"GRABE, Macy! Halos hindi kita nakilala kanina, akala ko may bago tayong empleyado," sabi ni Abbie pagkakita kay Macy na nakaupo sa mesa nito.
"Para naglugay lang ako ng buhok," natatawa namang sabi niya rito.
"Hindi lang 'yan, 'no? 'Yang blouse mo rin, teh. Ang sexy!"
Natawa si Macy. Suot-suot niya ngayon ang sleeveless top na tuluyan nang ibinigay sa kanya ni Zara. Lumuwang na raw kasi sa bandang bust area nang hiramin niya iyon.
"Saka parang may kakaibang glow sa mukha mo. You just look so entirely new and different, girl! Anong himala sa Sinagtala aside from having the hottest governor of the country, ha? Ha?" tudyo pa ni Abbie.
Gustong magtutop ng bibig si Macy pagkarinig sa kontrobersiyal na gobernador ng Sinagtala na kailan lang ay nasangkot sa isang video scandal. Governor Jaidon Silvanus was caught by the camera making out with his fiancee— now his wife— outside a beach cottage in Escape. Yes, sa Escape kung saan din sila nagkalat ni Neo sa labas. And, they did more than just making out! She was actually climaxing from his fingers!
Wala naman sigurong mag-iinteres na kunan sila ng video? Isa pa, dinig niya ay humigpit na ang security ng Escape mula nang mangyari ang eskandalo doon.
"Bigay lang ang blouse na ito ng kaibigan ko," sabi niya kay Abbie. "Saka naglugay ako ng buhok kasi bad pala sa hair natin 'yung palaging nakapusod. 'Yang glow naman na sinasabi mo... well, baka dahil naging tan ang kutis ko dahil sa pagpunta sa dagat."
Gusto niyang mangiwi nang tumingin siya sa suot na damit. Naisip niyang baka huwag na lang itong isuot dahil nakakapagpaalala lamang ito ng nagdaang paglaladlad niya ng kahalayan. Suot niya ang damit na ito nang una silang magkaroon ng sexual encounter ni Neo na pinag-ugatan ng kasunduan nilang mag-sex ng isang gabi.
May hangover pa siya sa nangyari kahit ilang araw na ang nakakalipas. Siguro aabutin ng ilang linggo bago siya tuluyang maka-recover. Never had she imagined that she would do something like that. Ang naiisip niya dati ay ibibigay niya ang sarili sa lalaking mahal niya at pakakasalan. Well, not that she was regretting it, she was just still in awe.
"May outfit ka na pala sa anniversary natin? Gala daw ang party, so kailangan naka-gown tayo."
Nagkibit-balikat si Macy. "Ewan ko kung pupunta ako. Alam mo namang wala akong hilig sa party-party na 'yan." Totoo 'yun, hindi pa siya naka-attend ni minsan sa mga anniversary party ng kompanya.
"Punta ka na, tapos magpaganda at magsuot ka ng sexy gown para mapansin ka ni Ralph. Malay mo isayaw ka niya?"
"Ugh. Hindi ako nagsasayaw, Abbie."
Bata pa siya ay hindi na siya nahilig sa sayaw. She didn't think she had a natural body rhythm, masyado rin siyang self-conscious sa size niya. Imagine, sa JS Prom nila noon ay kitang-kita siya sa dance floor dahil mas matangkad siya sa karamihan sa mga lalaking classmates niya?
"Puwes, pag-aralan mo na ngayon! Sayang naman ang alindog. Meron ka pala niyan. Aba'y gamitin mo na!" sulsol naman ni Abbie.
Alindog talaga?!
Yeah, that alindog na si Apolonio Alonte ang nagpadiskubre sa kanyang mayroon pala siyang ganoon. Kaya siguro wala siyang nararamdamang ni kaunting pagsisisi sa pagkawala ng kanyang
pagkabirhen sa lalaking walang kaugnayan sa kanya. May positibong dulot iyon sa pagkatao niya. She came back to the city like a brand new woman— equipped with more power, confidence and assurance with her sensuality. Alam na alam na niya ang gusto at kailangan niya bilang babae. So, yeah. Why not? Ang tanda na niya para mag-inarte pa. Maybe it was about time to get rid of her stupid timidness and tell that Ralph guy that she really liked him. Kung kinakailangan niyang yayain itong magsayaw ay gagawin niya!
BINABASA MO ANG
GET NAKED (Hubaderos Book 1: Neo) PREVIEW ONLY
RomancePREVIEW ONLY COMPLETE AND UNCUT STORY is available in my Facebook Group. Search TheMandieLee and message us to join.