Keyla's POV
Kainis! Minsan lang nga nag-aaya si beshy na mag bar hopping eh! Aaaah! Naiinis ako!! Pinatay ko ang cellphone ko kasi tumatawag ang magaling kong boyfriend.
"Yah! Nakakainis ka Lawrence!" sigaw ko habang nakahiga sa kama.
"Bwisit na lalaking 'yon! Namimiss ko na si beshy eh." pag mo-monologue ko.
"Kasi nama--" napaigtad ako ng may kumatok sa pintuan ko.
"Aish! Nag-mo monologue ako eh! Sino yan?" inis na tanong ko.
"Ma'am mamaya nalang kayo mag monologue jan. Andun si sir Lawrence sa baba." tsss.
"Sabihin mo sa kaniya, umuwi na! Wala siyang mapapala saken. At pakisabi narin na break na kami!" hahaha. biro lang, alam ko mag hi-histerical yang si Lawrence eh! Yan pa! Patay na patay yan saken eh. Haha.
"Manang, sandali! Sabihin mo na matutulog na'ko kaya umalis na siya ha." sabi ko habang yung ulo nasa labas lang ng pinto.
🍥After a minute
"EUNICE!! F*CK! KUNG GUSTO MONG MAG BAR HOPPING! GAWIN MO! WAG LANG YUNG MAKIKIPAG BREAK KA SAKEN!" nagpipigil ako ng tawa sa loob ng kwarto ko. With matching kalampag pa yan ng pinto si Lawrence! Hahahaha.
"Wag na! Nawalan na'ko ng gana! Umalis ka na!" balik-sigaw ko, grabe, kamuntik na 'kong tumawa.😂
"Manang! Pakikuha nga ng duplicate key ng kwarto ni Eunice. Pakibilisan din po. Salamat!" utos niya kay manang! jusko! Ayoko namang sungitan si manang kasi mas matanda siya saken, saka kawalang respeto naman kung bubulyawan ko siya dahil lang sa susi. Seconds passed at nabuksan ni Lawrence ang kwarto ko, kaya nag talukbong ako ng kumot ko.
"Eunice! 'Wag mo kong mabiro hindi na nakakatawa." naiinis na siya. Pikon pa naman to! Haha.
"Sino bang nag-sabing nagbibiro ako? Saka sinabi kong umalis ka na diba?" sabi ko with cold voice pa para mas effective. Napansin kong biglang tumahimik kaya kinuha ko na yung kumot na nakatalukbong saken.
Nakita ko si Lawrence na nakatayo parin at namumula yung mata, na parang konti nalang ay iiyak na siya. Natawa ako ng malakas ng makita ko ang itsura niya.
"Huy, ba't ka umiiyak? Nagbibiro lang ako eh." natatawang tanong ko.
"Ikaw ba biruin ng pakikipag-break matatawa ka?" sabi niya saka tuluyan ng tumulo ang luha niya.
Hindi ko po nasabi sa inyo na iyakin si Lawrence. Opo, iyakin po siya. Haha.
"Ang iyakin mo talaga! 'Wag ka ng umiyak, para kang bakla eh." biro ko pa sakanya.
Tumayo ako sa kama at ni-hug siya, niyakap naman niya ko pabalik. He burried his face sa side ng neck ko. Hindi ko tuloy maiwasan na tumawa kasi pasinghot-singhot pa siya.
"Sorry na. 'Wag ka ng umiyak." kung titingnan mo, parang ako pa ang lalaki saming dalawa. Haha.
"Kasalanan ko bang iyakin ako? Kalalaki kong tao tapos iyakin ako." natawa rin siya sa sinabi niya.
"Akala ko makikipag break ka na naman saken." sabi niya.
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya saka tumingkayad then give him a peck on the lips.
"Ang gullible mo. Syempre hindi ko naman gagawin 'yon. Mahal kaya kita. Pwera na lang kung may gagawin ka na namang kalokohan." sabi ko with matching taas ng kilay.
"I will never do the same thing ever again. I will never be that Lawrence who's been stupid to fool you." he said and he's very sincere.
"I love you Lawrence."
"I love you Eunice."
And we seal the night with a kiss.
--------
Late update guys!