Part 5 (Medyo SPG)

293K 4.7K 298
                                    



O, baka tawagin niyo akong paasa kaya sasabihin ko na agad. Hindi pa sina Neo at Macy ang may SPG scene sa chapter na ito. Huwag kayo apurado. Haha! ^_^v

~ ML




PANGATLONG araw nina Macy sa Escape at parang gusto na niyang umuwi. Kanina ay umayaw siya nang yayain siya ng mga kaibigan na maligo sa dagat. Nagdahilan na lamang siyang hindi niya kaya ang init ng panahon. Ang totoo ay iniiwasan niya si Neo. Gusto niyang mahiya rito pero naiinis pa rin siya. At ang bruhang Zara, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito mapatawad sa ginawang pagsisinungaling sa kanya. Pahamak!

"Ayaw mo talagang sumama sa club?" tanong sa kanya ng kaibigan nang silipin siya nito sa kuwarto ng cottage.

Dumapa si Macy sa kama. "Ayoko," sabi niya lang.

"Huwag mong sabihing hindi ka nagka-club sa Manila?"

"Sabi ko naman sa iyo, once in a blue moon lang ako lumabas. Saka tinatamad lang ako ngayon,  wala pa akong dalang tamang outfit na para diyan."

"Paano, puro swim suit ang dala mo," kantiyaw pa ni Zara.

"Gaga ka talaga," inis niyang sabi dito sabay irap. "Kasalanan mo ito talaga, Zara!"

"Sorry na nga, 'to naman. Hindi mo pa ba ako mapapatawad? Saka at least may nagawa namang maganda ang pagsisinungaling ko, 'no? Kita mo, lumabas ka sa comfort zone mo. Naglugay ka na ng buhok at nag-bikini. Super sexy mo pala, bruha ka! Nanliit tuloy ako't gusto kong magtago. Hiyang-hiya kaya ang mga santol ko sa mga melon mo, uy!"

Natawa tuloy dito si Macy. "Grabe ito! Hindi naman ganoon kalaki ang boobs ko."

"Malaki pa rin! Marami kang tataluning sexy models, girl!"

"Sige, utuin mo pa ako."

"'Di nga! Lika na kasi sa club, ililibre kita ng drinks bilang apology ko sa iyo."

"Ugh. Tinatamad nga ako, 'no ba? Mag-aayos pa ako and everything."

Nag-give up na ito. "Fine. Pero pag nagbago ang isip mo, alam mo kung nasaan ang club, ha? Hanapin mo na lang kami doon."

"Oo na."

Magsasara na sana si Zara ng pinto ng silid niya nang may maalala. "May maganda akong chiffon top na naka-hanger sa closet ko, baka type mong hiramin if ever. Mas babagay 'yun sa iyo kesa sa akin."

"Titingnan ko," sabi na lang ni Macy upang tigilan na siya ng kaibigan.

Nang nakaalis si Zara ay hinarap ni Macy ang dalang iPad. Nang magsawa siya sa pagbabasa ng Gone Girl doon ay naghanap siya ng mapapanood na erotica. Mayroon siyang paboritong site na pinupuntahan na may erotikong palabas— mga short soft porn movie. Mahahaba ang maiinit na eksena, medyo detalyado, pero walang totoong penetration sa lalaki't babaeng bida. Hindi rin ipinapakita ang mga genital maliban sa mga puwet at dibdib.

Maybe she was just getting bored but the video that she was watching right now was not exciting her at all. Naisipan niya tuloy manood ng porn. Pero nang nagba-browse na siya ng mga video na lumabas mula sa search niya ay nagbago na naman ang isip niya. She wanted to watch real sex.

Binura niya ang nasa search bar na porn for women, pinalitan niya iyon ng real sex. Binura niya uli, baka bastos na sex ang mga lumabas. Choosy na kung choosy. Babae siya kaya naman hindi niya kayang panoorin 'yung parang binababoy at ginagamit lang na parausan ang mga kabaro niya sa sex. Kailangan niyang maging specific. Real sex with woman orgasming.

GET NAKED (Hubaderos Book 1: Neo) PREVIEW ONLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon