"G-GANOON pala... ganoon pala iyon," humihingal na sabi ni Macy saka pumihit paharap kay Neo.
"How was it?" tanong niya rito nang bumalik na sa normal ang paghinga.
Ngumiti ito. "It was amazing!" Natutuwa siya't nasiyahan ito. Her face showed it all. She was gleaming with joy. She looked so beautiful.
Bumangon na si Neo at hinila ito kasama niya. "C'mon, let's clean up in the bathroom."
"U-uh, my knees are weak!" bulalas naman ni Macy nang gumewang ito sa pagtayo.
He chuckled as he swiftly lifted her from the floor and carried her like a bride. "There."
"Thank you."
Nakangiti ito sa kanya at hindi pa rin siya nasasanay doon. Mas sanay yata siyang sinisimangutan at binibigyan nito ng tinging mala-balisong ang talim. Ah, he would miss this pretty smile when the night would be over.
Ibinaba niya ito nang makarating sila sa banyo at itinapon niya ang condom sa trashcan doon. He peed on the toilet bowl as she was cleaning her inner thighs with wet wash cloth. Nang ito na ang umihi ay napangiwi ito.
"Ugh, a-ang hapdi."
Neo reached for her hand. "You'll be alright."
Tumango naman si Macy. "Wala pa naman akong nabalitaang namatay sa ganito," tumatawang sabi pa nito.
Binuhat niya uli ang dalaga palabas ng banyo at dinala ito sa kama.
"Rest," sabi niya rito at hinalikan ang tungki ng ilong.
"Hindi ko gusto ang ngisi mo, Apolonio."
Tumawa siya't tumabi siya rito ng higa. "Ayaw mo na ba?"
Inirapan siya nito. He always find her pretty like that— rolling her lovely eyes on him. Kaya nakakatuwaan niya itong asarin lagi, nag-e-enjoy siyang naiinis ito sa kanya. Kung bakit lagi itong pikon sa kanya at hindi masakyan ang humor niya.
"Isa lang ang usapan natin," diin ni Macy.
Oh, hell, no. He wouldn't let her go that easily. Marami pang rounds ang gusto niya kaya nagbaon siya ng sangkatutak na condom.
Besides, nararamdaman din niyang gusto rin nitong umulit.
"Correction, ang usapan natin ay hanggang hatinggabi tayo rito. Wala pang alas-diyes." Kinumutan niya ito nang hindi umimik. "Are you hungry? I can order food."
"Okay. Nasaid yata lahat ng energy ko sa mga ginawa natin kanina."
"Good. Kakailanganin mo pa ng energy sa mga gagawin natin mamaya."
Um-order si Neo ng pizza at fried chicken wings. Fifteen minutes waiting period ang sabi ng hotel staff sa kanya sa telepono. Sana lang sa loob ng sandaling iyon ay hindi sila magkaasaran ni Macy at iwanan siyang luhaan.
Sa ibabaw ng kama sila kumain at nagutom nga yata talaga si Macy dahil ang lalaki ng mga subo nito. Naisip niya itong asarin pero nagpigil siya. Mahirap na, baka mag-walkout pala bigla.
Nagtakip ito ng bibig nang dumighay matapos uminom ng Coke. "Sorry," medyo nahihiyang sabi nito.
"Don't be. I like girls who eat with gusto."
"Patay-gutom, you mean?"
Tumawa si Neo. "I mean, 'yung mga babaeng kumakain na walang pakialam sa paligid nila. I think it's cute."
BINABASA MO ANG
GET NAKED (Hubaderos Book 1: Neo) PREVIEW ONLY
RomancePREVIEW ONLY COMPLETE AND UNCUT STORY is available in my Facebook Group. Search TheMandieLee and message us to join.