Pagbangon ko ngayong umaga, nalaman kong umalis na pala si kuya papuntang trabaho. Ni-lock ko 'yong pinto ng apartment para pumunta na sanang school nang biglang tumunog ang aking cellphone. May nag-text, hindi naka-register sa phonebook ko 'yong number.
Toot-Toot!!
Binasa ko 'yong text na dumating sa inbox ko. "Congratulations! You're one of the lucky winners of the draw the Department of Trade and Industry (DTI) has organized. Please claim your prize amounting to 100,000.00 pesos at the DTI central office or reply to this number. - Attorney Chuba Chuchu."
Wow! As in wow, akalain niyo 'yon, nanalo pala ako sa isang draw?! Ang swerto ko! Sino'ng gusto ng balato?
Dinelete ko agad ang message na iyon. It was obviously a scam! Never in my life akong sumali sa anumang pa-raffle.
Toot-Toot!!
Tiisin niyo na lang ang boring na message tone ng Nokia 3310 ko, hah. Deal, 'pag nagkatrabaho na ako, bibili ako ng phone at gagawin kong masaya ang message tone ko. 'Yong Tot tot tot tot, Wiggle wiggle wiggle para mas enjoy.
Pagtingin ko kung sino 'yong nag-text sa akin this time, si Attorney Chuba Chuchu pa rin pala. Ang sabi ay hindi raw scam ang text niya at mayroon daw siyang mga legal na papeles na makakapagpatunay no'n. Sabi pa sa pahabol na text ay today daw ang deadline ng pagkuha ng napanalunan kong halaga at maaari ko raw ipakuha ito sa kanya pero kailangan ko raw siya munang padalhan ng pera mga bale 1,500.
"Please stop texting this number or else you'll get what you want. Kailangan mo ng 1,500? 1,500 na suntok ibibigay ko sa 'yo if you won't stop this. FYI, pamangkin ako ng PNP Chief ng Pilipinas. Shongek!" sinend ko sa unregistered number, aksaya siya ng space sa inbox ko. Saan ba niya nakuha ang contact number ko? Hindi ko binibigay sa kahit na sino ang number ko, I'm a very private person!
Toot-Toot!!
"Anong shongek?" reply ng parehong unregistered number. Nanggugulo talaga siya sa aking magandang morning!
Ni-reply-an ko ulit. "I-search mo sa google. Shongek, other term ko for pasaway. Pauso ako, eh, sumunod ka na lang. I swear, 'pag hindi mo ititigil ito, pagsisisihan mo."
Toot-Toot!!
May nag-text ulit. Kainiz na 'to, ah! Ano na naman kaya ang mensahe niya?!
"Good morning, MH!"
Oh, bakit MH naman ngayon ang mensahe niya? Malapit na akong makarating sa school, malapit ko na ring itigil ang pagsakay sa trip nitong Chuba Chuchu na ito. Wait, tinawag niya akong MH?
Toot-Toot!!
"Pasensiya ka na hindi kita nasundo," sabi sa mensahe. Tiningnan ko at nakita kong si Lucas na pala ang nagte-text, natakot na siguro ang walang-hiyang-Chuba-Chuchu-na-iyon-kung-sino-man-siya kaya hindi na siya nangulit pa sa akin at itinigil na ang balak niyang ako'y biktimahin. Ang dami na talagang manloloko sa mundo ngayon, pero tandaan din natin na walang manloloko kung walang nagpapaloko.
Buong umaga ay hindi kami nagkita ni Lucas. Pero napagkasunduan namin through text na sabay kaming manananghalian. Sasabay din daw sa aming dalawa sina Von at Patchi.
Ang dami kong napag-aralan sa mga klase namin. Pinaka-amazed ako no'ng nalaman kong may sarili palang lenggwahe ang mga kompyuter, akalain niyo 'yon? Iba na talaga ang teknolohiya ngayon, kaso sa lugar namin sa probinsiya wala pa ring signal. Well, kung sasadyain ay makakahanap ka ng signal doon kung aakyat ka ng puno ng niyog o kaya sa bukid.
Kring! Kring!
Rinig kong may nagtitinda ng ice cream. Joke lang. Walang nagtitinda ng sorbetes sa loob ng Peruse College, tunog ng school bell ang narinig ko, hudyat na tapos na ang last subject ko ngayong umaga kaya tumungo na ako sa study shed para puntahan si Lucas.
BINABASA MO ANG
This Probinsyana
Teen FictionAno ang kaya mong isakripisyo para sa pangarap mo? Para sa pamilya mo? Para sa taong mahal mo?