Part 3

222K 5K 392
                                    



"HOW'S Mom?" tanong ni Neo sa kanyang nakakatandang kapatid na nakabase sa Makati. "Magda-dalawang buwan na rin siyang hindi umuuwi sa Sinagtala. I guess she's enjoying the city life that she left long time ago?"

"Hopefully, she's doing good. Halos hindi kami nagkikita. Panay ang labas kasama ang mga kaibigan niya," sagot ni Clay.

Matanda nang tatlong taon sa kanya si Clay, ang general manager ng Alonte Talents, Incorporated na pagmamay-ari nilang magpipinsan.

"Nag-uusap na ba sila ni Daddy?" ungkat pa ni Neo sa kapatid.

Napatawa si Clay. "Kelan ba sila huling nag-usap? Sa korte pa yata noong on-going ang annulment nila."

Grade five si Neo noon nang maghiwalay ang kanyang mga magulang. Sa Quezon City sila noon nakatira at nagdesisyong umuwi ng probinsiya ang kanyang ina nang ma-finalize ang annulment. Sumama silang magkapatid rito noon at bumalik lamang sa siyudad si Clay nang magkolehiyo ito at nag-major ng advertising. Si Neo naman ay nanatili sa Sinagtala at doon nagtapos ng Bachelor of Science in Agriculture sa isang unibersidad.

"Galit pa rin siya kay Daddy," aniya na sinundan ng buntonghininga. Lumabas siya sa balkon ng kinaroroonang beach cottage at tumanaw sa asul na dagat.

"Hindi na natin mababago iyon, Neo. She was badly hurt."

"I know. I just wish they'd make amends. Matatanda na sila at malalaki na rin tayo."

"Huwag mo na silang alalahanin, okay? Just focus on yourself, on your business. Saka dumalaw ka naman dito sa ATI, dalhin mo si Reina."

Muling bumuntonghininga si Neo. "Wala na kami, Kuya. Four— five months na rin yata."

"O, anong nangyari? Akala ko pakakasalan mo na 'yun, eh."

That was what everybody was thinking when he got with Reina. Marami kasi siyang naka-date dati pero si Reina lamang ang naging seryosong girlfriend niya. Tumagal rin sila nito ng halos kalahating taon.

"Nakipag-break siya sa akin nang malaman niya ang dahilan kung bakit naghiwalay sina Mommy at Daddy."

"Hindi mo ba sinabi agad sa kanya?"

"We didn't really talk, you know?" Paano naman sila makakapag-usap nang masinsinan ni Reina kung kada pagkikita nila ay nauuwi sila sa kama? "Isa pa, alam niya namang hiwalay ang parents natin bago naging kami, huli na nga lang nang nalaman niya ang dahilan."
"Akala niya kagaya mo rin si Daddy?"

"Maybe."

Their father left their mother for another woman. Iyon ang dahilan ng paghihiwalay ng mga ito. Tatlong taon noon si Neo nang makipagrelasyon si Felix kay Ynez at nagkaroon ang mga ito ng isang anak na lalaki. Ayaw makipag-annul ni Arabella sa mister ngunit desidido naman si Felix sa pakikipaghiwalay.

Masama man ang loob ay hindi naman makuhang magalit nang todo ni Neo sa kanilang ama. Hindi ito naging mabuting asawa ngunit hindi naman ito nagkulang sa pagiging ama sa kanila ni Clay. Ibinigay nito ang lahat ng pangangailangan nilang mag-iina habang nakatira sila malayo rito. Mayroon pa rin silang share sa negosyo ng pamilya nitong isang malaking trucking company.

"Sorry to hear that, bro," puno ng simpatyang sabi ni Clay.

"Yeah. Well, what can I do, right? Alam mo namang ayaw na ayaw kong ipinagpipilitan ang sarili ko kaya hindi na rin ako naghabol pa."

"You could've at least tried. Baka na-shock lang 'yun at matatauhan rin."

"Nah. I'd rather not. Ayoko ng masyadong praning na babae. Saka okay naman ako sa ngayon."

GET NAKED (Hubaderos Book 1: Neo) PREVIEW ONLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon