Pagpasok ko sa apartment at pagbukas ko ng ilaw, nabulaga na lang ako nang makita ko ang kuya ko sa isang sulok na mukhang may pinagtataguan. "Oh, kuya. Akala ko mamayang alas-nuwebe ka pa ng Biyernes makakabalik?"
"Shhh! Nandiyan pa ba siya? Huwag mong sabihin sa kanya na nandito ako," sabi ni kuya.
"Huh?" Hala, patay! Baka nakita niya si Lucas, lagot ako nito ngayon. Baka akala niya manliligaw ko 'yon! "Sino, kuya?" painosenteng tanong ko.
"'Yong kaibigan kong hiniraman ko ng pera at sinisingil na ako ngayon. Nakita ko kasi siyang pabalik-balik sa building ng company namin kanina, tinatanong sa mga tao doon kung nando'n ba ako. Mabuti na lang nakatiyempo ako kaninang umalis do'n nang hindi niya nakikita pagkatapos ng shift ko. Tsk."
"May pinagtataguan ka, kuya? Para saan 'yong utang mo sa kanya? Magkano ba utang mo? Ba't hindi mo na lang muna siya harapin at kausapin kung hindi mo pa siya mababayaran?"
"Fifteen Thousand, interes pa lang 'yan. Nangutang kasi ako ng pera sa kanya para ipadala sa inyo no'ng na-stroke si papa. Kumapit na lang ako sa patalim no'ng time na 'yon, nangutang na lang ako kahit ang laki ng hinihingi niyang interes, gipit na gipit din kasi ako nun. Hindi ko pa siya kayang harapin ngayon, gusto ko kasi kapag nagkaharap kami ay mayroon na akong maibibigay sa kanya."
Kawawa naman si kuya ko. Ang hirap pala ng buhay niya rito sa Capital pero hindi niya sinasabi sa amin doon sa probinsiya para hindi kami mamroblema sa kanya. "Huwag kang mag-alala, kuya. Walang tao sa labas. Wala dito 'yong inutangan mo," sabi ko at kumalma na ang ekspresyon ng mukha niya.
Tumatakbo ako. Hinahabol ako ng mga zombies. Kagulohan.
Kanina pa ako tumatakbo at hingal na ako. Hindi ba napapagod kakahabol sa akin ang mga walangyang brain-eating, hideous zombies na 'yan na ewan ko kung ano at saan ang origin? Walang rumi-responde, wala na rin akong energy para ihakbang pa ang paa ko, maaabutan na ako ng mga zombie na ang taray ng tingin sa akin katulad ni Sheira. Ayan na sila... Nakakatakot!
"WAAAAAAAAAAH!" napasigaw ako at napamulat ng aking mga mata. Panaginip lang pala.
"Ano?! Anong meron? May magnanakaw?" sigaw ni kuya pagkabukas niya ng pinto ng kwarto ko. May dala siyang walis tambo sa kanang kamay at planggana sa kaliwa. Nilibot niya ang kanyang tingin sa kabuoan ng maliit na kwarto ko.
"Kuya, nanaginip lang po ako," paumanhin ko.
Ibinaba niya ang kanina'y iwinawagayway na walis. Tinuon niya ang tingin niya sa akin at tinabihan ako. "OK ka lang?" pinunasan niya ang noo ko at do'n ko lang napansin na pawis na pawis pala ako.
"Kuya, tatlong taon ka na rito, ang hirap siguro ng mga karanasan mo," sabi ko. Kita ko ang liwanag ng buwan through the curtains of my window. Bukas ay Lunes na naman at maaga pa ang pasok ko. Mahigit dalawang linggo na pala ako rito sa siyudad.
"Inday," tawag ni kuya sa akin, ito ang tawag nila sa akin do'n sa probinsiya which is a term for 'little sister.' "OK lang ako. Oo, ang buhay ay parang bato, it sure is hard, pero masaya naman ako sa pakikipagsapalaran ko dahil alam kong may kabuluhan ito at mayroong magandang ibubunga. Tiis-tiis lang muna sa ngayon. Malay natin baka bukas, ang biyayang ating pinakamimithi ay dadating na rin."
Ngumiti na lang ako sa words of encouragement ni kuya. Gusto ko sanang i-encourage siya, pero ako naman ang na-encourage sa kanya. I'm so thankful to God that I have a wonderful big brother, kung may parangal lang sana akong maibibigay sa kanya ay ibibigay ko talaga. Pero dahil wala, itong pagsisikap ko na lang sa pag-aaral ang tanging maigaganti ko sa family ko at hindi ko sila bibiguin.
Lunes. Sa school. Sa study shed na palagi kong tinatambayan dito sa school, to be specific.
"Friend," alam ko ang boses na 'yon at paglingon ko kung sino ang tumawag, hindi ako nagkamali, si Von. Lumapit siya sa akin at tumabi. "Alam ko rito kita mahahanap, wala ka kasi sa library kanina," sabi niya.
BINABASA MO ANG
This Probinsyana
Teen FictionAno ang kaya mong isakripisyo para sa pangarap mo? Para sa pamilya mo? Para sa taong mahal mo?