Keyla's POV
Mahigit 2 weeks na nung magkasagutan kami ni Lawrence. At ang walang hiya, hindi parin nagpaparamdam saken.
"Magpaparamdam pa ba 'yon? Eh nasaktan mo na siya eh, nagkulang ka ng tiwala sa kaniya. So, deal with the consequences."
Pati yung subconscience ko, inaaway nako. Aaaaah! Kasalanan ko talaga to eh. Eh pano ba naman, nag start lang 'yon sa bangayan namin about sa Dictionary, tapos iniwan ako sa loob ng store at ang panghuli nakita ko siyang may kasamang babae. Aish! Kung sana pinagpaliwanag ko muna siya! Pero sino ba talaga ang babaeng 'yon? Aish, maganda naman ako sa babaeng 'yon! Hay, ang tanga mo talaga Keyla Eunice! Masyado kong ginawang big deal ang nangyari, nagsinungaling pa'kong walang tiwala sa kaniya, in fact malaki naman tiwala ko sa kaniya.
*tok tok
Napapitlag ako ng may kumatok, agad ko namang binuksan ang pinto.
"Ma'am si Sir A.L po nasa baba." sabi ni Manang. Napasmile naman ako, namiss ko kaya boyfriend ko.
"Sige po Manang, susunod ako." sabi ko kay Manang.
Pag-alis ni Manang naligo ako ng pagkabilis-bilis. Haha. At nag suot ng simpleng pambahay lang. Pagbaba ko nakita ko agad si Lawrence na namumugto na naman ang mata. Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya, lumapit ako sa kaniya at hi-nug siya. Naiiyak ako, kasalan ko naman talaga eh. Masyado akong naging mababaw.
"Uhhm. Eunice?" pagtawag niya saken habang nakahug na rin saken.
"Hmm?"
"Hindi ka na galit?" tanong niya.
"Hindi na. Lawrence, sorry." paghinging paumanhin ko sa kaniya.
"It's ok. But I'll admit that I was hurt na nag doubt ka saken at wala kang tiwala saken. Wala ka ba talagang tiwala saken?" parang bata na tanong niya habang nakahug parin saken, hindi ko maiwasang matawa.
"'Wag kang tumawa, sagutin mo nalang ako." sabi niya.
"Sorry nagsinungaling ako, malaki talaga ang tiwala ko sa'yo, nadala lang siguro ako ng feelings ko non, idagdag mo pa na may PMS ako non. Kaya sorry talaga." I said sincerely. Inilayo niya ko sakaniya at hinawakan niya ang mukha ko. Then he wiped my tears, ni hindi ko nga alam na umiiyak na pala ako.
"Tahan na, para kang aping-api sa pag-iiyak mo. Pero atleast ngayon ok na tayo." sabi pa niya.
"I love you, Lawrence, sorry ulit." sabi ko ulit.
"I love you, too. Tama na yang sorry mo ha." he said then kissed me.
🔅🔅🔅🔅🔅🔅🔅🔅🔅🔅🔅
Dito kami ngayon sa Garden namin, wala lang, gusto daw ni Lawrence mag date dito. Sakin naman ok lang na dito nalang muna mag date, na miss ko siya ng bonggang bongga.😂
"So ano nga ang nangyari sa'yo 2 weeks ago?" tanong ko ulit sakaniya. Actually, mga limang beses ko na'tong tanong sa kaniya, at konting konti nalang bi-binggo na'to saken.
"Wag na kase." inirapan ko siya, syempre hindi ba naman kami nagkita ng dalawang linggo, curious din ako kung ano ang pinggagawa niya sa buhay niya, no!
"Wag mong hintayin na mainis ako sa'yo Lawrence ha, bi-binggo ka talaga ka saken.
"Oo na, ito na nga. May pagka chismosa karin, eh." sabi pa niya kaya binigyan ko siya ng matalim na tingin.
"Ito na nga oh, mag ku-kwento na. To naman parang hindi mabiro." sabi niya.
"Magkuwento ka nalang! Bwisit na'to!" singhal ko.
"So here it is."
💠💠💠💠💠💠💠💠💠💠💠💠
A/N: Hep! Next chap nalang ang flashback ha.😂 Bye for now.