Keyla's POV
"Aray ko! Dahan dahan naman! Tang'nang to!" mura ko. Pano ba naman ang higpit-higpit ng pagkakahawak niya sa wrist ko. Katatapos lang ng program kaya hinihila na niya ko, kung saan-saan.
"Kailan ka pa natutong mag mura?" gulat na tanong niya.
"Ewan! Bitawan mo nga 'ko! Namumula na yung wrist ko oh! Bwisit na'to!" sigaw ko ulit.
"Eh kung hindi kita hahawakan ng mahigpit, makakatakas ka na naman, at hindi na tayo magkaka usap ng matino." paliwanag niya. Opo, ilang beses po akong tumakas sa kaniya kasi ayaw kong makipag usap, pero ilang beses niya din akong nahuli. Kainis!
"San mo ko dadalhin?" tanong ko.
"Jusko! re reypin ka niya
Keyla! Ready yourself"Manahimik ka jan! Bwisit na utak to! Hindi siya sumagot sa tanong ko, kaya binatukan ko siya, take note! Malakas na batok!
"ARAY! Bakit ka ba nambabatok?" inis na tanong niya. Wow ha! Siya pa ang may ganang mainis!
"SAN MO KO DADALHIN??!!!" sigaw ko, para intense! haha..
"Nandito na tayo!" sigaw niya din 'saken.
"Seriously?! Dito? Dito talaga?!" I shouted in disbelief.
"Ba't ba ganyan ang reaksiyon mo? Ano bang masama sa Park?"
"Tinanong mo pa talaga ha! *sabay hampas sa balikat niya* Bwisit ka! Kanina pa kita tinatanong kung 'san mo'ko dadalhin! Dito lang pala?!" bwisit na sagot ko sa kaniya!
Ok! Nag assume ako ng kaunti na dadalhin niya ko sa magandang lugar na kung saan kami makakapag usap ng masinsinan. Pero sa Park?! May kaladkad effect pa siya saken! Masakit kaya yung wrist ko! Huhuhu..
"Uy! Nag assume! Mag uusap lang naman tayo, wala namang tao dito eh." sabi niya na nakangisi, sinuntok ko nga!
"Aray! Kanina ka pa ha! Isa pa ha, isa pa!" banta niya.
"Oh, ano gagawin mo?" nanghahamong tanong ko.
"Wala naman, ang sarap kaya ng suntok mo." He said while smiling widely, inambahan ko siya ng suntok,
"Joke lang, dun tayo oh." turo niya sa isang bench. Nauna na akong pumunta 'don, nananakit na rin kasi ang mga paa ko, pano kase, nilakad lang namin yung park, mga 10 minutes ka pa makakarating.
Naupo ako 'don at tumabi siya saken. Actually, pagka upo namin ang tahimik namin. Mag-iisang minuto na!
"So ano, mananahimik ka nalang? Akala ko ba, mag-uusap tayo? Akala ko ba mage-explain ka?" basag ko sa nakabibinging katahimikan.
"Sorry.." sorry?
"Yan lang? Sorry lang ang makukuha ko sayo? Ay wow! Ang effort ha!" reklamo ko.
"Sorry, kasi naging gago ako.."
"Buti alam mo! alam mo'ba nung nakita ko kayo sa restaurant akala ko hindi kayo magka relasyon eh pero nung makita ko kayong naghalikan! Tinanong ko agad ang sarili ko kung, "ano bang meron siya, na wala ako? ba't ginawa mo 'yon saken? ba't niloko mo ko?" yan ang mga tanong na hindi ko man lang nasagutan, dahil umalis ka! Ni hindi ka nga nag-effort na kausapin ako eh!" sabi ko, hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
"I tried to talk to you and explain but your Dad told me to stay away from you! Nakatanggap din ako ng mag asawang sampal sa bestfriend mo. Alam kong mali ang ginawa ko, pero hindi na'ko nag-iisip ng tama eh, para sa akin kasi, ok lang na maging girlfriend ko siya, kasi sa isip ko hindi mo naman malalaman ang namamagitan sa amin. Pero ikaw talaga ang mahal ko, I was infatuated to my step-sister. Akala ko siya na talaga, pero mali ako. Ikaw lang pala ang mahal ko, wala mg iba."-Lawrence
"But, you still cheated on me." malamig kong tugon.
"I want you back..."