Sunday morning.
"Si Von, busted? Kaawaan ng langit," kumulot ang bangs at nanlaki ang mata ni kuya nung sinabi ko sa kanya pagdating namin sa apartment matapos magsimba na hindi naging maganda ang takbo ng pangyayari sa pakikipagkita namin ni Von kay Patchi kahapon. "Kawawang Von, pag-ibig pa more. Ayan ang nagagawa ng pag-ibig, kung hindi ka liligaya, siguradong magdudusa ka."
Huminto si kuya sa pagsasalita at bumalik sa pagco-compute ng budget namin for this month.
"Kuya, paano kung sabihin ko sa iyong may nanliligaw sa akin? Ano'ng sasabihin mo sa akin?" tanong ko, hindi naman sa seryoso yung tanong ko, just out of curiosity.
"Bakit? May nanliligaw ba?" tanong niya na hindi inaangat ang tingin mula sa papel na pinagsusulatan niya. By the looks of it, hindi siya interesado sa topic.
"Nagtatanong lang, kuya," sabi ko.
"Inday, alam mo ba'ng ganyan din yung sinabi ni ate sa parents natin?" this time iniangat na ni kuya ang tingin niya sa akin. "Sabihin mo, may nanliligaw ba sa 'yo? Ikaw, ang bata mo pa. OK lang naman ang pumasok sa isang relasyon, but you have to take care of the first things first. 'Yon ang sinabi ng parents natin kay ate noon about relationships. Inday, I trust you. I know you won't fail me. Pero isang tanong, isang sagot: Gusto mo ba ang nanliligaw sa 'yo?"
"Huh?"
"Asus, in denial ka pa, eh, nitong mga nakaraang araw ay panay ang ngiti mo kahit na wala namang obvious na rason. Inlababo ka, noh?" Ako, inlababo? Kanino? Kay Lucas? Nuh-uh! "Tingnan mo, oh, ibang klase ang kislap ng iyong mga mata. Gwapo ba, huh? Ayeee..." panunukso ng kuya ko sa akin.
"Ako, in love? In love, agad-agad? Hindi ba pwedeng in like muna?" sabi ko kay kuya. "Infatuated lang siguro ako, kuya. Mawawala rin siguro 'to paglipas ng panahon. Kontento na akong wala muna sa isang relasyon, kontento na ako sa isang inspirasyon."
"It's good to know that you're looking at the bright side of things, inday," sabi ni kuya. It's good to know din na hindi naman pala niya ipinagbabawal na pumasok ako sa isang relasyon. Phew, kung hindi ko tinanong si kuya, hindi ko malalaman na hindi naman pala talaga ako nila pinagbabawalang magkaroon ng manliligaw. "Ngayon may bago ka nang inspirasyon," sabi ng kuya ko.
"Kuya, nadagdagan lang ang inspirasyon ko, hindi nabago. Siyempre, kayong family ko pa rin ang number one inspiration ko!" sabi ko.
Ding-dong! Ding-dong!
Nasa labas ako ngayon ng bahay nina Lucas, pumunta ako rito para kumustahin ang bespren kong si Von tsaka para kunin ang nakalimutan kong flashdrive nung gabing pumunta ako rito. Medyo matagal din bago may nagbukas ng malaking gate kaya nung nakita kong mayroon doong CCTV sa labas ay nag-pose muna ako at umaktong gumagawa ng isang music video. Hahaa, halatang walang ibang magawa.
Bumukas ang malaking gate at pinapasok naman agad ako ng maid doon, ang sabi ay hinihintay daw ako ni Lucas. Pagpasok ko ng living room ay may nakita akong isang ginang na nakaupo sa sofa kaharap ng isang dalagang nakatalikod mula sa akin. Nakita ko rin si Lucas sa living room katabi ng ginang na sa palagay ko ay mama niya.
"Oh, we have a visitor?" sabi ng ginang na katabi ni Lucas.
Tumayo si Lucas at pinapasok ako. "You're just in time," mahinang sabi ni Lucas sa akin. Ako, on time? For what? Inaantay niya ba ako kanina pa? Hindi naman ako nagsabing pupunta ako rito, ah.
Nakita kong si Sheira pala ang dalagang nakaupo sa living room. Huwag niyo ng itanong kung ano'ng naging reaksyon niya, inirapan niya ako, kulang na lang may lumabas na kuryente sa mga mata niyang nakatingin ng masama sa akin. Pagkaupo ko sa tabi ni Lucas ay tumingin ako sa kanya at sa mama niya, parang ang bigat ng atmosphere sa loob ng living room.
BINABASA MO ANG
This Probinsyana
Teen FictionAno ang kaya mong isakripisyo para sa pangarap mo? Para sa pamilya mo? Para sa taong mahal mo?