"OPEN-MINDED ka ba?"
Muntik nang maibuga ni Macy ang iniinom na iced tea habang nasa Barrio Fiesta silang mag-ama. Unang araw niya iyon sa bayan ng Asuncion at sinundo siya nito sa terminal ng bus sa downtown gamit ang lumang Wrangler jeep nito.
"Papa, 'yang mga patutsada niyong ganyan, kinakabahan ako minsan," sabi niya rito saka nagpunas ng bibig.
Tumawa naman si Gabriel. "Isang buwan na lang ako sa munisipyo. Magre-retire na ako."
"O, anong nangyari sa balak niyong two years pa? Bakit napaaga?"
"Nakisosyo kasi ako sa negosyo. Mushroom production."
"Ah, malakas nga 'yan ngayon, lalo pag export. Napanood ko sa isang documentary sa TV. Milyon ang kinikita pag malaki ang production at sinuwerte sa sales. Ayos po 'yan."
"Oo, lalo pa't may mga sure buyer itong kasosyo ko ngayon. Anak, makisosyo ka na rin sa amin para dito ka na lang sa Sinagtala, wala ka pang boss. Kung gusto mo naman, puwedeng tumulong ka rin sa pagpapatakbo ng farm. May opisina na roon, kailangan ng dagdag na tao."
"Maliit pa ang ipon ko, 'Pa."
"Walang problema 'yun. Alam mo 'yung bukirin ng Lolo mo na antagal na naming inaasikaso ang mga papeles? Naayos na last month, may buyer na rin kami."
Napadiretso ng upo si Macy. Pera ang pinag-uusapan dito, aba! "Magkano mapupunta sa akin?" tanong niya agad.
"Ang bilis mo talaga pag pera ang usapan. Ibang klase!"
"Mana lang ako sa iyo, Papa!" Kaya pala nag-retire na ito nang maaga, makukuha na nito ang mana. Dalawang taon nang namatay sa katandaan ang kanyang Lolo Roberto, malaki ang iniwan nitong bukirin na pinapasaka nito noon. "Paano ang hatian?"
"Maghahati kami ng Tiya Juana mo, siyempre; fifty-fifty. Tapos 'yung share ko, hati tayong tatlo ng Kuya Bart mo. Malaki 'yun, anak. Puwede mong isosyo sa amin sa mushroom production."
"Saan ba 'yang mushroom production na 'yan?"
"Sa Barangay Puting Bato, sa mismong boundary ng Asuncion at Estrella."
"Sino 'yung kasosyo niyo pala?"
"Schoolmate mo yata sa Oracle Academy noon, kilala ka niya, eh. Si Neo."
Nanlaki ang mga mata ni Macy. "Neo as in Apolonio Alonte?"
"Apolonio pala ang pangalan ng damuho. May Neo pang nalalaman!" Humalakhak ang kanyang ama. "Ano, 'nak? Payag ka na? Ipasyal kita doon ngayon kung gusto mo."
"Sorry, 'Pa. Close-minded ako."
ISANG batik na cover-up ang pinangtakip ni Macy sa suot na kulay orange na two-piece bikini. Because of her plump hips, buttocks and boobs, the bathing suit looked too skimpy on her. Nagdadalawang-isip na tuloy siya kung tatanggalin niya 'yung cover-up. Pero 'di ba parang tanga naman kung lalangoy siya sa tubig na suot-suot pa rin iyon? Bumalik na lang kaya siya sa cottage at magsuot ng shorts at rash guard gaya ni Zara?
Nanindigan naman siya nang mahuli niya si Neo na nakangisi sa kanya. Humanda talaga ito mamaya, ipaparada niya ang katawan niya rito.
Weh? Kaya nga ba niya talaga? Hanggang ngayon ay ang inis lang kay Neo ang tanging armas niya kaya hindi pa siya pinapanginigan ng mga tuhod.
"Nakasimangot ka na naman, Macaria," tatawa-tawang sabi sa kanya ng lalaki nang lumapit ito sa pinag-iihawan niya ng pork barbeque.
Dumating ang mga magkakaibigan sa Escape Hotel and Beach Resort at maaga silang nagising upang samantalahin ang lamig ng tubig-dagat. Doon na sila nag-almusal sa kinaroroonang pergola at doon na rin magtatanghalian.
"Ano naman sa iyo?" asik ni Macy kay Neo.
