagdaan ng panahon kasi hindi naman panghabangbuhay na maganda ang itsura ng tao."

Well, he had a point.

Nagpatuloy pa si Neo. "Eventually, beauty will fade. At kahit bago pa naman kumupas ang gandang hinahangaan natin ay we tend to look beyond what our naked eyes could see."

"My God, Apolonio. Hindi ako sanay na nagsasalita ka nang ganyan. Kinikilabutan ako! Parang may sapi ka lang."

Tumawa ito. "Well, my point is, there's nothing wrong in showing off your physical beauty, Macy," sabi pa ni Neo na lalong nanggatong lang sa kumpiyansa niya na magsuot palagi ng mga sexy outfit.

Sa isang magandang restaurant siya ng binata dinala at ngayon ay nagsisisi siya't hindi iyong mga sexy na panggabing damit ang naisuot niya. The place was nice and cozy and there was even a pianist playing mellow music.

Nagkakuwentuhan sila habang kumakain. Kahit may tensiyon sa ere ay nagawa namang mag-relax ni Macy. Parang hindi iyon mahirap gawin kay Neo kasi pakiramdam niya, kahit ano ay nakakaya niyang gawin at sabihin sa harapan nito. Ito nga lang ang nakakapagpalabas ng masamang ugali niya, and, well... pati na rin pala tagong kahalayan niya ay napalabas na rin nito.

"Mas gusto ko sa probinsiya, mas tahimik at sariwa ang hangin," sabi ni Neo nang tanungin niya rito kung bakit pinili nitong manatili sa Sinagtala. "Ikaw, ayaw mo ba talagang makipag-partner sa amin ng Papa mo?"

Bumuntonghininga si Macy. Ang totoo, mula nang magbalik siya ng siyudad ay hinahanap-hanap rin niya ang probinsiya feels. Tumawag sa kanya noong nakaraang linggo ang Papa niya at sinabing nagkabayaran na sa ibinentang lupa. Noong narinig niya kung gaano kalaki ang share niya ay natukso rin talaga siyang bumigay sa inuungot nitong magbalik-probinsiya na siya.

"May hindi ka ba maiwan dito?" panghuhuli naman ni Neo.

Agad na pumasok sa isip niya si Ralph. Gosh, iyon nga ba ang dahilan? Baka subconsciously ay ayaw niya talagang malayo sa lalaking lihim niyang nagugustuhan kaya ayaw niyang bumalik ng probinsiya.

Nagkibit-balikat si Macy bilang sagot.

"Boyfriend?" pangungulit pa nito.

"H-hindi!"

"Ka-date?"

"Hindi rin."

Kumunot ang noo ni Neo. Muli naman siyang bumuntonghininga.

"Just someone that I really, really like," pag-amin niya.

"O-oh."

Ngumiti si Macy nang maasim. "Pero hindi niya alam na like ko siya."

"Does he like you, too?"

"I think so. Mabait siya sa akin."

"Mabait lang sa iyo, gusto ka na?" diskumpiyadong sabi ni Neo.

GET NAKED (Hubaderos Book 1: Neo) PREVIEW ONLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon