Confession 24

849 52 6
                                    


Malapit nang mag-12 midnight. Lasing na ako, joke lang, walang hard drink na hinanda si Lucas para sa date namin. Hinatid na niya ako sa apartment pero bago ako tumuloy sa loob ay mayroon siyang ibinigay sa akin. Isang brand new and shiny touchscreen phone!

Sinabi kong hindi ko matatanggap ang regalo niya tsaka hindi ko naman birthday para bigyan niya ako ng regalo tapos ganito pa kamahal. Pero si Lucas ang kausap ko, kilala niyo naman siya, wala na akong nagawa kundi tanggapin iyon. Sabi pa niya na mayroon daw GPS ang phone ko so that he'll automatically know my whereabouts in case I need help katulad ng nangyari kaninang pangholdap sa akin sa jeep.

"Thank you for this, MH," laking tuwang pagpapasalamat ko kay Lucas. "I had a great time tonight."

"Me, too," sabi ni Lucas. "You need not thank me for the gift, it's just a little—"

Pinutol ko siya sa pagsasalita niya. "Maraming salamat sa lahat... Kahit sabihin mong hindi ako dapat magpasalamat ay magpapasalamat pa rin ako ng buong puso. Nag-effort ka na bilhan ako nito, gumastos ka, hindi madaling humanap ng pera ngayon."

Ngumiti si Lucas bilang acknowledgement sa pagpapasalamat ko. "You're always grateful, even for the little things. One thing I like most about you," sabi ni Lucas at ginulo ang buhok ko. "See you next time for our next adventure. Bye."

Tumalikod na si Lucas pagkasabi niya ng 'Bye' pero hinawakan ko ang kamay niya kaya napatigil siya.

"Ingat ka pag-uwi. Good night," sabi ko at hinalikan ko siya sa pisngi. Saksi ang libu-libong mga bituin sa langit sa ginawa kong iyon, napa-'YES' naman si Lucas at nag-gesture na parang nanalo sa isang paligsahan.

Umalis na si Lucas. Kumatok ako at pinagbuksan ng pinto ng kuya ko, katatapos pa lang daw niya basahin ang librong bigay sa kanya ni Lucas. Hindi nagtagal ay pinatay na ni kuya ang ilaw at pumunta na ako sa kwarto ko na tila may pakpak ang aking mga paa.

-----

Linggo ng umaga. Nagsimba kami ni kuya as always pero hindi yata siya nakapag-concentrate sa pagsimba kanina dahil ubo siya nang ubo. Pagkauwi namin sa apartment ay mukhang hindi na niya makayanan ang ubo at kati ng lalamunan niya dahil inutosan na niya akong bumili ng gamot.

Isinuot ko na ang aking space suit at inihanda ang aking space ship para sa paglalakbay papuntang Mercury. Chos lang. Hindi sa planet Mercury ang punta ko kundi sa Mercury drugstore na nandoon sa mall.

No'ng nakabili na ako ng gamot sa drugstore para sa kuya ko at uuwi na sana ako sa apartment ay may biglang nanggulat sa akin mula sa likod ko, "Peek-A-Boo!"

"Ay postiso ka!" pagkabigla ko. Nakita kong si Patchi pala ang nambigla sa akin. "Ikaw pala, friend. Ginulat mo naman ako."

"Ba't andito ka?" tanong ni Patchi.

Sinabi ko sa kanyang may ipinabili ang kuya ko sa akin. "Ikaw, ba't ka nandito? Ikaw lang bang mag-isa?" tanong ko naman kay Patchi.

"Oo. Gusto kong magmuni-muni," malungkot na sabi ni Patchi. "I have a problem that I want to forget."

"Friend, ang problema hindi kinakalimutan kundi sinosolusyonan. Maaari bang malaman kung ano'ng problema mo?" tanong ko kay Patchi. Hindi sa nangingialam ako sa problema niya pero malay mo baka simpleng 1 + 1 ang problema niya eh di matutulungan ko siya.

"It's not 'ano', it's more like 'sino'," sabi ni Patchi.

"Ay hehee. So sino?" tanong ko na naman.

This ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon