"Oh, inday. Good morning," bati ni kuya pagkagising ko next morning. Pumunta ako ng lababo at nagsimulang magmumog.
Lumapit si kuya sa stove na hindi sobrang layo sa lababo para tingnan ang niluluto niya. No'ng tumingin siya sa akin napakunot ang noo niya at may kinuha siyang salamin at itinapat ito sa akin. "May taghiyawat ka, inday."
May taghiyawat ako? Tumingin ako sa salamin at...
"HUWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAT?!"
Joke lang, hindi ako sumigaw. Paano ako sisigaw eh nagmumumog ako at puno ng tubig ang bibig ko? Na-confirm kong mayroon nga akong taghiyawat, tapos nasa gitna pa ng noo ko. Tss.
"Ano'ng pangalan niyan?" tanong sa akin ni kuya habang hinahain na yung niluluto niya.
"Eh?" tanging nasabi ko pagkatapos ng gurgle session ko. "Pangalan ng taghiyawat ko?" tanong ko tapos tumango si kuya habang nakangiti na parang kinikilig.
"Sino ba ang inisip mo sa magdamag kasi?" tanong ni kuya.
"Asus, si kuya" sabi ko. "Wala ito. This is just because of dirt in the air, polluted kasi ang hangin dito sa siyudad," pag-iwas ko sa tanong ni kuya. Tsk, nagkataghiyawat tuloy ako, patunay na ang landi ko. Ang tagal ko kasi nakatulog kagabi kakaisip kay Lucas. Kumusta na kaya siya?
"Oh, sha. Mag-prepare ka na for school," sabi ni kuya sa akin at nung matapos na akong magbihis at kumakain na kami ay tinanong ako ni kuya kung saan daw ako kahapon at bakit gabi na raw ako nauwi. Sabi ko may pinuntahan lang ako kasama ang isang kaibigan pagkatapos kong puntahan si Von. 'Yon lang at hinatid na ako ni kuya papuntang eskwela tapos nagpaalam na ako sa kanya kasi patungo na rin siya sa trabaho niya.
Good vibes na good vibes ako today, hindi ako masyadong nahirapan sa long quiz at practicum sa major subject namin today. Mabuti na lang tinulungan ako ni Lucas na mag-review sa programming at unawain 'yong exercises ko.
Hindi ko pa nakikita si bespren, wala siya doon kaninang lunch time sa study shed where we usually hangout with Patchi. Hindi rin nagpakita si Patchi, which is not so surprising after what happened doon sa restaurant.
"Diana Rose!" may tumawag sa akin habang naglalakad ako sa hallway ngayong hapon. Pauwi na sana ako. Uwian na kasi, eh, at ordinary routine ko na ang umuwi diretso ng bahay kung tapos na ang klase except kung mayroon pa akong isasadya doon sa library.
Paglingon ko ay nakita ko si Lucas. "Oh, wazzup?" sabi ko.
"Remember your promise to watch me practicing for my performance for the Acquaintance Party this Wednesday? Come on," he touches my hand and gently leads me to the university covered court.
"Ahhh! He's here!"
"My honeybunch!"
"Pumpkin!"
Nakapagtataka, ang dami pa palang estudyante rito sa ganitong oras na? Panay ang sigaw at tili nila sa direksiyon namin ni Lucas. 'Yong iba kulang na lang hubaran nila ang kaibigan ko gamit lang ang tingin nila. Excuse me, mga babae ang naghahabol sa lalaki? Hindi uso sa probinsiya namin 'yan. Hahaa. Culture shock ako.
Panay din naman ang ngiti ni Lucas sa lahat ng tumatawag sa name niya. Gentleman na nga, generous pa, hindi ipinagkakait ang killer smile niya. Umupo kami sa isang hanay kung saan nandoon ang mga nagpalistang magpe-perform para sa Acquaintance Party. Nakita ko nga rin doon ang isa kong lalaking classmate who volunteered to sing for our section, bawat section kasi ay required to present a performance at kung sino yung walang performance ay pagmumultahin ng Supreme Student Council. Isa-isang tinawag ang mga performers sa stage at pinag-practice. Kailangan ba talagang may ganitong practice chovaness pa dito sa school para sa Acquaintance Party? Ah, bahala sila.
BINABASA MO ANG
This Probinsyana
Teen FictionAno ang kaya mong isakripisyo para sa pangarap mo? Para sa pamilya mo? Para sa taong mahal mo?