Keyla's POV
Nagising ako nang maramdaman kong may nakadantay na braso sa tiyan ko, kaya napalingon ako sa likod ko. Sa gulat ko napabalikwas ako at nasigawan ko yung nakayakap sa'kin.
"GAGO! GISING!" bulyaw ko.
"Hmmm. Matulog ka pa, Babe." sabi niya, half close pa ang mga mata at pilit pa ako na pahigain ulit.
"Anong matulog? Anong oras na oh. Mag-ayos ka na at umuwi!" singhal ko.
Minulat niya ang kaniyang mata at tinitigan ako.
"Hindi mo ba ko namiss? Kasi ako, namiss kita." paawa effect? pft.
"Wow, oo nga namiss mo ko! Eh hindi mo nga sinasagot ang tawag ko, tapos ikaw pa ang may ganang mangbawal, na bawal pumunta sa Bar, eh ikaw naman pala ang tumatambay don!" sumbat ko.
"Sorry na. Kasi nagkayaya-an lang eh. Sorry na, atsaka yung sa pag hindi ko pag sagot sa tawag mo." sabi niya then kissed me on my lips.
Kinikilig ako besh! Haha. Tiklop ang beauty ko. Haays.
"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag at text ko?" bigla kong tanong.
"A-ah ka-kasi ano a-ano." pautal utal niyang sagot ni wala nga kong maintindihan eh.
"Ano? 'Wag ka ng pabitin!"
Lawrence's POV
Ito na nga ba ang kinakatakutan ko eh. Ang magtanong siya kung bakit hindi ko siya pinapansin nung mga nakaraang linggo."A-ah ka-kasi ano a-ano." pautal utal kong sagot.
"Ano? 'Wag ka ng pabitin!" singhal niya.
"Mamaya na. Date tayo mamaya, susunduin ka ng driver dito. You should wear formal attire, kay?" sagot ko nalang.
"Sus, change topic tayo eh! Pero palalampasin ko muna 'to." natatawa niyang sagot kaya inakap ko siya hiniga sa kama.
Yung ulo niya nakaunan sa braso ko at ako naman naka akap parin sa kaniya.
"I love you." sabi ko.
"I love you, too." sagot niya.
"Nga pala, thank you pala kasi niligtas mo ko sa nambastos sakin. Ang g*gong yon, sarap sakalin eh!' nanggigigil niyang sabi.
"Eh dapat sinakal mo." sabi ko naman.
"Eh kung kaya kong sakalin 'yon edi hindi na'ko nabastos! Diba? Duh. Utak gamitin, ano yan display lang sa ulo mo?" pang-aasar niya.
"Tsss." I hissed.
"Uy! Pikon siya."
"Hindi no!" I defensively said.
"Pikon." she said then stuck out her tounge.
Inalis ko yung pagkakayakap ko sakaniya at tumayo na.
"Oh san punta mo?" nakasimangot niyang sabi.
"Aalis!" pagsusungit ko.
"'Kay! Ingat ka ha!" aba't! hindi man lang ako pipigilan?
"Hindi mo man lang ako pipigilan?" tanong ko.
"Bakit? Ako ba ang kumo-control ng paa mo?" pabalang niyang sagot.
"Hindi." simpleng sagot ko
"Oh, alam mo naman pala eh. Haha. Sige na alis, mag kita nalang tayo mamaya. Hm? Ok?" pa cute niyang sabi. Tss, alam niya talaga kung pano ako paamuhin.
"Tss. Diyan ka magaling! Ang mag pa cute! Aalis na ko. Wag mong kalimutan yung date natin ha." sabi ko saka hinalikan siya sa noo.
"Okie dokie. Bye na! Love you!" napangiti naman ako.
"Love you too." sagot ko at lumabas na ng kwarto niya.
Kailangan ko ng mag ready at i-che check ko pa ang venue ng dating place namin. And I hope she'll say "yes" later.
♕♕♕♕♕♕♕♕♕♕♕♕♕♕♕♕♕♕
Annyeong!!!! Ngayon lang ako nakapag update kasi busy ako this past few days, ngayon lang nag ka free time eh.. Mianhae😂