Confession 29

877 52 0
                                    

"Yeah, right? Ha ha ha! Success, biglang naglagabag ang pinto at sigurado akong nakita ng ambisyosang Diane na iyon ang nangyari na hinalikan ko si Lucas," may naririnig akong boses ng babaeng tumatawa sa next hallway pagkaupo ko rito sa trash can sa sulok no'ng hindi ko na nakayanan ang pagod ko.

Sinilip ko kung sino at nakita kong ang epal na kotrabidang si Sheira pala ang aking naririnig, may kausap siya sa phone.

"Yes, tita. All is going smoothly according to plan," sabi ni Sheira at napatingin siya sa direksiyon ko dahil sinadya kong itumba ang trash can sa gilid.

"Sheira!" tinawag ko si Sheira. Mag-isa lang din siya. Kami lang dalawa ang nandito sa lugar na ito ngayon.

Kailangan kong lakasan ang aking loob, kapalan ang aking mukha at magtiwala sa aking sarili. Hindi pa huli ang lahat. Susubokan kong pakiusapan siya na huwag idamay ang ibang tao sa away naming dalawa. Tama, kung mapakikiusapan ko lang si Sheira, hindi ko na kailangang umalis pa. So help me, God!

Tumigil si Sheira sa pakikipag-usap sa phone at hinarap niya ako. "Did you just call me? The one and only, the tall and mighty, the young and pretty Sheira May I. Sy? That's right. That's me," nakangising sabi ni Sheira. "I bet you're here dahil sumuko ka na? Hihiwalayan mo na ba ang Lucas ko? Bilisan mo na, I can't wait any longer!"

"Utang na loob, Sheira, nasa Book 2 na tayo, ang sama pa rin ng ugali mo!" sabi ko. "Pakiusap, Sheira, nagmamakaawa ako, huwag mong isali ang pamilya ko sa away nating dalawa."

"Umpisa pa lang 'yan sa mga pasakit na ipaparanas ko sa iyo," mataray na sabi ni Sheira.

"Ba't ang sama-sama mo? Hindi ka ba nakokonsensiya na mayroon kang nasasaktang ibang tao? Wala ka bang puso? Ano ba'ng gusto mong gawin ko? Gusto mo lumuhod ako sa 'yo? Gagawin ko ngayon din sa harapan mo, lubayan mo lang ang pamilya ko," sabi ko.

Lumapit sa akin si Sheira.

"Look at you," sabi ni Sheira, "What a pity! Manigas ka, you low-class creature. Hindi kita titigilan unless layuan mo ang Lucas ko."

Umihip ang hangin, parang nagbabadya ng kung anong lagim na paparating.

"Kung lalayuan ko si Lucas, ipangako mong magiging payapa na ang lahat," sabi ko kay Sheira.

Ngumiti si Sheira nang matagumpay at humakbang pa nang mas malapit sa akin. "Hindi ako makokontento nang gano'n kadali. Lulubayan lang kita kung makikita ko mismo how you look when you're in pain. I really hate you, Diane. And because I hate you, here's to you!" bigla niya akong sinuntok sa ilong, hindi ko inaasahan ang ginawa niya at napahawak na lang ako sa ilong ko dahil sa sakit.

Hindi pa ako nakaka-get over sa sakit sa ilong ko nang sabunotan niya ako at kinaladkad ako sa malapit na dingding para iumpog ang ulo ko roon. Napaiyak ako sa sakit at napahawak sa noo ko. Tapos sinimulan niya akong sakalin sa leeg ko habang sinasabi niyang dapat na akong mawala, hindi siya nakikinig sa iyak ko na itigil na niya ang kasamaan niya, mabuti na lang nagawa ko siyang matamaan gamit ang siko ko kaya napabitaw siya at napaatras.

Sagad na si Sheira sa aking buto! Binuhay niya ang maalamat na bakunawa na natutulog sa loob ng katawan ko! RAAAWR!

"HAYOP KA!" sigaw ko no'ng nakaalpas ako sa pagkakahawak ni Sheira. Dahil anak-mayaman si Sheira, posible na kagaya ni Lucas ay marunong din siya ng martial arts. Ganunpaman, isa lang ang masasabi ko, Kailanman ay huwag na huwag niyang maliitin ang ibang tao!

Lalo na ang Super Sayan na tulad ko!

Sinugod ko si Sheira, kinalmot ang batok niya at kinagat ang kanyang braso. Iba akong magalit kasi ma-angry, wala na akong kontrol sa sarili ko, sa mga sinasabi ko. But I don't care! Ang nasa isip ko lang ay kailangan kong protektahan ang mga mahal ko sa buhay. Hindi ako susuko! You don't give up for your loved ones... You fight for them!

This ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon