NAPANGIWI si Macy sa harapan ng salamin. Paano'y medyo masikip sa kanya ang damit na pinahiram ni Zara. It was beige sleeveless chiffon top with a killer low neckline. Hapit na hapit iyon sa kanyang katawan at halos lumuwa ang kanyang mga dibdib. Pero wala na siyang pagpipilian. May mga kwelyo ang mga blouse na dala niya at hindi bagay sa clubbing. In fact, she was even wearing a black baggy slacks and a a pair of red ballet flats right now! Kailangan na yata niyang mag-shopping ng mga bagong maisusuot. Tutal, naiparada na niya ang katawan niyang naka-bikini, kailangan ay maging confident na rin siyang magsuot ng sexy outfits.
And, her hair... she was told it looked great if it was down. Kaya sige, lugay pa more!
Tumayo si Neo mula sa sofa sa salas ng cottage nang lumabas si Macy mula sa kanyang silid. He smiled, looking very pleased at her.
"I told you, your hair is sexy," puri pa nito.
Hindi naman niya ito inimikan, nauna siyang lumabas ng cottage.
Naglakad ang dalawa patungo sa isa sa mga club ng resort na nakahiwalay sa mismong hotel. Nasa gilid iyon ng dagat at mas pinupuntahan ng mga kaedad nila.
Sinulyapan ni Macy ang katabing naglalakad. Hindi siya sanay na tahimik itong kasama siya. Naubusan yata ng pang-aasar ang gago't parang nalulon ang dila?
"Sinabi ko na kasi sa iyong huwag mo na akong hintayin. Marami ka na sanang babaeng nakilala sa club ngayon," hirit niya rito.
"Maaga pa naman," kibit-balikat na sabi ni Neo.
Sa loob ng club ay sama-sama ang magkakaibigan sa dalawang magkatabing round table. Medyo madilim sa loob at puro upbeat songs ang pinapatugtog.
"Sabi na sa iyo, mas babagay sa iyo 'yan!" puri sa kanya ni Zara na sinipat-sipat ang pang-itaas niyang damit. "Gosh, 'yung boobs talaga, 'teh!"
Tinapik niya naman ito sa braso at saka tumawa.
Kalahating oras silang nagkukuwentuhan sa mesa habang umiinom ng light beer hanggang sa magpalit ng slow ang tugtog. Naiwan sina Macy, Neo at Zara sa mesa hanggang sa may isang estrangherong lalaking nagyayang makipagsayaw kay Zara.
"You wanna dance?" pagkuwa'y tanong sa kanya ni Neo nang nasa dance floor na si Zara na mukhang masaya sa kasama nitong lalaki. Hindi iyon gaanong matangkad pero mestiso at guwapo.
Umiling si Macy. "I don't dance."
"Ayaw mo lang yata akong makisayaw."
Halos malaglag ang eyeballs niya. "You're asking me to dance with you?" Akala pa naman niya nagtatanong lang ito kung gusto niyang magsayaw kagaya ng mga kaibigan nilang laht ng tugtog ay pinapatulan sa dance floor.
He grinned— no, smirked. "Yes."
"Hindi nga ako nagsasayaw. Maghanap ka na lang ng ibang babae, andami rito, oh. Baka naman..." Tinaasan niya ito ng kilay. "Dinala mo ako rito kasi wala kang maaasar, ano?"
Humalakhak si Neo. "Ansama talaga ng pagkakakilala mo sa akin."
"Puro iyon ang nakikita ko sa iyo, masisisi mo ba ako?"
"Mabait ako, Macaria."
"Pag comatose ka siguro."
Pagbalik sa mesa ng ilan sa mga kaibigan nila ay inulan naman sila ng kantiyaw.
"Paano naman makikipagsayaw si Macy kung ginuguwardiyahan mo pala siya?" biro ni Damian kay Neo.
"Halos ibenta ko na nga siya sa mga lalaki rito pero walang pumapatol, eh," biro naman ni Neo.
BINABASA MO ANG
GET NAKED (Hubaderos Book 1: Neo) PREVIEW ONLY
RomancePREVIEW ONLY COMPLETE AND UNCUT STORY is available in my Facebook Group. Search TheMandieLee and message us to join.