Confession 9

1.4K 104 0
                                    

Hindi ako makapaniwalang nandito si Lucas ngayon!

"Hindi mo alam, friend?" sabi ni Von. Isa pa 'tong si Von. Siyempre, hindi. Magugulat ba naman ako kung alam ko na.

"Hindi. Ang alam ko lang ay pareho kayo ng kotse—"

"Ngayon mo lang napansin?" si Von.

"Ay, hindi. Matagal nang panahon ko napansin, panahon pa ng Hapon," sabi ko na naiinis. Naiinis ako sa hindi nakakatawang jokes ni Von. Naiinis ako na hindi niya sinabi sa akin na magpinsan sila ni Lucas.

Naiinis din ako kay Lucas, lately kasi parang iniiwasan niya ako. No'ng nakita ko sila ni Sheira nung isang araw sa school, alam kong nakita niya ako pero hindi niya ako pinansin. Hindi niya rin ako pinansin nung nagtama ang mga mata naming dalawa kahapon nung dumaan ako sa cultural building habang kinakaskas niya ang isang gitara.

Naiinis ako. Oy, hindi ako nagseselos, hah, dahil wala naman akong karapatang magselos. Naiinis lang ako. Iniiwasan niya ba ako? Wala naman akong sakit or virus or something sa katawan ko para iwasan niya ako. Simula nung sinabi ko sa kanyang hanggang sa pagkakaibigan lang dapat ang mamagitan sa aming dalawa ay parang iniiwasan na niya ako.

"Friend, pasensiya ka na," mukhang gustong magpaliwanag ni Von. "Actually, nagwo-working student ako rito kina Lucas, kind of adopted na rin. I didn't tell you because—"

"Wait," sabi ni Lucas at napahinto sa pagsasalita si Von. "If there's someone who needs to explain everything—"

"Wait," I put my hands up as a sign of 'stop.' "Bago ka mag-explain, pwede kumuha ka muna ng damit?" Distraction kasi masyado ang katawan niya, eh.

"I... I think that's a good idea." Naiwan kami ni Von sa living room pag-alis ni Lucas.

"Punta muna akong kusina, friend. Iniwan ko lang do'n si Manang tsaka 'yong niluluto ko," umalis din si Von pagkasabi niya nun.

"Does it look nice to me?" napalingon ako at nakita si Lucas for the first time na hindi nakasuot ng school uniform niya. Isang simpleng t-shirt ang suot niya pero dahil siya ang nakasuot ay ang ganda na nitong tingnan.

"Bagay sa 'yo," sabi ko. Lahat naman yata ng isusuot niya ay bagay sa kanya.

Umupo si Lucas sa tabi ko at tiningnan ang ginagawa ko. "Is that a project?" tanong niya.

"Ah, no. Mga exercises lang 'to na pinagawa sa amin ng prof ko at ini-study-han ko, may long quiz kasi kami next week at gusto ko lang maging handa. Nahihirapan ako sa isang ito," sabi ko.

"Let me see," sabi niya at umusog siya para matingnan ng maayos ang computer. Ang lapit-lapit niya sa akin, I can see how long his eyelashes are, he has toned biceps and shoulders aside from having a towering height, no wonder walang ka-effort-effort niya akong binuhat papunta sa apartment ko nung iniligtas niya ako one night.

I like you, Diane...

"Huh? Ano? Ano'ng sinabi mo?" pagkabigla ko no'ng narinig ko ang boses niya.

"What's what?" tanong ni Lucas, his expression wondering.

"May sinabi ka, di ba?"

"Me? I said nothing," sabi niya. Eh, so sino yung nagsalita? Nawawala na yata ako sa isip ko. "This is done. There are just a few errors in the codes that needed to be corrected."

"Talaga? Na-debug mo?!" tumingin ako sa computer at nakita kong tapos na pala niyang gawin ang kanina ko pa hindi matapos-tapos gawin. "Ang galing mo, Lucas! Sigurado na akong maipapasa ko ang long quiz namin next week!"

Gano'n na lang ang saya ko at napayakap ako sa kanya bago ko pa man malaman ang ginagawa ko.

"Ay, shorangkay!" nabanggit ko no'ng natumba kami. Dahil sa hindi niya inaasahan ang pagyakap ko ay na-out of balance siya at natumba kaming dalawa sa may carpet ng sahig, ako sa ibabaw niya. Agad naman akong bumangon at humingi ng pasensiya sa kanya, "P-pasensiya."

This ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon