Minulat ko ang mata ko at bago pa man mangyari ang mga dapat mangyari ay itinaas ko ang aking hintuturo at hinarangan ang labi niya na malapit nang dumampi sa labi ko.
Nagtaka si Lucas sa ginawa ko. Ang hindi niya alam nagtaka rin ako. Ewan, bigla ko lang kasing naalala ang usapan namin ng ate ko sa phone kanina.
"Ikaw na rin ang nagsabi, we're officially a couple," simula ko. "Dapat nagkakasundo tayo." Napakunot-noo naman si Lucas sa sinabi ko. "Ibig kong sabihin, hindi lang sa ating mga nararamdaman," dugtong ko agad.
"OK, what are you suggesting?" tanong ni Lucas.
"I'm suggesting 3 things," sabi ko. "Three simple things lang naman, pwede ba?"
"If it's for the better, why not?" sabi ni Lucas. Ito ang gusto ko sa kanya, hindi niya sinasantabi ang mga suhestyon ko.
"First, pwede bang you bawas-bawas your pag-English, nakaka-nosebleed na minsan eh," sabi ko at ngumiti lang siya. "Pangalawa, NO CHEATING."
Napa-comment si Lucas sa pangalawa kong request. "That won't happen, I promise," sabi niya.
"Dapat lang," sabi ko, "kung ayaw mong magka-black eye."
"Now, ano ang pangatlo?" tanong ni Lucas. Wow ha, he spoke in Filipino there! Masunuring bata!
"Ang pangatlo... Take note, take careful note... No kissing," sabi ko.
"Whaaat!?" pag-react ni Lucas. Kung maka-what siya, nakakabigla ba ang sinabi ko? "Why?" tanong ng boyfriend ko.
"Basta," sabi ko. "Pero pwede smack."
Kumunot muli ang noo ni Lucas. "Huh? Ain't they the same?" tanong niya.
"MH, alam mo ba na ang kiss ang simula ng s-e-x, iyan 'yong sabi ng ate ko," pag-explain ko kay Lucas. "Ayokong magkasala sa Panginoon ano, gagawin ko lang 'yong bagay na 'yon kung kasal na ako."
"What are we waiting for, let's get married already," hirit ni Lucas.
"Patawa ka, hindi bagay sa 'yo," sabi ko.
"Ehehee. I knew you'd say that," sabi ng boyfriend ko.
"So nagkakaintindihan na ba tayo?" tanong ko at umoo siya, ni hindi man lang siya umangal, naintindihan naman niya ang punto ko. Magaling, magaling, magaling!
Natahimik kami ni Lucas, pero komportable 'yong silence namin, at rinig namin ang background music na kanina pa paulit-ulit nagpe-play. Ang ganda ng music, wala akong masabi! Kung tatagal pa ang pakikinig ko sa music ay baka maihi na ako nito sa kilig!
"MH, pwede bang papalitan ang background music?" tanong ko kay Lucas. "Hindi ako nagrereklamo, maganda ang pinili mong background music, pero sa ganda ng background music natin ay naaalala ko ang mga utang ko. Wala ka bang Budots diyan o kaya naman ay Disco of the 80's?"
Natawa nang mahina si Lucas. What a wonderful, boyish laugh! "That's no problem," sabi niya.
Oh dear, oh dear, nanghingi na naman ako ng favor sa boyfriend ko at umoo na naman siya—nagiging abuso na yata ako sa kabaitan ng boyfriend ko! Binawi ko ang sinabi kong palitan ang background music at sinabing nagbibiro lang ako sa sinabi ko. Tumalikod ako kay Lucas at hinayaan kong yakapin niya ako mula sa likod ko.
Marahang ipinatong ni Lucas ang baba niya sa balikat ko. "I have no idea what Budots is," sabi ni Lucas.
"Ah, wala 'yon," sabi ko. "Parang local version 'yon ng sayaw na Gimme Gimme Gimme doon sa mga probinsiya, doon sa amin."
BINABASA MO ANG
This Probinsyana
Teen FictionAno ang kaya mong isakripisyo para sa pangarap mo? Para sa pamilya mo? Para sa taong mahal mo?