IWYB 11

21 0 0
                                    

Lawrence's POV

Maaga akong gumising para pumunta sa mansion nila Eunice
Yung mata ko namamaga pa, kaya nag shades ako. Umiyak ako kagabi eh, eh ano ngayon? Ayaw ko lang talaga mawala ulit saken si Eunice. 8 years without her feels like hell. I know para akong bakla sa scene namin kagabi but what the hell? Lampake! After 1 hour nakarating ako sa mansion nila at naabutan ko siya sa sala nila at napansin naman niya agad ako. Para ngang nagtataka pa siya kung bakit andito ako sa bahay nila. Pero sinalubong niya naman ako at hinalikan sa pisngi.

"Oh anong trip yan? Ba't naka sunglasses ka?" tanong niya with matching halukipkip pa ng mga braso niya.

"Namamaga ang mata ko." simple kong sagot, tapos siya naman nakita kong nagpipigil lang ng tawa.

"Tumawa ka na, nahiya naman ako sa'yo. Sino bang may pakana nito?" sabi ko at siya naman bumunghalit na ng tawa, kaya napasimangot ako.

"Uy, ang cute mo sumimangot, Babe." sabi niya at pininch ang pisngi ko.

"Masakit!" reklamo ko at agad niya namang binitawan ang pisngi ko.

"Sandali, bakit ka nandito?" tanong niya.

"Date tayo."

"At saan naman tayo magde-date?" tanong niya.

"Kahit saan." simple kong sagot saka hinila na siya palabas ng mansion nila.

"Yah! Lawrence! Dahan-dahan naman, alam ko namang maglakad eh." reklamo niya.

"Sorry." hinging paumanhin ko, then peck her lips.

"Sus. Nagnakaw pa ng halik." pagtataray niya kunyari tapos nauna ng maglakad sa kotse.

"Di bagay sayo ang pagtataray, Babe." sabi ko habang nakasunod sa kaniya, na sa harap na siya ng kotse ko.

"Eh, isa nga yan sa nagustuhan mo saken eh. Hindi ako si Eunice kung hindi ako mataray." sabi niya.

"Oo na. Pumasok ka na sa kotse." sabi ko nalang.

🌠🌠🌠🌠🌠🌠🌠🌠🌠

Keyla's POV

Akala ko kung saan kami pupunta. Sa mall lang pala. Ok lang naman saken basta siya ang kasama ko. Nasa entrance na kami ng mall and he's holding my hand. Akala mo naman mawawala ako sakaniya. Haha. Ay sandali! May naalala ako.

"Babe, punta muna tayo sa National Bookstore." sabi ko sakanya.

"Ok, ano ba bibilhin mo don?" tanong niya.

"Baka, karne? Syempre, libro! Tss." sarkastikong sabi ko.

"Tss. I mean anong libro, about sa ano? Oh ayan ok na?" tanong niya ulit.

"Kung anong nakakahalinang basahin syempre. Wala na kasi akong binabasa ngayon eh." sabi ko.

"If I know, wattpad stories na naman yang bibilhin mo." he said.

"Alangan naman bibilhin ko dictionary at babasahin, di ba?"

"Bakit? Pwede namang basahin ang dictionary ah!" he said looking at me, nasa tapat na kami ng store.

"Eh di ikaw ang mag basa! Bwisit na to!" naiinis kong sabi at nauna na akong pumasok.

Habang naglilibot ako at naghahanap ng magandang basahin naka sunod si Lawrence saken. Nilingon ko siya.

"Oh ba't sumusunod ka saken? Maghanap ka ng dictionary! Bilhin mo! Tapos umalis kana! 'Wag mong kalimutang basahin ha" inemphasize ko talaga yung dictionary at basahin, ewan! Naiinis ako sakanya, dahil sa PMS ko siguro o napipikon lang talaga ako sakanya.

"Nagjojoke lang naman ako eh." sabi niya, tapos nag kakamot kamot pa ng ulo.

"Well ang joke mo, hindi nakakatawa! Aish! Ewan ko sayo." naiinis na singhal ko. Pinatuloy ko nalang ang paghahanap ng magandang librong babasahin ko. So, after 1234567890 years nahanap narin ako.

Hindi ko na napansin kung nasaan na ang magaling kong boyfriend kaya pumunta nalang ako sa cashier at nag bayad. Paglabas ko ng store, nakita ko ang magaling kong boyfriend na may kausap na babae, ang saya niya pa habang kausap ang babaeng yon, tapos may pa hampas hampas pa kunyari ang babae. Malandi! Sa inis ko, hindi ko na sila pinansin at iniwan si Lawrence. Manunuod nalang ako ng sine, at kahit hindi ko type yung movie pinanuod ko nalang para ma divert ang attention ko sa pagkakainis kay Lawrence. Mahigit 1 and a half our din akong nanuod ng movie na'yon! Kitams! Ni hindi ko nga alam ang title eh. Paglabas ko, nakita ko si Lawrence kasama parin ang babae. As in! Kumukulo na talaga ang dugo ko! Bwisit siya!

"Babe!" pagtawag niya saken. Hindi ko siya pinansin at dire-diretsong lumabas ng mall. Ang swerte ko dahil may nakatambay na taxi sa labas kaya agad-agad akong pumasok.

"Manong, BTOB subdivision po." sabi ko kay Manong driver, hindi naman nagtagal ang byahe dahil malapit lang ang mall sa mansion namen. Lumabas ako ng taxi at nagbayad saka dire diretsong pumasok sa mansion.

"EUNICE!!" paakyat na sana ako papuntang kwarto ko ng may tumawag saken. Sino pa ba? Eh di yung malandi kong boyfriend.

"What do you want?" I asked coldly.

"Are you mad?" the nerve of this guy? Nakaya pang mag tanong eh no?

"I said, what do you want? Why are you here?" I asked again parang monotone na nga pakinggan ang boses ko eh.

"I'm sorry."

"Forgiven. Umalis kana." sabi ko nalang tapos umakyat na.

☆◆☆◆☆◆☆◆☆◆☆◆☆◆☆◆☆

A/N: Sorry ngayon lang nakapag-update, at sorry wala akong maisip na pangalan ng subdivision eh. Haha. So, BTOB subdivision nalang nilagay ko.😂 sorry sa mga grammatical errors.✌

Hi Nessieharu16 ! Ehem! nakapag-ud nako😂

I Want You BackWhere stories live. Discover now