"Bakit ba palagi kang masungit sa akin?" balik-tanong nito.
"Hindi ko kasi feel ang ugali mo," prangkang sagot niya.
"Ah, iyan ba ang dahilan kaya ayaw mong makipagsosyo sa akin sa negosyo?"
Napaikot ang eyeballs ni Macy. Ang magaling niyang ama at nai-tsismis agad kay Neo ang pagtanggi niya sa business proposal nito?
"Not everything is about you, Apolonio."
"My business is growing. Next month nga, may ime-meet up akong potential buyers na galing sa Hong Kong. Kung gusto mo, puwede kitang i-hire para maging in charge sa office. 'Yung Papa mo kasi, gusto niyang maging consultant ko lang."
"Utos ba 'yan sa iyo ng Papa ko? Ang kumbinsehin akong magtrabaho sa kabutehan mo?"
"Kabutehan?" Tumawa si Neo.
"Hindi ako interesado, just to let you know. Saka mas bagay sa iyo ang business mo."
"What do you mean na mas bagay sa akin?" Ngumiti ito nang pilyo. "Dahil kabute ang pinu-produce ko?"
Nagkibit-balikat si Macy. Hindi niya yata naiwasang maging berde ang banat niya sa kausap. Pikon talaga siya pagdating dito kaya kahit anu-ano na lang na napupulot niya ay naibabato niya rito.
"Yeah, because you're such a dick. Suits you well, ain't it?"
Hindi naman ito napikon. Hinding-hindi niya yata ito maaasar kahit kelan. "Just to set things straight, my dick is bigger than my mushrooms," he told her with a boyish chuckle. "Way bigger. And, harder. Mas masarap din—"
"Bastos!" angil dito ni Macy, iniumang ang isang tusok ng pork barbecue sa may mukha nito.
"Hey, you started it!" ganti naman ni Neo na hindi natakot sa armas niya.
"Nag-aaway na naman ba kayo?" sita sa kanila ni Zara habang nagpapahid ng sunblock sa mukha. "Hindi na kayo nagbago, mula high school para na kayong aso't pusa."
"Aso't pusa, I like that," nakangising sabi naman ni Neo at bago pa nakahuma si Macy ay pinisil siya nito sa pisngi. "You're like a cat, a very feisty one. Maybe I should call you kitten."
Sa inis ay dinagukan niya ito. "Kung aso ka naman, siguradong askal. 'Yung gusgusin at may rabies!"
"Sa lahat naman ng askal, ako itong guwapo," pagmamayabang naman ni Neo na nagliyad pa ng dibdib.
Lalo namang nainis si Macy. Kailan niya kaya ito magagantihan ng pang-aasar? Yari yata sa adobe ang pagmumukha at hindi tinatablan ng kahit na insulto.
Iiling-iling na dumampot ng dalawang tusok ng barbecue si Zara at bumalik na sa kumpulan ng magkakaibigan. Labing-isa sila lahat na naroroon, pito ang staff ng Echo at ang apat sa kanila ay nagsama ng kani-kanilang mga asawa at kasintahan. Magkasama sina Macy at Zara na mag-i-stay sa isang beach cottage at tig-isang cottage naman ang mga magkakapareha. Mag-isa si Neo sa isang cottage, hindi yata kasama sa lakad nila ngayon ang girlfriend nitong si Reina. O, baka may iba nang girlfriend? Noong nakaraang taon pa nakilala ni Macy ang babaeng iyon, baka break na sila ni Neo. Ugh, bakit ba siya nagwa-wonder tungkol sa love life ng lalaking ito? He could date Valak or a baboon-shark hybrid for all she cared!
Sumimangot na lamang si Macy at hindi na umimik. Tumabi naman sa kanya ni Neo at ito ang nagbaliktad ng mga iniihaw niyang barbecue. Sa inis ay imbis na layuan niya ang lalaki ay pinaypayan niya nang mabilis ang baga at sinigurado niyang sa mukha ni Neo ang direskyon ng nagliparang abo. Muntik siyang natawa nang mapaubo ito at nagkusot ng mga mata.
BINABASA MO ANG
GET NAKED (Hubaderos Book 1: Neo) PREVIEW ONLY
RomancePREVIEW ONLY COMPLETE AND UNCUT STORY is available in my Facebook Group. Search TheMandieLee and message us to join.