"Come on in!" alok ni Lucas na ikinabigla ko. "I'll take you home."
"Sigurado ka?"
"Mukha ba akong nagbibiro?"
"Kunti," sagot ko, 'di ako sanay marinig siyang straight na nagta-Tagalog. "Baka makita ng mga girlpren mo, awayin ka, awayin ako."
"What? No. Haha, don't worry, this is just a friendly offer."
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa sa pagtanggap ng alok niya, blessing na 'to ni God sa akin para makauwi na ako. 'Ika nga, 'Don't refuse to blessings.'
"I thought you wouldn't come in," sabi niya pagkaupo ko sa passenger's seat katabi niya.
"Akala ko nga rin, eh. Pero hindi ka naman mukhang axe murderer tsaka gustong-gusto ko na talagang umuwi. Thanks in advance, hehee," sabi ko na nakatingin lang sa unahan.
Alam kong estranghero pa rin sa akin itong guy na katabi ko kaya may posibilidad na isa talaga siyang axe murderer kahit na mukha siya 'yong tipong knight in shining armor, pero desperada na akong makauwi eh, at ang taong desperada gagawin ang lahat makuha lang ang gusto niya. I'm taking chances now, huwag niya lang subukang gawan ako ng masama or else makakatikim siya ng hagupit ng isang Amazona! Grrrr!
Sa gilid ng mata ko, kita kong hindi siya gumagalaw at nakatingin pa rin siya sa akin. Naco-conscious tuloy ako. Tapos nagsalita siya, "What were you saying about me having girlfriends? I don't have any."
Napalingon ako sa kanya. "Weh?"
"Never had one," tinaas niya ang kanyang kamay na parang peksman.
"Sinong niloloko mo?" pero seryoso nga siya.
"Not even once or twice," nakatingin siya nang diretso sa aking mata. "But there's this one girl who caught my attention. Isang magandang babae na lalaki pumorma, and she made believe in..."
"... Love at first sight?"
"How did you know?"
"Magaling ako sa fill in the blanks," actually nanghula lang talaga ako.
"Galing!"
"Love at first sight ka diyan, corny mo, teh!"
Natawa siya nang mahina. "Don't judge me. But yeah... So gay, right?"
"Hindi naman totoo 'yang ganyan."
"Hindi mo pa kasi nararanasan," sabi niya at nakuha ko punto niya.
"Swerte naman nung girl," nasabi ko, 'di ko sinasadyang maging bitter ang aking tono.
"You can say that," sabi ni Lucas. Siguro ang ganda nung girl, ang gwapo kasi nitong si Lucas eh, bagay siguro sila. Hay naku, minsan na nga lang ako magka-crush dun pa sa lalaking nakuha na ang atensyon ng iba.
Iniling ko ang ulo ko. "Do'n ako sa 143, Ambot St, Zone 555 nagi-stay," sabi ko.
"Perfect, dumadaan ako dun," with a smile, hinatid ako ni Lucas sa apartment na tinutuluyan ko. Nakita niyang walang nakabukas na ilaw sa loob at no'ng tinanong niya ako kung ako lang bang mag-isa ang nago-occupy sa lugar ay sinabi ko sa kanya ang tungkol sa pagiging call center agent ng kuya ko.
"I don't feel all alone because wherever I am, the love of my family is always with me," sabi ko nung lumungkot ang mukha niya nang sabihin kong ako lang mag-isa. "And I know that God is always by my side."
Katahimikan.
"Ano ba 'yan, napapa-inggles na ako," sabi ko. "Oi, baka hinahanap ka na sa inyo? Huwag kang mag-alala sa akin, tsaka kung aantayin mo pang dumating ang kuya ko, naku, baka abutan ka rito ng alas 9:00 ng gabi. Tapos baka mapagkamalan pa niyang boyfriend kita, gulpihin ka no'n." Nakaupo kami sa bench sa labas ng apartment na nasisilungan naman kaya hindi kami nababasa ng ulan. Bumaba si Lucas kanina sa kotse niya no'ng bumaba ako at sabi niya hindi niya raw hahayaang iwanan ako na mag-isa lang. Nandito lang kami ngayon sa labas, baka kasi may makakita sa amin na pumasok sa loob tapos isumbong pa ako sa kuya ko at sabihing wala akong delikadesang babae, mahirap na.
"Edi, gulpihin niya ako. I'll take it."
Natawa ako sa sinabi niya. "Ha ha ha."
Napataas siya ng kilay.
"What's funny?" seryoso niyang tanong. Mas gwapo siya kapag seryoso ang mukha niya.
"Wala. Hindi mo kasi alam ang pinagsasasabi mo. Yo dunno may brader," sabi ko, alam ko hindi papayag si kuya na may manliligaw ako.
"And you don't know how lovely you are."
"Ano, may sinabi ka?" tanong ko. "Ang lakas pa rin kasi ng ulan tapos umihip pa ang hangin, hindi ko narinig."
"No, nothing. Oh, my mom texted me. I guess I'll be going home then?"
"Oi, salamat nga pala sa paghatid. Ingat ka sa pag-uwi. Pasensiya ka na wala akong nai-offer na juice man lang, ubos na kasi allowance ko."
"Really, it's nothing. It's my pleasure riding you home. So are we friends now?" that killer smile, it's killing me. Joke lang, buhay pa ako. Gentleman naman pala 'to si Lucas, akala ko talaga andami niyang girlfriends but it turns out na ang mga babae ang nagkakandarapa sa kanya at pinapansin niya lang ang mga ito out of respect pero wala siyang gusto ni isa sa kanila except do'n sa lucky girl who made his heart fall in love at first sight.
"Alam mo, you're nice," sabi ko. Nakipagkamay ako sa kanya bilang tanda ng pakikipagkaibigan ko at pagkatapos ay umuwi na siya.
Pagpasok ko sa apartment at pagbukas ko ng ilaw, hindi ko expect ang aking nadatnan.
---
#ThisProbinsyana
BINABASA MO ANG
This Probinsyana
Novela JuvenilAno ang kaya mong isakripisyo para sa pangarap mo? Para sa pamilya mo? Para sa taong mahal mo?