Ang saya pala sa pakiramdam kung in love ka...
Pakiramdam mo lahat ng love song ay ginawa para sa iyo.
Hindi mo maiwasang kiligin dahil may nagpapadama sa 'yong espesyal ka..
Mas makahulugan ang bawat oras ng araw mo tuwing kasama mo ang mahal mo...
Napahinto ako sa pagsusulat. Pansin kong ibang-iba na kaysa sa dati ang mga inihahayag ko sa journal ko. Dati ang mga sinusulat ko sa aking journal ay kagaya ng simpleng linya na:
Hindi dahil sa SINGLE ka ay malungkot na ang buhay. Pwede ka naman maging masaya kahit wala ka sa isang relasyon. Dahil pwede ka naman sumaya sa simpleng inspirasyon.
Ngayon ay ang cheesy na ng mga linya ko. Tapos ngayon madalas ko na ring naririnig ang heartbeats ko! Paano ba ako nagsimulang makaramdam ng ganitong pagbabago sa sarili ko? Kayo, alam niyo kung paano?
Tama, nagsimula ang lahat once upon a time. It was a dark and stormy night and I was locked at a far away castle guarded by a dragon—Wehhh, walang gano'n! Walang ganoong mala-fairy tale action dahil hindi naman ako prinsesa kundi isang simpleng dalaga na ang pangalan ay Diana Rose, at nagsimulang magkaroon ng dugdug-dugdug sound effects ang puso ko dahil sa lalaking katabi ko na ang pangalan ay Lucas Paxton. Sshhhhh! Huwag kayong maingay, natutulog siya ngayon.
Itinabi ko ang journal ko, hindi ko man lang namalayan na napuno ko na pala ng hugis-puso na drawings ang isang pahina nito, at tumingin ako sa natutulog na si Lucas. Ang himbing ng tulog niya at ang puti ng kutis niya samantalang kulay light brown naman ang sa akin pero makinis din. No'ng dumating kami rito sa apartment ay nakatulog siya agad.
Ring! Ring!
Nag-ring ang phone ni Lucas na nasa kamay niya at no'ng tiningnan ko ay nakita kong ang mom pala niya ang tumatawag. Nakita ko rin na ang wallpaper ng mamahaling phone niya ay 'yong picture naming dalawa rito sa loob ng apartment na kinuha niya one night. Sinilent ko agad ang phone niya, baka kasi madisturbo pa siya sa mahimbing na tulog niya. Siguro tumawag 'yong mom niya para kumustahin siya o baka nalaman na nun na hindi natuloy ang anak niya papuntang ibang bansa.
"MH, panalangin ko lang noon sa Panginoon na sana may dumating na isang tulad mo sa buhay ko, isang lalaking magmamahal sa akin katulad ng pagmamahal na pinapadama mo sa akin ngayon, hindi ko naman alam na tutuparin ni God iyon. Isa lang ang ibig sabihin nito: prayers do come true," sabi ko habang nakatitig ako kay Lucas, nakahiga siya sa banig na inilatag ko rito sa sala. Inamoy ko siya kung mabango ba. (Wala lang, trip ko lang na amuyin ang boyfriend ko—walang basagan ng trip.) Hmmmn, ambango. Maamoy nga pati itong kilikili niya. Hmmmn, walang power of love, I mean walang putok.
Pinagmamasdan ko pa rin si Lucas nang bigla-bigla ay parang may magnet na dahan-dahang humahatak sa mukha ko para lumapit sa mukha niya...
This is so weird, nawawalan ako ng control sa sarili ko. Parang gusto ko siyang halikan. Naa-addict na ba ako sa kiss? No way! Ayoko ng gano'n, ayokong ma-rated SPG ang nobelang ito!
Napamulat ng mata si Lucas at natigilan ako, nawala ang magnet ng kamanyakan na naramdaman ko kani-kanina lamang. Medyo mapula ang mata ni Lucas, mukhang naalimpungatan lang siya. Pero kung naalimpungatan lang siya, bakit...
"Lucas, hindi ako unan, uy..." sabi ko, bigla na lang niya kasi akong hinigit sa tabi niya kaya napahiga rin tuloy ako sa inosente at tahimik lang na nakalatag na banig, kinulong ang ulo ko sa mahigpit niyang yakap pagkatapos, at ipinatong ang isang paa niya sa paa ko. Oo, banig lang ang nai-offer ko sa kanya, siguro hindi siya sanay na hindi malambot ang higaan niya, pero tama bang gawin niya akong Human Pillow?! Paano kung may makakita sa aming dalawa na ganitow? Oh, no!
BINABASA MO ANG
This Probinsyana
Teen FictionAno ang kaya mong isakripisyo para sa pangarap mo? Para sa pamilya mo? Para sa taong mahal mo?