Confession 13

1.2K 85 14
                                    

"Acquaintance Party na natin mamayang gabi, wala pa rin si Dexter!" nag-aalalang bulalas ng class president namin sa loob ng silid-aralan, kami lang kasi ng mga kaklase ko ang nandito sa loob dahil pinatawag ang guro namin sa kanilang departamento para sa isang meeting. Ginamit ng class president ang tsansang ito para ma-meeting ang lahat at ipaalala na kung wala si Dexter mamaya ay makakabayad kami ng fines unless someone will replace Dexter and will present a number.

"Hindi maaaring magka-fines tayo, ang mahal-mahal ng fines, eh, pwede namang may maghandog ng isang performance mamaya, hindi ba?" sabi ko, nasasayangan kasi ako sa pera kung mapupunta lang sa fines na ang mahal-mahal, wala na akong allowance ngayong linggo 'pag nagkataon.

"Let's expect the worst case scenario," simula ng class president namin, "kung hindi makakapunta si Dexter, sino ang handang humalili sa kanya?" tanong niya.

Katahimikan. Walang sumasagot. Mukhang walang naglalakas-loob sumagot.

"Si Diana Rose," sabi ng boses sa pinto ng classroom. Napalingon kaming lahat ng mga kaklase ko sa pinto at nakita namin si Sheira na nakangiti. Mapanganib na ngiti.

Nakatingin sa akin si Sheira. Ba't siya nandito, wala ba siyang klase ngayong oras na 'to? Hindi maganda ito, nafe-feel kong may dark aura na inilalabas ang katawan niya.

"Diana Rose will replace Dexter, that's guaranteed," sabi ni Sheira. Nakatingin pa rin siya sa akin at nakangiti pa rin. Alam ko peke ang ngiti niyang 'yan. Nginitian ko rin siya, 'yong peke rin na ngiti. Akala niya, hah.

"Sheira, I know your reputation here at our school but you ain't in our section so you have no say to our plans," sabi ng class president namin at napatingin sa kanya si Medusa este si Sheira.

"Oh, I have," sabi ni Sheira, "and you have to choose someone who will replace Dexter because he's in the hospital right now and he sent me a message that he couldn't attend the Acquaintance Party tonight. You have to choose Diana Rose because none of you here have seen Dexter performed during the rehearsal together with the other performers except her. So bali daig niya na rin ang nakapag-practice na. Gets?" sabi ni Sheira.

Hindi ko gets? Ano daw? Ano'ng gusto niyang mangyari? Gusto niya akong ipahiya sa maraming tao. Not again.

"But wait," sabi ni class president, "let's ask Rose first if she's up to replace Dexter. Rose?" Rose ang tawag sa akin ng class president no'ng una pa, sabi ko nga na Diane na lang ang itawag niya sa akin kasi masyadong babae ang pangalan na Rose pero mapilit si president, eh.

Ano'ng pipiliin ko? Mag-perform o magkaroon ng malaking fines na kasinglaki ng allowance ko para sa isang linggo? Huhuu, parehong hindi ko gusto. Pwede none ang piliin ko? Pero hindi pwede, eh. Dumarating minsan sa buhay mo ang oras kung kailan kailangan mong mamili sa dalawang bagay kahit na wala sa pagpipilian ay gusto mo. Isa ito sa mga oras na iyon.

"Kakanta ako ngayong gabi," sabi ko at nag-cheer ang mga classmates ko sa akin. Natupad ni Sheira ang hiling niya, iniisip niyang mapapahiya ako mamaya. Umalis siya sa silid na may kontentong ngiti sa kanyang mukha.

Sa totoo lang para akong daga na nakulong sa mga palad ng liyon sa sitwasyon ko ngayon. Ako kakanta? Patay tayo diyan! Pero hindi ko kayang magkaroon ng fines kasi 'pag ako nagka-fines mawawalan ako ng allowance, at 'pag ako nawalan na ng allowance walang ibang tao akong mahihingan kundi ang kuya ko at ayokong gumastos na naman ang kuya ko para sa akin kung kaya ko namang solusyonan ang problema ko sa pera. Go, Diana Rose! Keri mo 'yan! Have faith na lang!

Gabi ng Acquiantance Party.

"Hi, bespren!" napalingon ako at nakita ko si Von na ang gwapo tingnan suot ang isang casual attire kasama si Patchi na nakabihis ng isang eleganteng damit. Lumapit sila sa akin dito malapit sa backstage sa loob ng auditorium kung saan ang dami nang mga tao ang nagsisidatingan.

This ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon