"Well, well, well," sambit ni Sheira who crosses her arms while looking at me and Patchi. Sa likod ni Sheira ay sina Janella at Liza, ang kanyang backup dancers, este friends.
Alam mo 'yong feeling na nagkita kayo ng mortal enemy mo? 'Yong feeling na kumukulo ang dugo mo at gusto mo siyang i-flying kick? Well, hindi iyon ang nararamdaman ko ngayon, kalma lang ako.
"Hi, Diane and Patchi! Long time no see," plastik na bati ni Sheira sa amin ng kaibigan kong si Patchi. "Kumusta na kayo?"
Walang imik si Patchi, in-ignore lang niya si Sheira pati na sina Janella at Liza na wala ring imik at hindi man lang makatingin ng diretso kay Patchi.
"OK lang ako, Sheira," sabi ko, "Salamat sa pagtatanong. How about you?"
"I'm fine, thank you," sagot ni Sheira. Agaw-pansin ang red high-heeled shoes niya hah, nahiya ako sa tsinelas ko.
"I see you're with your newfound friends just like before," sabi ko kay Sheira.
Napa-smile si Sheira, pero halatang peke naman. "Oh, they're not my friends. They're my sisters. Right, sisters?" tanong niya kina Janella at Liza sa likod niya na sumagot naman ng, "Yes, Sister Sheira."
"Kung wala ka nang itatanong o ikukumusta, pwede tumabi na kayo sa dadaanan namin, Sheira?" tanong ko kay Sheira na kung makaasta akala mo siya'ng may-ari ng dadaanan namin ni Patchi.
"I still have one thing to ask," sabi ni Sheira sa kanyang mataray na tono ng pananalita. "Why does your face always piss me off when I see it? I guess it must have been Hate At First Sight."
"Ikaw ang nagtanong ikaw rin ang sumagot sa tanong mo, ang labo mo 'tehhh. Hindi mo na lang sana ako tinanong," sabi ko kay Sheira. "Tsaka para hindi ka ma-piss off sa magandang pagmumukha ko kung magkakasalubong tayo, edi takpan mo ang mga mata mo. Mahirap bang gawin 'yon? Simple lang palang i-solve ang problema mo eh."
Halatang nainis si Sheira sa sinabi ko. "Are you joking again?" tanong niya.
"Hindi. Ikaw are you a joke?" tanong ko naman sa kanya.
"You know what, you're not making any sense," mataray niyang sabi.
"Bakit, may sense bang makipag-usap sa iyo?" sabi ko naman. "Ang plastik mo. Magpakatotoo ka nga."
"Whoah! Magpakatotoo?" sabi ni Sheira sa akin. "Don't use that word against me dahil ang totoo hindi mo mahal ang Lucas ko at sinasabi mo lang na mahal mo siya to get money from him. You're a fraud, Diana Rose!"
Kalma lang ako. Totoo. Kalma lang ako, lalo na no'ng sinabi kong, "Tapos ka na, Sheira? Hindi kita papatulan kasi may boyfriend na ako at binigyan niya ako ng regalo no'ng nag-date kami at marami ka pang hindi alam at alam kong nasasabik kang malaman ang mga ito pero sorry ka na lang. Bleee!"
Bumuka ang bibig ni Sheira pero tinikom niya rin ito agad, mukhang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi. Hindi niya matanggap ang mga sinabi ko. Hindi niya matanggap na ako ang mahal ni Lucas at hindi siya.
Sinaway ako ni Patchi tungkol sa mga sinabi ko kay Sheira. "She's as discriminating as ever. Let's just ignore her," sabi ni Patchi sa akin.
"Patricia, why are you stooping yourself so low?" tanong ni Sheira kay Patchi. "Don't tell me nabilog din ng tomboy na 'yan ang ulo mo? Why don't you come join Janella and Liza and I? Join the club."
"Sheira, mas maganda si Diane kaysa sa 'yo. And she's my friend, bakit ko siya iiwan? If you have a dog, I bet mas pipiliin pa ni Lucas na mahalin ang aso mo kaysa sa 'yo," matapang na pagtatanggol ni Patchi sa akin. Chok-pak-pok! Hindi ko inaasahang sasabihin 'yon ni Patchi kay Sheira.
BINABASA MO ANG
This Probinsyana
Teen FictionAno ang kaya mong isakripisyo para sa pangarap mo? Para sa pamilya mo? Para sa taong mahal mo?